FIRST READ ON PEP: Kris Aquino returns to "The Buzz" as co-host

Kris Aquino makes a comeback as co-host of ABS-CBN's Sunday showbiz talk show, The Buzz. But it is not yet clear whether Kris will be staying for good or not.



Magbabalik na ang Queen of Talk na si Kris Aquino sa TheBuzz ng ABS-CBN ngayong Linggo, April 20. Kinumpirma ito mismo sa PEP(Philippine Entertainment Portal) ng executives ng The Buzz kaninang hapon,April 18.

Matatandaan na pansamantalang iniwan ni Kris ang Sundayshowbiz-oriented talk show ng ABS-CBN in favor of her pregnancy and later, pagsilang sa bunsong anak nila ni James Yap, si Baby James—namag-iiisang taon na bukas, April 19.

Ilang linggo pagkatapos mawala ni Kris sa The Buzz ay pormalnang tinanggap si Ruffa Gutierrez bilang bagong co-host. Last month aynakaisang taon na rin si Ruffa sa The Buzz.

Two Sundays ago, April 6, ay naging bisita ng The Buzz angkontrobersiyal na ina ni Ruffa na si Annabelle Rama, pagkatapos ibaba ng SupremeCourt ang desisyon sa libel case na isinampa niya laban sa co-host ng programana si Cristy Fermin.

Two days before the show ay na-inform na ng The Buzzexecutives si Cristy na magge-guest nang live si Annabelle at isa sa mgatatalakayin ay ang naging desisyon ng Supreme Court. Sinabihan din daw ang co-host ng programa na may naka-allot na kasunod na gap sa show para ibigay naman angkanyang panig.

Pero sa nasabing interview ni Boy Abunda kay Annabelle,marami siyang mabibigat na salita ang binitawan tungkol kay Cristy.Pero bago matapos ang programa noong Linggo na ‘yon, nabigyan ng pagkakataon na maihayag ni Cristyang kanyang panig sa mga sinabi ni Anabelle.

Sumunod na Linggo, April 13, hindi sumipot si Cristy sa TheBuzz. Umugong ang usap-usapan na ni hindi man lang naprotektahan si Cristy samismong programa niya. Kasunod nito ang tsismis na nagsumite na raw ngresignation letter ang TV host-columnist sa The Buzz.

Dahil dito, mabilis ding kumalat ang balitang babalik na siKris sa dati niyang programa tuwing Linggo ng hapon sa ABS-CBN.

Kahapon, April 17, umalis na ng bansa si Cristy patungongCanada. Prior commitment na ng TV-radio host ang concert na lalabasan niya saCanada, kasama sina Vina Morales, Chokoleit, at Vhong Navarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kolum ni Cristy sa Balita ngayong araw, April 17, aynaglabas siya ng kanyang damdamin tungkol sa mga nangyari noong mga nagdaangaraw. Klaro naman sa The Buzz executives ang mensahe sa nilalaman ng kolumCristy.

Ayon sa supervising producer ng The Buzz na si RoxyLiquigan, "We regret na nangyari ang ganung insidente [sa show]. Pero nais langnaming sabihin na ipinaalam muna namin kay Tita Cristy ang pagge-guest ni TitaAnnabelle sa show. Friday pa lang hanggang Sunday, alam na ni Tita Cristy namay Annabelle Rama sa show. In fact, tinanong pa namin si Tita Cristy at umoosiya.

"Wala kaming intensiyon na pagsabungin silang dalawa sa show,"diin ni Roxy, "Pero alam naman natin na napaka-unpredictable ng show. Hindinatin alam kung ano ang mangyayari dahil live ang The Buzz.

"And from the start, ang layunin ng show ay maging fair salahat. Ibigay ang lahat ng panig ng isyu as much as possible. Yun lagi angipinaglalaban ng show, na maging fair sa lahat. Lagi ‘yang ipinaglalaban ng programa.At dahil diyan, isa yun sa major factors kung kaya marami at patuloy pang pinapanood ang The Buzz, hindi langnationwide, e, hanggang sa abroad."

Pinabulaanan naman ni Roxy ang balita na nag-submit na ngkanyang resignation letter sa show si Cristy.

"Totoo na nagpadala siya ng sulat sa amin," sabi ni Roxy. "Peroang sulat ay naglalaman ng pagpapaalam lang niya na hindi siya makakarating sa TheBuzz last Sunday. Hindi pa raw niya kayang humarap sa kamera dahil sainsidenteng nangyari. At naiintindihan namin ang punto ni Tita Cristy doon. Butagain, hindi resignation letter para sa show ang ipinadala niya sa amin."

Sa ngayon, wala pang napag-uusapan ang The Buzz at si Kriskung mananatili na siya ulit sa show.

"Isa rin sa mga dahilan kaya pumayag si Kris na mag-hostulit ng show ay dahil nami-miss din niya kami [staff ng The Buzz]," ani Roxy. "Atalam na rin nina Ruffa at Tito Boy na makakasama nila si Kris this Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Okay naman sa kanila na makasama si Kris sa show. Nakaka-excitenga na panooring magkasamang nagho-host sina Ruffa at Kris na parehong madaldaldin naman at very candid kahit nasa harap ng kamera," pagtatapos ng supervisingproducer ng The Buzz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN