Afternoon soap "Magdusa Ka" boasts all-star cast

Katina Halili moves to leading-lady status as she reprises the role originally played by Dina Bonnevie in Magdusa Ka.



It's all systems go for the newest Sine Novela of GMA-7,Magdusa Ka.

Alas-kuwatro kahapon, April 17, sa 11th floor ngGMA Network Center, nag-story conference na ang pinakabagong Dramarama sa Haponentry na ipapalit sa magtatapos na Maging Akin Ka Lamang. Based on the 1986Viva Films movie starring Dina Bonnevie and the late Nida Blanca under thedirection of Eddie Garcia, the TV adaptation of Magdusa Ka reads and feels likeprimetime dahil sa laki ng cast at direction.

Si Katrina Halili ang napiling gumanap sa papel naChristine, ang character ni Ms. D sa pelikula. Masasabing ito ang launching niKatrina as bida after portraying several contravida roles in the past.

Si Dennis Trillo ang gaganap na Rod, na dating papel niChristopher de Leon sa pelikula. Kararating pa lang ni Dennis at ang kanyangmanager na si Popoy Caritativo kahapon ng umaga from Europe from the GMA Filmsshoot of I.T.A.L.Y. sa Europe at dumiretso na sa story conference.

Completing the love triangle is StarStruck 3 First PrincessIwa Moto, who will play the expanded role of Pinky Amador in the originalmovie, si Millette.

Portraying the character Toyang of the late Nida Blanca willbe Rita Avila. Hindi na natuloy ang orihinal na plano na si Dina ang gaganap sa role na ina dahil busy pa rin ang aktres sa primetime soap niya sa GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Si Gardo Versoza—na nakawala na sa contract ng Anna Liza ngABS-CBN— ang gaganap sa papel na Bernardo, ang ama ni Christine. It wasoriginally portrayed by the late Dindo Fernando.

Portraying Doña Perla, originally played by ArmidaSiguion-Reyna, is Liza Lorena who was also in the originalmovie playing the role of Olivia, ang ina ni Milette. Jackie Lou Blanco takes over thatrole of Liza Lorena.

Kasama rin sa cast sina Gabby Eigenmann as Roland(originally portrayed by Ricky Davao), half-brother ni Rod; Emilio Garcia as thefather (a new character) of Roland and Rod; Ana Capri as Rod's other woman Hedy(originally played by Jaclyn Jose); Anton Bernardo as Victor (originally playedby the late Gil de Leon), Rod's stepfather; Prince Stefan as Sonny, Rod'shalf-brother; and Rich Asuncion as Violy (originally played by JobelleSalvador); Christine's best friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Si Maryo J. de los Reyes ang magdidirek ng Magdusa Ka.It will start its run on May 12, coincidentally Dennis Trillo's birthday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN