Young actor Railey Valeroso gives showbiz another shot

"Medyo nakakapanibago talaga. Ang tagal ko rin na hindi ginagawa, so parang bago ulit ang lahat. Ngayon, pupunta ka sa set, ang dami na namang dalang damit. Pero siyempre, okay naman," narrates Railey Valeroso about his return to showbiz.



Twenty-three years old na ngayon ang nagbabalik-showbiz na si Railey Valeroso. Pero 17 lang siya noon nang pasukin niya ang mundo ng showbiz. Ipakilala siya sa youth-oriented show ng GMA-7 na Click.

Sa mga hindi nakakaalam, ka-batch halos ni Railey na pumasok sa Click si Angel Locsin at silang dalawa ang unang naging magka-love team. In fact, sa pelikula nilang Kuya sa Regal Films ay sila rin ang magkapareha.

Ngunit gaya ng alam na ng karamihan, in real life, ang young actress na si Chynna Ortaleza ang naging girlfriend ni Railey hanggang ngayon.

Nang mawala pansamantala si Railey sa limelight, bukod sa kanyang pag-aaral ay mga negosyo ang pinagkaabalahan niya. Although hanggang ngayon ay nasa buy-and-sell pa rin daw siya ng mga kotse.

Bukod dito ay part-owner siya ng isang auto salon sa Fairview at supplier din siya ng mga uniforms at iba pang supplies sa training school for Philippine National Police (PNP). Nagkataon din naman kasi na ang father ni Railey ay isang colonel sa PNP.

SHOWBIZ COMEBACK. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Railey ay sinabi niyang almost three years siyang nag-lie low sa kanyang showbiz career. At ngayon ay nagsisimula na siyang maging visible ulit sa pamamagitan ng ABS-CBN primetime series na Palos, kung saan ginagampanan niya ang papel na Pietro.

Ayon kay Railey, bagama't matagal na niyang pinag-iisipan ang mag-showbiz comeback, ang kanyang kaibigan na si Jake Cuenca ang talagang nag-convince sa kanya. Si Jake din daw ang gumawa ng paraan para makasama si Railey sa pinagbibidahan nitong serye, ang Palos.

"Madalas ko kasing nakakasama si Jake," lahad ni Railey. "Minsan, every other day, nagkikita kami. Palagi naming napag-uusapan at siya yung nagsasabi na subukan ko naman daw na bumalik. Magbalik-showbiz daw ako.

"Hanggang sa naikuwento niya nga sa akin yung role. Siya yung nagsabi na alam niya, naghahanap talaga ng puwedeng gumanap. So, siya na yung nagrekomenda sa akin. Nagustuhan ko naman agad yung role dahil parang ako lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Guest lang ang role ni Railey sa Palos, pero natutuwa siya na hanggang sa magtapos ang serye ay nandoon pa rin ang character niya.

Hindi naman itinanggi ni Railey sa PEP na nanibago siya nang muling mag-taping for Palos after his almost three years of absence.

"Medyo nakakapanibago talaga," sambit niya. "Ang tagal ko rin na hindi ginagawa, so parang bago ulit ang lahat. Ngayon, pupunta ka sa set, ang dami na namang dalang damit. Pero siyempre, okay naman. Yun nga lang, first scene ko, ang kaeksena ko na agad, si Kuya Buboy [Cesar Montano]. Talagang ako, para akong na-starstruck!" natatawang sabi ni Railey.

Nakita rin daw ni Railey ang pagbabago sa kanyang sarili ngayon at noong teenager pa lamang siya na nagsisimulang mag-artista.

"Malaki talaga ang difference. Noong una kasi na na-experience kong mag-work, fresh graduate pa lang ako ng high school. Kapag may dumating na pera, gastos lang din. Nakaipon din naman, pero kapag naiisip mo, ang dami rin nasayang.

"So noong nag-lie low na nga ako, ‘tapos wala pang business, sobrang down talaga ako nun. Doon ko natutuhan na mahirap pala. Pero at the same time, noon ko rin naman nakilala yung mga totoo kong kaibigan," lahad ni Railey, na mina-manage na ngayon ng manager din ni Jake na si Neil de Guia.

FIVE-YEAR RELATIONSHIP. Magli-limang taon na ang relasyon nina Railey at Chynna. Sa July 1 ang kanilang anniversary. Ayon kay Railey, si Chynna na raw talaga ang gusto niyang makatuluyan.

Pero itinanggi ng binata ang balitang magpapakasal na silang dalawa.

"Hindi pa. Siguro mga 2014 pa or within the next five years siguro kailangan kasal na," sabi ni Railey. "Siyempre, kailangan habulin din yung age niya. Baka kapag thirty na, mahirap nang magka-anak, di ba?"

Hindi rin daw totoong kaya siya nagbabalik showbiz ay dahil gusto na niyang makaipon pa para sa kasal nilang dalawa ni Chynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman para magpakasal lang," paglilinaw ni Railey. "Unang-una talaga, para sa sarili ko rin. Maganda na mag-start nang maganda para sa sarili ko. Kung lalawak na, siyempre, para rin sa kasal eventually.

"Pero sa ngayon, masaya ako na nagbabalik ulit. Lalo na noong nagtatrabaho na ako at ma-realize ko ang essence ng ginagawa ko. Damang-dama ko yung difference than before na nagte-taping pa ako na mas bata pa talaga," pagtatapos ni Railey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN