TV host-actress Chynna Ortaleza is loyal and happy with GMA Artist Center

Although her projects in GMA-7 are not as many as that of other artists, Chynna Ortaleza says the Kapuso network never runs out of jobs for her.



Ilang taon na rin ang GMA Artist Center (GMAAC) pero mukhang ngayon lang magkakaroon ng image plug ang naturang talent management ng Kapuso network. Nakausap nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa masasabing loyal artist at kino-consider na isa sa prime talent ng GMAAC na si Chynna Ortaleza after ng press conference na isinagawa for the said image plug.

Sa Linggo raw sa SOP ang launching at first airing nito. Pagkatapos ay mapapanood na sa iba't ibang shows ng Kapuso. May billboard din na makikita sa may Guadalupe, EDSA.

Nagsimula si Chynna ng kanyang showbiz career bilang isa sa mga host ng GMA-7 kiddie show na Five & Up. Pagkatapos ay binigyan siya ng break sa larangan ng pag-arte noong maging teen na siya't napabilang sa barkada ng Click!.

Pero mas nakita ng GMAAC ang galing ni Chynna sa pagho-host, kaya instead of just being introduced as an actress, may kakabit pang "TV host" ang pagpapakilala sa kanya ng GMAAC. Sa hosting nga kasi mas bilib sa kanya ang naturang talent management group at doon siya mas nililinya. Okey lang ba sa kanya ito?

"Okey lang.‘Di ba, ever since naman, I really want to be a host? Yun din naman ang description nila sa akin, ‘[TV] host-actress.' Sa akin naman kasi, na-try ko na naman ang acting at kahit paano, marami na rin naman ang nakakaalam na okey naman ako sa acting. Sa hosting, okey rin, pero kailangan pa na mas hasain," may pakumbabang pag-amin ni Chynna.

"Right now, I am 25 years old at kung tumanda-tanda pa ‘ko, gusto ko talaga, sa hosting."

Masaya naman daw siya because nararamdaman naman daw niya na sinusuportahan siya ng GMAAC sa aspetong ito ng career niya.

"So far, may mga raket ako na hosting talaga ang requirement. Like recently lang, meron akong na-shoot na TVC for a telecom at hosting talaga siya. Kapag may mga events din, ako ang ipinapadala nila. At yung mga event na hindi lang pang-entertainment kundi, pang-corporate talaga. So, ako, happy ‘ko sa mga ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOYAL. During the Q&A portion of the presscon, napag-alaman ng PEP na si Chynna ang isa sa mga artista ng GMAAC na madalas na nababanggit ng head nito na si Ida Henares bilang isang magandang halimbawa ng isang artista nila na very loyal hanggang ngayon sa talent management arm ng Siyete.

Come to think of it, kumpara sa ibang Kapuso stars, hindi naman masyadong marami ang regular shows ni Chynna. And yet, she's still loyal to the network and to GMAAC? One can conclude na masaya siguro talaga si Chynna being a talent of the GMA Artist Center.

"Ako kasi ang prinsipyo ko, just give me work, I'll be happy. Kahit maliit, malaki, kahit anong raket, anong larangan, gagawin ko lahat, itatatak ko ‘yan," pahayag pa ni Chynna.

Pero aware kaya siya na marami na sa mga talents ng GMAAC ang umaalis at nagpapa-manage na sa iba, samantalang yung iba naman, lumilipat na talaga nang tuluyan ng network. Anong masasasabi niya sa ganoon?

"Hayaan mo na. Lahat naman ng tao dumaraan sa prosesong yun. Pero ako kasi, six years na rin ako, pero dire-diretso naman ang ibinibigay na work sa akin ng Artist Center kaya siguro wala naman akong nakikitang reason para umalis.

"Kahit walang regular, hindi naman ako nawawalan ng raket. Nakikita ko naman ang effort ng handler ko na i-book ako ng mga raket, ng mga guesting. Ang hirap din nun, ah! Yung hindi ka mababakante. Na every week, hindi ka naman nawawalan ng guesting.

"Kaya ako, para sabihin ko agad na hindi ako naaalagaan, sinisigurado ko muna at tinitingnan din yung effort nila."

NO REASON TO BE UNHAPPY. Naitanong din ng PEP kay Chynna kung hindi ba siya nakukulangan sa ibinibigay sa kanyang projects? Like now, after ng La Vendetta, wala pa siyang bagong regular show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako naman, naghihintay lang ako. Alangan naman na ipilit ko ang sarili ko, ‘di ba? Na, ‘Uy, bigyan nyo ‘ko!' Mas nakakahiya naman yata yun. At saka, siguro kasi on my part, hindi lang naman yun ang pinagkakaabalahan ko.

"So, siguro, isa yun sa rason kung bakit hindi ako mabilis maging unhappy. Siguro kasi sa iba, yun na ang bread and butter nila, so, understandable lang na kailangan talaga, they have work after another. On my part, kahit paano, natuto na kasi ako na i-gather ang interes ko. So, masaya lang, ‘di ba?"

Siyempre pa, since she's one of the original talents ng GMAAC, hiningan na rin namin si Chynna ng reaction sa sinasabing playing favorite daw ang head nito na si Ida Henares. Tulad na lang ng madalas maintrigang playing favorite diumano nito sa pamangkin na si Rhian Ramos.

"Well, siguro, hindi lang naman si Ma'am Ida yung nasasabihan ng ganyan. Kahit saan naman, may mga ganyan talagang isyu. At hindi mo rin mabu-view yun as bad. E, ganoon talaga ang trabaho namin. May panahon na gusto ka, may time na ikaw ang ipu-push. Yung ganyan kasi, hindi lang ‘yan dini-dictate ng network, dini-dictate din ng market.

"So dapat, accept lang. Nagkakaroon lang naman ng problema kung may thinking ang isang artist na ikaw ang superstar. Pero kung gusto mo lang mag-perform and not to be the next superstar of the Philippines, sa tingin ko, wala namang magiging problema.

Dugtong pa niya,"Sa part ko naman, sa tagal ko na rin sa GMAAC, kapag sinabi ko naman na kakausapin ko si Ma'am Ida, yung tipong me ise-share ako or feel ko na hindi ko gustong nangyayari, palagi naman siyang payag na kausapin ako. That much I can say about her.

"Hindi naman yung parang tuwing makikipag-set ka ng meeting, maririnig mo na hindi puwede, walang time, hindi available. Hindi naman ganoon. At saka, kasundo ko naman sina Ate Jenny [Donato], yung handler ko, si Kuya Daryl [Zamora], kaya masaya yung pagtatrabaho ko, kasi, kasundo ko naman silang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN