Diether Ocampo denies dating a socialite, prioritizes foundation and work

"Maganda naman ang nangyayari sa amin pareho... Marami kamingmga bagong proyekto na ginagawa for ABS-CBN. Kung may chance na maging kamiulit? Hindi ko muna binibigyang prayoridad yun ngayon. Ang importante, maymagawa tayong magagandang bagay, nakakapagpasaya tayo ng mga tao, marami tayongnatutulungan lalo na sa ating mga kabataan," says Diether Ocampo when askedabout ex-wife Kristine Hermosa.



Kapansin-pansin ang kakaibang glow sa mga mata ni DietherOcampo sa press conference ng pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Maligno.May kinalaman kaya ito sa nababalitang may isang socialite naregular na date ngayon ni Diether?

"No," sagot agad ni Diet. "To be honest, marami akong mgabagong nakikilala, mga bagong kaibigan. May mga nakakahulibilo ako nasocialites pero mga kaibigan lang. Pero yung sinasabi na may dini-date ako,wala pa," pagtatapat ni Diet sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Napagkasunduan ba nila ni Kristine na magkanya-kanya na munasila ng date ngayon?

"Hihintayin ko na lang kung mangyayari yun. But right now,medyo mas abala na ako ngayon sa paggawa ng mga proyekto para sa KidsFoundation. Kagagaling ko lang sa Camarines Sur. May feeding program kami.Nalaman kasi namin na ang Camarines ang isa sa mga may pinakamataas na poverty rate. [We wentthere] to implement our project, yung Red Under Nutrition."

Magkasama pa rin ba sila ni Kristine sa Kids Foundation?

"Busy kasi siya kaya hindi namin siya nakakasama saproyekto. Pero nung initial stage kasama namin siya. Pero gustuhin man niya,hindi niya mapagkasya ang oras niya dahil sa trabaho niya."

Ano ang status ng relasyon nila ngayon ni Kristine? Parehopa rin ng dati?

"Sa ngayon kasi hindi ko na muna iniisip yun, e. Medyomalayo ang isip ko diyan ngayon. Maganda naman ang nangyayari sa amin pareho.Magaganda ang trabaho namin. Marami kaming mga bagong proyekto na ginagawa forABS-CBN.

"Kung may chance na maging kami ulit? Wala naman akongnababanggit na ganun sa kanya kasi hindi ko muna binibigyang prayoridad yunngayon. Ang importante, may magawa tayong magagandang bagay, nakakapagpasayatayo ng mga tao, marami tayong natutulungan lalo na sa ating mga kabataan."

Kamakailan lang ay nakitang magkasama sa Boracay sinaDiether at Kristine.

"Yun nga, hindi ko naman itinatanggi yun. Ang dahilan po ngpagsasama namin doon ay para sa isang proyekto. Gumawa kami ng photo shoot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba ng chance na madugtungan ang dati nilang relasyon?

"Maganda naman yung naganap na pagsasama namin doon. Nagingproductive ang trabaho namin."

Naging masaya ba sila during the time na magkasama sila niKristine sa photo shoot?

"Hmmm...sandali lang kami. Pagod din kasi. Puro trabaho kamipareho," pagtatapos ni Diether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN