Gerald Anderson: "Marami akong kaibigang mga bading, pero hindi naman lalagpas doon."

"Nahihiya ako kay Kuya Edgar kasi inili-link siya saakin. Wala po kaming relasyong dalawa. At walasiyang ibinigay na condo sa akin," insists Gerald Anderson about rumors that he's having an affair with a gay businessman.



Nilinaw ni Gerald Anderson ang balitang may relasyon sila ngisang gay businessman na nagngangalang Edgar Mangahas. Ayon sa mga lumabas nareport, si Edgar ang sinasabing gay benefactor ni Gerald. Binigyan pa nga rawng isang condo unit ng gay businessman ang young actor.

"Nahihiya ako kay Kuya Edgar kasi inili-link siya saakin. Wala po kaming relasyong dalawa. At walasiyang ibinigay na condo sa akin.

"Sa isang village [Montgomery Place] ako nakatira sa E.Rodriguez at hindi sa isang condo. Pero magka-village kami ni Kuya Edgar atkapitbahay ko si Archie [Alemania, his co-ABS-CBN talent]," paliwanag ni Geraldsa panayam sa kanya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa ginanap na presscon cum presspreview ng Maligno noong April 16 sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Kung sinasabi ni Gerald na wala silang relasyon ni Edgar,how come na sa iisang village sila nakatira?

"Si Kuya Edgar kasi, kaibigan, di ba, ng manager ko? Sabiko kay kuya Jun [Reyes], 'Medyo malayo po kasi yung bahay na tinitirhan ko,meron ka bang alam na puwede kong malipatan na malapit lang?' Ang ginawa niKuya Jun, nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan niya. Ayun, nakausap niya siKuya Edgar. May bakante pa nga raw sa village nila kaya dun ako napunta,"paliwanag ni Gerald.

Matagal na raw kilala ni Gerald si Edgar. Hindi pa raw siyapumapasok noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition ay kilala niya na angnaturang negosyante, na minsan ding na-link kina Diether Ocampo at Ahron Villena.

"Wala namang problema sa akin na makipagkaibigan sa mgabading," sabi ni Gerald. "Marami naman akong kaibigang mga bading, pero hindinaman lalagpas doon."

May naibigay na ba sa kanya si Edgar?

"Talent fee," sagot ni Gerald. "Si Kuya Edgarkasi, nag-o-organize ng mga basketball competition. Sabi ko sa kanya, ‘pag walaakong lakad o schedule, isama niya ako doon. Mahilig kasi ako sa basketball.So, ‘pag kinukuha niya ako, automatic, may TF ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa TF, wala na bang material na bagay na ibinigay sakanya si Edgar?

"Wala na!" mabilis na sagot ng binata.

Paano kung bigyan nga siya ng condo?

"Hindi ko po tatanggapin," aniya.

Hindi ba siya napipikon na nali-link siya sa bading?

"No! Kasi parang, kumbaga okay din, e. Dahil tingnanninyo... Si Diet, si Piolo [Pascual], si Sam [Milby]... Kumbaga, kahit may mgaintriga rin sa kanila, nasaan sila ngayon? Alam ninyo yung ganoon? Kumbaga,sila yung idol ko, so okay lang," rason ni Gerald.

Paano kung matsismis naman siya na bading?

"Kilala ko yung sarili ko. Alam ko kung ano ako. Kungmatsitsismis akong bading, tatawanan ko lang yung isyu," pagtatapos niGerald.

Kasama si Gerald sa bagong horror series ng ABS-CBN naMaligno. Katambal ang kanyang ka-love team na si Kim Chiu. First mature role niGerald ang Maligno, kung saan gumaganap siya bilang isang cameraman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN