Maxene Magalona will miss "Kamandag" and her co-stars

"Mami-miss ko kasi naging close na ako sa cast. And siyempre,first primetime [show] ko ‘to. So magiging memorable for me ang Kamandag.Mami-miss ko talaga," says Maxene Magalona.



Sa pagtatapos ng Kamandag sa April 25, isa sa makaka-missnang husto sa show at sa mga artistang naka-bonding na niya ay si MaxeneMagalona.

"Mami-miss ko kasi naging close na ako sa cast. And siyempre,first primetime [show] ko ‘to. So magiging memorable for me ang Kamandag.Mami-miss ko talaga.

"Parang kailan lang. Nagtagal din ang show, six months.Actually, dapat three months lang siya, e, nag-extend nang nag-extend. Sothankful naman kami na mataas pa rin yung ratings hanggang ngayon," lahad niMaxene sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May proyekto na ba siya sa GMA-7 pagkatapos ng Kamandag?

"Actually, ang sabi sa akin... Kasi I'm gonna sign with GMAna, siyempre may upcoming show na ako. But hindi pa nila sa akin sinasabi kungano yung final. I'm sure it's gonna be a good project, so excited akotalaga."

Bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez saKamandag, ano ang mami-miss niya sa young actor?

"Yung passion niya sa profession niya," sagot ni Maxene."Yung parang hindi lang siya pumupunta sa set para lang masabi na nagtatrabahosiya. He goes to the set talaga na talagang determined to do what he does best.

"And alam mo yung binabasa niya yung script na mabuti?‘Tapos kung may ayaw siya, nagsa-suggest siya ng ideas sa director, sa writer.So parang seryoso talaga siya."

Ayon pa kay Maxene, masarap din katrabaho si Richard.

"Ah, oo! Yun, mami-miss ko rin yun, kasi very maalaga siRichard sa set. Makulit pero at the same time, maalaga. Gentleman talaga,"banggit ng dalaga.

RICHARD-KC TEAM-UP. Bilang isa sa mga kapareha ni Richard, tulad ni JewelMische, hindi naman daw nainis si Maxene sa pagkaka-link ni Richard kay KCConcepcion habang ongoing pa ang kanilang show.

"Siyempre, nagselos ako as a leading lady!" natatawang bironi Maxene. "Pero as much as possible, gusto kong patunayan na deserving ako tobe Richard's leading lady."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about KC as Richard's possible future leading lady?

"Well, siguro puwede din... Hindi pa kasi natin alam. Perosince kami yung magka-love team ngayon, also si Jewel at si Chard, meron kamingchance na ipakita kung ano yung kaya naming ibigay and gawin with Richard.

"So yung kay KC, siyempre mahirap. Kasi taga-Channel 2 siya,so hindi pa natin alam. So ito, as long as kami yung nandito sa Channel 7 atkami yung pina-partner kay Chard, sorry na lang!" tawa niya.

"Joke lang, ha?" bawi ni Maxene. "If ever naman...like yung sinasabina ipa-partner siya [KC] kay Chard, siyempre exciting yun, ‘di ba? Yung Channel2 and Channel 7, something new, siyempre hindi puwede sa show. Tingnan natin samovie kung kaya, siyempre exciting din yun.

"'Tsaka ayoko naman na sa akin lang si Richard. Kasi ako rin,I came from Oyo [Sotto], Cogie [Domingo]... Gusto ko talaga paiba-iba yungpartners, kasi ayokong ma-identify. Ayoko talaga yung naa-identify with one partner lang, sookay lang sa akin na si Richard mapunta kay KC."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN