Kim Chiu excited over her 18th birthday celebration

"Hiling ko na super-special, na sana magparamdam man lang saakin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang," says Kim Chiu abouther special wish for her coming debut.



Excited na ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition big winner na si Kim Chiu sakanyang bonggang 18th birthday celebration sa April 26, sa The Glass House saPasig City. Ang actual birthday ni Kim ay sa Sabado, April 19.

Tatlong gown ang nakalinyang isusuot ni Kim na gawa ngdesigner na si Francis Libiran. Isa para sa grand entrance niya, isa para sasayaw, at yung pangatlo ay para sa party. Ang ka-love team at kasamahan datisa PBB na si Gerald Anderson ang escort ni Kim sa kanyang debutparty.

May inihanda na bang regalo si Gerald sa kanya?

"Hindi naman mahilig sa gift ang taong yun kung walangspecial occasion. Ewan ko , wala siyang sinasabi. Hindi ko nga alam kungnaaalala niya ang birthday ko," may himig-tampong sagot ni Kim sa PEP(Philippine Entertainment Portal).

Last Sunday sa ASAP '08, binigyan si Kim ng special18th birthday celebration kung saan kabilang sa mga nagsayaw sa kanya angkanyang ama.

"Opo, nagulat ako nung sumayaw siya. Kaya lang naputulansiya kasi ‘tapos na ang kanta."

Alam daw ni Kim na darating ang papa niya sa ASAP '08.

"Nakakatuwa kasi yung costume a la Mano Po raw.Sabi niya, ‘Ano yung susuutin ko? Yung sumbrebro na may mahabang buhok?'Magwi-wig daw siya. Sabi ko, ‘Huwag na, yung simple lang.' Pero hindi ko maisipna sasayaw siya sa ASAP," natatawang kuwento pa ng dalagangCebuana.

WISHING FOR MAMA'S RETURN. Meron basiyang special wish sa kanyang 18th birthday?

"Hiling ko na super-special, na sana magparamdam man lang saakin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang."

Anong gagawin niya kapag dumating ang mama niya sa debutniya?

"E, siyempre yayakapin ko siya. ‘Tsaka ano, nakakagulat kasiang tagal-tagal na. Nine years old pa lang ako nung iwan niya ako. Ngayon,19 na ako. Kaya ‘ayun."

Nami-miss din niya ang kanyang mama?

"Oo naman, syempre. Kahit sino naman nami-miss ang sarilingina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging masaya raw si Kim kahit isang araw na mabuo angkanyang pamilya lalo na sa kanyang birthday.

"Imposible kasi siyang mangyari, e. Kaya kungmangyayari man yun, siyempre magpapasalamat ako kay God. Sobrang suwertreko siguro sa birthday kong yun. Yun ang birthday ko na hindi ko malilimutan."

Bakit niya nasabing imposibleng mangyari? Gaano ba kalayoang mama niya?

"Hindi ko alam. Wala kaming alam kung nasaan siya, kung anoang ginagawa niya."

Pero sigurado ba siya na buhay pa ang mama niya?

"Ewan ko. Hindi ko rin alam," unsure na sagot ni Kim.

Baka sakaling mabasa ng kanyang mama ang artikulong itomeron ba siyang mensahe sa kanyang mama?

"Ah, kung nasaan ka man ngayon, mag-iingat ka diyan. ‘Tsakasana okey ka."

BIRTHDAY GIFTS. Ano naman ang birthday gift niya sasarili?

"Nakabili na ako, e. Yung malaking aircon sa sala. Kasi angmahal. Sabi ko sige na nga, ito na lang ang gift ko sa sarili ko. Lalo nangayong summer kaya kailangan ng aircon."

Suut-suot naman ni Kim ang set na gold necklace and earringsna may malalaking pearl na bigay ng Auntie Helen niya sa Cebu sa birthdaypresscon niya. Bukod sa mga nabanggit, meron pa ba siyang gusto sa birthday niya?

"Wish ko, sana magkaroon ako ng kotse na kulay pink. Wish kolang po yun," natatawang tapos ni Kim.

COMING BACK TO CEBU. Nung huling guesting niya sa The Buzz lastSunday, tinanong siya ng guest co-host ng show na si Anne Curtis tungkol sakanyang first kiss. Ni-reveal niya na natikman niya ang kanyang first kiss notfrom co-star Gerald Anderson, but from her ex-boyfriend back in Cebu.

"Si Gerald po, sa I've Fallen For You, kinissniya ako. Offcam? Sa ex [boyfriend] ko lang po," kuwento pa ni Kim.

Bahagi ng TV special ni Kim for her 18th birthday ay anghomecoming niya sa Cebu. Nakita ba niya roon ang kanyang ex-boyfriend noongnag-tape na sila roon for her TV special?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, e. Tinawagan lang kasi kung sino yung pupuntasa school, kung sino ang available."

Ano nga ba ang nangyari sa pag-uwi niyang muli sa Cebu?

"Ah, nung pagdating ko, pumunta kami agad doon sa store[tindahan ng lola niya]. Pinakita yung sinasakyan ko, kung anong number ng jeeppapunta doon. ‘Tsaka ano, kung saan akolagi naglalakad, sa may school. Ano ang ginagawa namin ng mga classmates ko," kuwento pa ni Kim sa kung ano ang mga kinunan para sa kanyang TV special.

"Pagkatapos ng klase nagba-basketball kami lagi ng mgaclassmates ko, ‘ayun. Marami, maraming-marami," tukoy ni Kim tungkol sa kanyangfun memories nung nag-aaral pa siya noon sa Cebu before PBB Teen Edition happened."Na-miss ko nga ang Cebu. Ang dami nang nagbago. May mga stores na sa Fuente.Nawala na yung dating kinakainan namin ng mga kaklase ko."

PREVENTING PREGNANCY. Sa edad ni Kim ngayon, may mga kabataan nangnabubuntis. Ano ang gagawin niya kapag nangyari sa kanya ang ganun? Ano anggagawin niya para hindi siya mabuntis agad tulad ng iba?

"Ah, unang-una, nasa isip ko na yun. Ang dami ko nang napapanood sa TV ngayonna nabubuntis. Pero ako, ayoko. Priority ko kasi ang pamilya ko.

"Kung mabuntis ako mawawalan na kami ng kabuhayan. Kasiitong showbiz lang talaga yung kinakapitan namin. Ako kasi yung breadwinnerng pamilya ko. Kapag nabuntis ako siyempre wala na. Wala nang career,wala na lahat. Saan na mapupunta ang mga kapatid ko?

"Kaya yung love life, huwag muna yun. Darating naman yung time na magkaka-baby.Magpapakasal muna, ganyan."



WHAT TO EXPECT ON HER DEBUT PARTY. Ano naman ang magaganap sa kanyangdebut on April 26?

"Ito ang unang-unang modern debut na gagawin. Hindi na siyaold style na debut na may 18 roses. Naka-gown kami pero nakausot kami ng rubbershoes."

Si Kim daw mismo ang gumawa ng listahan ng mga iimbitahin.Siya ang namili kung sino ang kanyang iimbitahin. Pati ba sa cotillion ay siyarin ang namili na makakasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako rin po. Sina Olyn [Meimban], sina Brenda [Fox], siCathy Gonzaga, si Regine [Angeles], si Wendy [Valdez)], si Carla[Humphries], si Melissa [Ricks], si Erich [Gonzales], marami sila. Sa mgalalaki naman sina Jason [Abalos], si Rodjun [Cruz], mga PBB nakasamahan ko, marami. Ano, nakaka-touch nga kasi ginagawa nila ‘yon for thelove lang."

What about her friends sa Cebu?

"Yung iba darating, yung iba hindi," pagtatapos ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN