Anne Curtis on falling for an older man: "Kasi tiyak na aalagaan ka niya, pagpapasensiyahan ka niya."

"For me, age doesn't matter...me and Aga, 15 years angage gap namin. Okey lang sa akin iyon...kung binata siya," answers AnneCurtis when asked if she can fall for a man older than her, like When LoveBegins co-star Aga Muhlach.



Halata raw ba siyang bagong gising, tanong muna ni AnneCurtis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dumating na sa office ngViva Films sa 6th floor ng Tektite Bldg., sa Exchange Road, PasigCity. Panay ang sorry pa ni Anne dahil late nga siya for her pocket interviewkahapon, April 17, set by Viva Artist Agency, ang nagma-manage sa kanya.

Umaga na raw kasi natapos ang shooting nila ni Aga Muhlachunder Joey Reyes ng When Love Begins na co-production ng Viva with StarCinema, kaya late na rin siya nagising for her interview. Nais agad naminmakuha ang update sa shooting nila, particularly sa love scene nila ni Aga. So,tapos na nga ba kunan ang scene na ito?

"Hindi pa po. Either Friday or Saturday, sa lastshooting day namin," natatawang sagot ni Anne. "Mukhangpinaghahanda po akong mabuti ni Direk Joey. But he's very supportive namansa akin tuwing may shooting kami. Alam niyang pinaghahandaan kong mabutibawat eksenang gagawin ko.

"Hindi po ako dumarating sa set na hindi ko alam ang gagawinko at kung paano ko idi-deliver ang lines. Kasi ang character ko, ako iyong aggressive.Ayoko po kasing mapahiya kay Aga, na after 10 years na gusto ko siyangmakatambal, ngayon lang natupad iyon. At kay Direk Joey rin, ayoko rin pongmapahiya. Iyon nga lang, kapag magti-take na kami, kinakabahan na ako.

"Maririnig ko na lang, ‘just relax' from Direk Joey at‘kaya mo 'yan' from Aga.

"And Direk Joey gave me the freedom to do what I want, kayaI'm very thankful to him. So, hindi ba nakakahiya naman sa kanila kungpalpak ang gagawin ko sa mga eksena kung hindi ako handa?"

Pabirong tinanong ng PEP si Anne kung nakailang take ba silani Aga sa kissing scene. Knowing na sa isang pelikula, mabusisi ang pagkuha saiba't ibang anggulo ng isang eksena, lalo na kung "intimate scenes."

"Iyong first kiss namin, one take lang iyon. Several takespo iyong kissing scene namin na nahulog kami sa coach," sagot naman niAnne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AGE DOESN'T MATTER. May nagtanong kay Anne kung satunay na buhay ba will she fall for a man like Aga na ang laki ng agegap nila.

"For me, age doesn't matter. My dad and mom, 17years ang age difference nila [na tinanong pa ni Anne ang daddy niya na kasamaniya that afternoon], me and Aga, 15 years ang age gap namin.

"Okey lang sa akin iyon kung binata siya. Sana not a widowerwith kids. Sa akin kasi, mas maganda kung older sa iyo ang guy, kasi tiyakna aalagaan ka niya, pagpapasensiyahan ka niya," natatawang dugtong niAnne.

Sila ba ni Sam Milby, ano ang age difference nila?

"Sam will turn 24 on May 23. Ako naman, I justcelebrated my 23rd birthday last February 17."

DYOSA VS. DYESEBEL? After When Love Begins,magiging very busy na si Anne sa bago niyang fantaserye sa ABS-CBN na ididirekni Wenn Deramas, ang Dyosa. Excited na raw siya dahil she will play an18-year-old girl na mula raw sa angkan nina Mariang Sinukuan at Bernardo Carpioand destined to rule the world of the upper gods.

Pero sa istorya ng Dyosa, kailangan niyang mamili,sundin ang kanyang destiny o kalimutan ang lalaking mahal niya played by SamMilby.

Nagkaroon na raw siya ng shoot para sa teaser nito atusap-usapang nag-nude daw siya para sa shoot na iyon?

"Hindi naman ako nude," nakangiting tanggi ni Anne nahalatang ayaw munang magkuwento tungkol sa shoot na iyon. "True nanagsimula na akong mag-workshop kasi marami po akong mahihirap na gagawin. Mayaction scenes din kasi ako."

May nang-intriga na kay Anne na baka may mga mainggit omagalit sa kanyang talents din ng ABS-CBN dahil sa ganda ng bagong projectniya. At kung alam din ba niyang ang Dyosa ang itatapat ng Dos sa Dyesebelng Siyete?

"Yes, I'm pressured, but excited sa bago kongproject. Pero wala naman sigurong magagalit sa akin, hindi ko po itohiningi, ibinigay ito sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, it's not true na makakatapat namin ang Dyesebelkasi ang alam ko, malapit na ang pilot nila. Kami, magsisimula pa lang ngtaping sa May 1, and by July pa raw ang airing namin."

DREAMS TO BE DYESEBEL. Hindi ba siya nanghinayang sa Dyesebel?Nabalita kasi noon na in-offer pala sa kanya ang role?

"Dream role ko po talaga ang Dyesebel ever sincepa, kaya lang nang i-offer sa manager ko, kay Tita Veronique delRosario-Corpus, may ongoing contract pa ako sa ABS-CBN and just recently,katatapos ko lang po mag-renew ng another year of contract sa kanila."

After ng Dyosa, iri-resume na rin ni Anne ang tapingng almost shelved na project niya sa ABS-CBN na The Wedding. Ipinasyakasi noon ng Dos na itigil na muna ang pagte-tape para sana sa unangpagtatambal nina Anne at ni Zanjo Marudo.

"Pinanood po kasi namin iyong mga natapos na namingscenes at hindi naman pala malayo ang looks namin ngayon doon sa mga na-tapenoon, kaya po nag-decide ang ABS-CBN na ituloy na rin ang taping."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN