Boy Abunda talks about his talents and "The Buzz" controversy

"Bukas naman ako sa iba't ibang opinion. Bukastalaga ako. Iginagalang natin ‘yan. Pero wala akong problema, e. I'm happy withThe Buzz. I'm happy with Ruffa [Gutierrez]. I'm happy with Cristinelli [Cristy Fermin]. I'm happy,especially with the staff," replies Boy Abunda when told about PEPsters' suggestion that some of the hosts of The Buzz should be replaced.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TVhost-talent manager na si Boy Abunda sa ginanap na induction of officers andmembers ng Entertainment Press Society (Enpress) noong Miyerkules, April 16, saBaliwag Grill and Restaurant, E. Rodriguez Ave, Quezon City.

Ilan sa mga kinumusta ng PEP kay Boy Abunda ay ang kanyang mgaalagang artista at rulings niya sa mga ito. Totoo ba na may ruling siya sa mgaalaga niya na huwag aamin pagdating sa mga relationship, unless unang umaminang lalaki?

"No," tanggi ni Boy. "Listen to this, kay Mariel[Rodriguez] lamang yun. There was a time na naba-bother lang ako. Alam n'yonaman si Mariel, di ba, daldal nang daldal, sinasagot lahat ng mga tanong.Medyo nirendahan ko lang siya ng konti. Na parang, ‘Ikaw naman daldal ka nangdaldal, hindi pa nga nagsasalita ang lalaki. Kung ano ang nagaganap sa inyo sapribadong buhay, hindi namin nakikita yun. So, dapat makita naman ng publiko namauna munang magsalita ang lalaki. Baka mamaya, hindi ka pa nililigawan,sinasabi mo nang may relasyon na kayo.'

"Pero kay Mariel lamang yun at choice ng sinumang involved.E, kung si Ai-Ai delas Alas [another talent of Boy] naman, maski sabihin pa niAi-Ai bago pa sila nagkakilala, e, okey lang sa akin. E, kaya ni Ai-Ai dalhinyun!" tawa ni Boy.

MARIEL & ZANJOE ROMANCE. Ayon kay Boy, nang magsalita na raw si Zanjoe Marudo tungkol sa relasyon nila ni Mariel, nagpasalamat naman daw ang talent manager sa model-actor sa isa niyang mga programa.

"Sinabi ko yun sa isa kong mga palabas. Salamat at nagsabina rin siya na hindi ko kinakailangan kausapin si Mariel. It happened on itsown condition and I'm glad. Thank you, Zanjoe."

"Para naman ako ang niligawan ni Zanjoe at nagpapasalamatako!" natatawa niyang dagdag.

Naitanong din kay Boy, paano kung mauwi sa kasalan sinaMariel at Zanjoe?

"Ay, igagalang ko yun," sambit niya. "Igagalang ko yun kunggusto na nilang manahimik. Pero ito lamang ang sasabihin ko, hindi mangyayari‘yan!" tawa ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masyadong mahal ni Mariel ang kanyang trabaho. At saka,nagsisimula pa lang. Hindi pa siya nakakarating sa gitna kaya hindi aatras yun.Sobrang tapang ni Mariel at alam niyang kaya niyang paghaluin ‘yan. And I likethat. Nasa diskarte mo ‘yan kung paano mo paghahaluin ang pag-ibig at trabaho.Hindi ako naniniwala na kailangang isantabi ang isa para pasayahin ang iba."

Para kay Boy, naniniwala siya na instead na maging negative,naging positive pa ang mga nangyaring intriga kay Mariel during her stay insidethe Pinoy Big Brother house noon.

"Ang nakaganda roon, nalaman ng mga taona palatawa, komedyante, mabait, medyo palabiro, pero she's not perfect. Atnatuto siya sa kanyang mga pagkakamali.

"Ang mahalaga roon, I think makita ng publiko na natuto atbinago niya ang sarili niya. Ang daminiyang natutuhan doon. ‘Di ba nga, sinabi niya sa akin na bago raw siya pumasoksa bahay ni Kuya, e, hindi niya ma-appreciate yung isang box ng chocolate?Paglabas niya, big time na sa kanya yun. Mahalaga sa akin yun bilang manager,"pahayag ni Boy.

RUFA MAE & BOBBY. Masaya rin daw ang talent manager sa nangyayari sa lovelifeng isa pa niyang alaga na si Rufa Mae Quinto, na ang boyfriend na si BobbyLopez ay nagtatrabaho sa Hong Kong.

"Masaya rin ako ro'n. Finally... Pero baka mausog, e, huwagtayong magsalita nang patapos. Pero sana, ‘yun na nga! Matagpuan na niya yung kanyang tunay napagmamahal."

ISSUE WITH CRISTY. Pinag-uusapan pa rin ngayon ang absence ng co-host ni Boy nasi Cristy Fermin sa The Buzz last Sunday, April 13. Iba't ibangispekulasyon at maraming tanong ang naglabasan. Isa na nga rito ay kung mawawala nanga ba nang tuluyan si Cristy sa show at kung papalitan na siya kung sakali.

Lalo pang lumakas ang haka-haka tungkol sa diumano'ypag-alis ni Cristy sa The Buzz dahil may plug na nagpapahiwatig ng pagbabalikng dating Kapamilya sa naturang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN. Marami angnag-aakala na si Kris Aquino ang tinutukoy, ngunit may nagsasabi namangposibleng pinaiingay lang ang pagbabalik ni Cristy after her absence last Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, mawawala na ba talaga si Cristy sa The Buzz?

"Ay, hindi ko alam ‘yan!" bulalas ni Boy. "Hindi komasasagot ‘yan. Wala sa aking posisyon, sa aking tungkulin ang mag-confirm. I'mshocked by the question. Hindi ko alam.

"Nagkaroon ng problema, pero hindi ko alam na aabot namansaan... Ang sabi ko nga, the best person to talk to is Cristinelli. She will beable to explain. Pero as far as I'm concerned, bilang kasamahan, bilang host atbilang kaibigan, hindi pa ko umaabot sa ganoon. Sana naman hindi."

Dagdag niya, "Pero ang sabi ko na lang kanina, sana hindinangyari ang dapat mangyari. Sana hindi nangyari ang nangyari. Iyon sana yung...Ang dami kong natutunan sa karanasan na yun. Pero patawad, dahil wala akongdetalye. Pero sana, hindi talaga nangyari ang nangyari."

Ipinarating din namin kay Boy ang ilang komento ng PEPsters na dapatay tanggalin ang ilan sa mga kasamahan niya sa The Buzz para lalong gumanda angkanilang programa. Ano ang masasabi no Boy rito?

"Bukas naman ako sa iba't ibang opinion," saad niya. "Bukastalaga ako. Iginagalang natin ‘yan. Pero wala akong problema, e. I'm happy withThe Buzz. I'm happy with Ruffa [Gutierrez]. I'm happy with Cristinelli. I'm happy,especially with the staff.

"Nine years old na ang show. Maraming pagbabago angmagaganap, siguro with the next few years. Sanay na ko, di ba? I work hard. Iwork hard with the show."

Dugtong niya, "Hindi ko rin kasi call ‘yon, e. Ako ay isang host. Call ‘yan ng mganamamahala ng produksiyon at programa."

Pero sinabi rin ni Boy na kung may papasok man daw na bagosa kanilang programa, sinasabihan naman at nagpapasintabi rin daw sa kanya angproduction bilang isa sa mga nagsimula na rin ng programa. Pero, aniya, hindi panaman siya umaabot sa point na may tinanggihan na siya dahil wala namangmasamang tinapay sa kanya.

"Ganun pa man, wala pa rin namang pagkakataon na ako ayhindi nila kinonsulta," dagdag ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORT FOR KRIS. Ang isa pang alaga at co-host niya sa Boy & Kris na siKris Aquino ang sumunod na kinumusta ng PEP kay Boy. Given the condition now ofKris's mom, former president Corazon Aquino who was diagnosed with coloncancer, paano naipapakita ni Boy ang suporta niya kay Kris?

"Well, naapektuhan ang schedule niya. Lahat ng free timeniya, kasama niya ang mommy niya. Nagluluto... She's by her side. So doon umiikotang mundo niya. But of course, kahit saang paraan kung ano ang maitutulong ko,ginagawa ko. Katulad, halimbawa, pinasubukan ko yung tubig na iniinom namin niKris, yung may alkaline. Yung mga maliliit na bagay na ganoon, kahit na ano na puwedenaming magawa. Kahit ano, kung ano ang maiuutos sa amin, gagawin namin. SiKris, umiikot ang buhay niya ngayon sa nanay niya," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN