Anne Curtis firmly says no to nude scenes and pictorials

"For me naman, I don't need to take my clothes off paramaging sexy ang eksena," explains Anne Curtis about doing nude scenes in films.



Pinaninindigan ni Anne Curtis na never siyang magpapakita ngkanyang hubo't hubad na katawan sa kahit na anong men's magazine, kahit na mayalok pang bayad ang mga ito.

Ilang beses na nga raw niyang tinanggihan ang isang sikat namen's magazine na parati na siyang kinukulit kung kailan siya puwedeng mag-posesa kanila. Pero paulit-ulit din ang pagtangg ni Anne.

"Nahihiya na nga ako sa kanila, pero hindi ko talaga gusto.I have nothing against sa magazine nila, pero tama na yung ginawa ko sa UNOmagazine. Kung gusto pa nilang higitan ko ‘yon, hindi na puwede," saad ni Annesa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kahit nga raw alukin siya ng Playboy, ite-turn down din niAnne ang offer dahil may prinsipyo siyang pinanghahawakan.

"Kung doon nga sa isang magazine hindi ko tinanggap, Playboypa kaya? Ang ganda ko naman masyado!" tawa ng young actress.

"E, di ba, mas provocative ang posings doon? Kailangannakalabas ang boobs mo or else it's not Playboy, di ba? Naku, hindi ko kayatalaga! Kahit isang breast lang ang ipakita or half ng boobs ko ipakita, hindiko kaya talaga.

"Sikat pa naman ang Playboy sa Australia. Could you justimagine ang ire-react ng mga kaibigan at pamilya ko doon if ever I do Playboy?Ayaw ng daddy ko! Mababaliw siya!" halakhak ni Anne.

Kaya nga sa pelikula nila ni Aga na When Love Begins ayhanggang two-piece swimsuits lang siya. Hindi pa nga raw nakukunan anginaabangan na love scene nila, pero sinabi ni Anne na it would be a very tamescene. Wala raw siyang scene na magtatanggal siya ng bra o magbe-barebacksiya.

"Yun naman ang napagkasunduan namin with Direk Joey [Reyes],"sabi ni Anne. "I can do kissing scenes with Aga, pero yung magtanggal ngclothing, hindi puwede. Unang-una, may mga sponsors na hindi gusto ang gano'n.Nirerespeto lang namin ang gusto nila and Star Cinema naman is verycooperative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me naman, I don't need to take my clothes off paramaging sexy ang eksena. Sabi nga ni Aga, body movements ko na lang daw, sexy nafor him. That's enough reason daw para maging hot yung eksena namin."

Sisimulan na ni Anne ang taping ng bago niyang TV showsa ABS-CBN, ang Diosa. Hindi raw ito ang remake ng pelikulang Diosa ni LornaTolentino dahil ibang-iba raw ang istorya nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN