Dennis Trillo is back after "I.T.A.L.Y." shoot to start on "Magdusa Ka" remake

Young actor Dennis Trillo goes back to work on his arrival after the shooting of GMA Films' I.T.A.L.Y. He will play the leading man of Katrina Halili in the TV adaptation of the 1986 film Magdusa Ka.



Walang fatigue sa hitsura ni Dennis Trillo nang dumating siya sa story conference ng Magdusa Ka kahapon, April 17, sa GMA compound, kahit na kararating niya pa lang from his European trip for the GMA Films movie I.T.A.L.Y. with Jolina Magdangal and Rufa Mae Quinto. Mas mukha pa nga siyang fresh and well-rested and raring to start his newest project for GMA-7.

Kakaibang Dennis ang mapapanood sa Magdusa Ka. Ang character niyang si Rod, originally portrayed by Christopher de Leon in the 1986 Viva films movie, is not a refined character na kadalasang pinapapelan ni Dennis. Bagamundo siya rito; brash and street-wise.

"Challenge nga sa akin ito, para hindi naman palaging napakabait ko," sabi ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) after the story conference.

Naaalala naming bigla na ang papel na Milette, ang expanded role originally portrayed by Pinky Amador now given to Iwa Moto, could have been the role meant for Cristine Reyes—Dennis's reported girlfriend—had the StarStruck Avenger not moved to ABS-CBN.

"Oo nga, e," ang matipid na sagot ni Dennis nang hingin ng PEP ang kanyang reaksiyon.

We asked him kung hindi niya ba nasabihan si Cristine na chance na sana ito para makapagtrabaho silang muli. Una at huli silang nagkasama noon sa Super Twins kung saan reportedly unang umusbong ang kanilang relasyon.

"Siyempre, kinausap ko pero may sarili siyang decision, e. Saka may iba pang nagdedesisyon sa kanya, wala naman akong magawa. Basta kung saan na lang siya masaya," sabi ni Dennis.

Nabanggit din namin na may posibilidad pang magkabanggaan ang Magdusa Ka at ang unang show ni Cristine sa ABS-CBN na Eva Fonda, 16. Nagulat dito si Dennis.

"Ha? Akala ko primetime ito [Eva Fonda, 16]. Pang-hapon ba?" tanong ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Hindi na lang din sinagot ni Dennis ang tanong namin when we asked for a reaction now that he knows.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN