Judy Ann Santos appreciates all the support GMA-7 is giving to "Ploning"

When asked if she'll be transferring to GMA-7 anytime soon,Judy Ann Santos replied she still has a year to finish with the Kapamilyanetwork.



Labis-labis ang pasasalamat ni Judy Ann Santos sa GMA Filmsat sa GMA-7 dahil ito pa ang tumulong sa kanya para sa mas lalo pangikatatagumpay ng Ploning (showing na sa April 30 under PanoramanilaPictures Co.), na ang direktor ay ang isa sa mga best friends ni Judy Ann, si Dante Nico Garcia.

"Alam mo yun nga, e, na-realize ko din na...kasi yung Kamingmga Ulila, ang unang-una kong soapopera, sa GMA. Babalik at babalik ka talaga sa pinanggalingan mo kapag tumandaka na.

"Oo, marami kang taong nakakasalamuha, marami kang taongnakikita, maraming tao ang nalalaman mo ang ugali after so many years, perobabalik ka pa rin sa mga taong tumulong sa ‘yo. Sa buhay na simple, sa buhay naang mga kaibigan mo, totoo lang, babalik ka pala talaga sa ganun.

"Totoo pala yung kasabihan na yun, na malayo man ang naratingmo, malayo man ang hinulugan mong bangin, babalik ka pa rin kung saan kanagsimula, at natutuwa ako sa GMA, kasi open sila for whatever opinions, opensila sa lahat ng bagay.

"Sa promotion, sa TV rights, nagbibigay rin sila ng advice.Kumbaga hindi naman lahat ng produksiyon gagawin yun sa ‘yo, ‘di ba?

"Kaya talagang sobra-sobra yung pasasalamat ko kina Ms.Annette [Gozon-Abrogar], na hindi nila ako contract star, pero sobra-sobra yungpagsuportang ginawa nila sa Ploning, talagang thank you, thank youtalaga," mahabang pahayag muna ni Judy Ann sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Hindi pa naman kaya siya nag-iisip na lumipat na sa Siyeteat umalis na sa Dos dahil sa pagka-impress niya't sobrang appreciation saginawa sa kanya ng Kapuso people?

"Hindi, kasi may kontrata pa ako, e."

Tinanong ng PEP kung ilang taon pa ba ang itatakbo ngkontrata niya with Dos?

"Isang taon pa. Siyempre hindi naman ako yung tipo ng tao naaalis lang dahil sa isang dahilan. Siyempre susumahin ko pa rin ‘yan paglipasng mga panahon, marami pang puwedeng mangyari. Marami pang pagbabawi angpupuwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang lamat, lamat. Ang nangyari, nangyari na, hindi mona puwedeng ibalik yun. Sa nangyaring ‘yan, mas pinag-isip lang nila ako,"makahulugang pagtatapos ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN