Gerald Anderson simply tired of gay-benefactor rumor

Gerald Anderson says he has many gay friends but denies rumor that a gay benefactor provides him with everything, including an expensivetownhouse unit.



Pagtatapat ni Gerald Anderson sa PEP (PhilippineEntertainment Portal), natakot daw siya sa mga huling eksena nila ng ka-love teamniyang si Kim Chiu sa bagong offering ng Sineserye Presents: The Susan RocesCinema Collection, featuring Maligno sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Naroon ang PEP sa presscon ng Maligno at doon ngaipinagtapat ni Gerald ang tungkol sa kakaibang "puting bagay" na nakita niya habang nagte-taping siya for the latest from the The Susan Roces Cinema Collection.

"Nung una naming taping, hindi pa horror. Kaya nung lastpart ng taping namin doon, ako mismo nakita ko yung ‘puti.' Nahuli ko siya sakamera," pagde-describe pa ni Gerald.

GAY BENEFACTOR. Kung kahindik-hindik ang kuwento ni Gerald, mas"kahindik-hindik" naman ang usap-usapang may gay benefactor daw ang binatanghalf-American.

"Ano ba'ng bago roon, lagi naman [natsistsimis na may gaybenefactor siya]? Yun na naman?" tila napapagod nang pagsagot sa issue niGerald.

But this time, pinangalan na ang diumano'y gay benefactorniya. At ito ay ang dating bar-owner na na-link din noon kay Diether Ocampo nasi Edgar Mangahas.

"Kagaya ng sabi ko dati, wala [gay benefactor]. Ang sa akinpo naman, hindi naman po masamang maging kaibigan sila [gays]. Pero hanggangdoon lang ako."

Kilala ba niya si Edgar Mangahas?

"Si Kuya Ed?! Oo," pagkumpirma ni Gerald.

"Parang si Kuya Jun [Reyes, manager niya] din yun. Si KuyaJun din ang nagpakilala sa akin sa kanya. Kaibigan ko siya at napakabait niKuya Ed.

"Hindi pa ako showbiz, ipinakilala na ako sa kanya ni KuyaJun. Nagba-back-up dancer pa lang ako noon kay Joross [Gamboa]. Kumbaga, dumaan‘ata siya sa bahay ni Kuya Jun ‘tapos ipinakilala niya kami."

Binili rin daw ni Edgar ang concert ni Toni Gonzaga sa AliwTheater on May 2 dahil kay Gerald. Ito raw ang dahilan kaya may specialparticipation si Gerald sa concert.


"Ewan ko po. Ang sa akin...producer ba si Kuya Ed doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabuti nga nakasama ako doon. At least, trabaho pa rinyun," positibong pagtingin ni Gerald sa issue.

EXPENSIVE TOWNHOUSE. Usap-usapan din na si Edgar ang nagbigay sa kanya ngtownhouse na tinitirhan niya ngayon sa may E. Rodriguez, Quezon City.

"Ay, sana, sana! Pero hindi po. Aalis na nga po ako roon, e.Ang mahal-mahal ng renta ko roon."

Twenty-five thousand pesos daw ang monthly rental ni Geraldsa kanyang inuupahang townhouse. Siya raw ang nagbabayad ng upa at hindi angnababalitang gay benefactor niya.

"Pero this month, bibili na ako ng lupa para magpapagawa naako ng bahay."

Meron na raw nakitang lupa si Gerald na pagtatayuan niya ngkanyang sariling bahay sa bandang Commonwealth Ave., Quezon City.

"Ah...mga 300 square-meters yun. Hindi ko pa alam kungmagkano. Magtatanong pa lang ako."

Dito na ba niya itatayo ang kanyang dream house?

"Hindi naman," ngiti ni Gerald. "Kung ano lang ang nasabudget ko."

JUST LIKE PIOLO AND SAM. Malamang matsitsismis din na ang lupang plano niyang bilhinay bigay ng kanyang gay benefactor.

"Yeah, bigay sa akin ang susunod niyan. Pero teka meron nabang kotse na natsismis na binigay sa akin?" natatawang tanong ni Gerald na himig-patuya.

"Actually, kumbaga parang hindi ko alam kung magiging masayaako dahil lahat ng matinee idol, lahat ng mga heartthrob, sina Piolo [Pascual]at Sam [Milby], parang ganun [natsitsismis na may gay benefactor]. Pero I mean...okey naman,"

So, okey lang sa kanya ang gay proposals?

"Ah, wala naman po sa akin. I mean hindi masama na magingkaibigan ang isang gay pero hanggang doon lang po talaga. Kaya akonagtatrabaho... E, walang kuwenta pala ang trabaho ko kung tatanggap lang ako [nggay proposals].

"Kumbaga, sa akin okey lang po. Open ako sa mga ganun.Marami rin akong barkadang bading—I mean, ninety percent siguro sa showbizbading—pero hindi po lalampas ng [magkakaroon ng] relasyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN