Nadia Montenegro on friendship with Gretchen Barretto: "Tapos na yung kabanata sa buhay namin at ayoko nang balikan."

"Kung anuman ang bahong ilalabas niya, ilabas nanilang lahat kasi kulang na lang sabihin nila kriminal ako, kulang na langsabihin nilang drug lord ako. Hindi ako takot," says Nadia Montenegro (right) about former friend Gretchen Barretto (left).



Sa kasagsagan ng away ng dating magkaibigan na sina NadiaMontenegro at Gretchen Barretto, pinagtakhan ng marami kung bakit pinili niNadia ang manahimik sa isyu at ipahayag lamang ang kanyang saloobin sapamamagitan ng text messages na ipinarating niya sa showbiz talk shows.

Kung tutuusin ay mabibigat na mga paratang ang ipinukol niGretchen kay Nadia. Nandiyan ang bintang na siya raw angnagpasimula at nagpakalat ng isyung hiwalay na si Gretchen sa live-in partner nitongsi Tonyboy Cojuangco dahil sa relasyon ng aktres kay Dody Puno. Lumabas din anganggulong kaya raw gumanti si Nadia kay Gretchen ay dahil hindi raw siyapinautang ito ng kulang-kulang isang daang milyon para ipantubos sa nakasanglaraw na bahay ng mga Asistio.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayNadia last April 16, nagbukas ng kanyang saloobin ang dating aktres sa nagingalitan nila ni Gretchen. Dito rin niya tinuldukan ang mahigit dalawang dekadangpagkakaibigan nila ni Gretchen.

"Tapos na yung kabanata sa buhay namin at ayoko nangbalikan," mariing sabi ni Nadia. "I will not allow anyone to hurt me again.Masyado nang pangit yung mga nangyari at hindi na dapat buksan pang uli. Ako, Ilive for myself, I have a million friends and hindi ako nanghihinayang samga nawala.

"Alam mo, the most painful part when you were in thatsituation, yung mga akala mo na nandun for you, wala; at yung mga di moinaakalang nandun, biglang bumalik. May mga nawala na hindi ko pinagsisihan nanawala, na dapat lang siguro na wala na sa buhay ko. Pero may mga bumalik naipinagpapasalamat ko na bumalik."

KEEPING HER SILENCE. Ipinaliwanag din ni Nadia ang dahilankung bakit mas pinili niyang manahimik na lamang pagkatapos ng kanilang kumprontasyon sa Hotel Rembrandt.

Aniya, "I have my family to protect, I cannot go out on TVand lie. ‘Ika nga, kung wala kang sasabihing maganda, huwag ka na langmagsalita. So to make the story short, I kept my mouth shut. I also have a lotof other people to think of na mahal ko at kailangan ko ring protektahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nangako ako kay Claudine [Barretto, Gretchen's youngersister], nangako ako sa mga magulang niya.. And again I kept quiet ‘coz may mgataong dapat kong protektahan talaga.

"Sa pananahimik ko,I think I did the right decision. I think that was the best decision forsomebody in my stature, who is a mother of eight na may pinag-aralan. Alam kona malinis ang konsensiya ko and I'm proud of myself ‘coz I'm handling it well,"pahayag ni Nadia.

Matatandaang nagbigay ng press statement si Nadia sa mgashowbiz talk shows sa kasagsagan ng alitan nila ni Gretchen. Pero balitangikinagalit daw nang husto ni Nadia ang pagkaka-edit nito at kung paano itoinilabas sa publiko.

"If you really read the statement, I wasn't asking for anapology, I was aking for dispensa dahil nasabi ko ang mga nasabi ko dala ngsobrang galit. Pero opinion ko yun, wala akong binabago, wala akong binabawi.

"Ang mga anak ko tinuturuan kong lumabas sa buhay, so diakong puwedeng lumaban sa isang bagay na babawiin ko. Yun ang point ko dun.Alam mo after all of these, marami nang taong nasaktan. Nasaktan din ako,ayokong makasakit ng ibang tao," saadniya.

GRETCHEN-DODY "AFFAIR." Si Nadia ang itinuturong nagpasimulaat nagkalat ng diumano'y illicit affair nina Gretchen at Dody Puno. Ayon kayNadia, isa pa ring malaking tanong sa kanya kung bakit siya ang nadiinsa isyung ito.

"Hanggang ngayon ‘yan ang tanong ko sa sarili ko, bakitako?" sabi ni Nadia. "Because from the beginning naman, ang hinihingi ko langay pruweba at wala silang pruwebang maipakita sa akin.

"Even nga ang asawa ko [former Caloocan mayor Boy Asistio],ang hiningi niya ay proof lang na may ginawa ako at hihingi kami ng tawad. Perohindi umabot sa point na humingi ako ng tawad dahil walanaman akong dapat na ipag-sorry."

WASHING DIRTY LINEN... Sa past interview ni Gretcen aynabanggit din ang kulang-kulang na 90 million pesos na halaga raw ng bahay ninaNadia na nakasangala sa bangko at dahil hindi raw nila kayang bayaran ito ayiilitin na raw ito. Ayon kay Gretchen, ito raw ang nakikita niyang rason kungbakit nagalit at sinaraan siya ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's a pending case and I cannot talk about it. There'sa case about the house and she has nothing to do with her," ani Nadia.

"Alam ninyo," patuloy niya, "siya [Gretchen] na lang ang tanungin ninyo kasi may mganakarating sa akin na pinag-aral daw niya ang mga anak ko. Alam mo, matagalkaming magkaibigan, we've been friends since we were in Grade Four. I'm 35 now,we're talking about 25 years. Siguro naman sa tagal na yun, marami na rin akongnaitulong sa kanya at marami rin siyang naitulong sa akin.

"Ako ang isang tao na nanggaling sa hirap, nakaranas ngsarap, naghirap, sumarap. Alam ko siguro kung sino ang pinagkakautangan ko ngloob at marunong akong tumanaw ng utang na loob. Saka ‘pag tumulong ka sa isangtao at sinumbat mo yun, di na tulong yun."

May balita rin na nagbanta diumano noon si Gretchen na kapagnagsalita si Nadia ay mas marami siyang bahong ibubulgar tungkolsa dating kaibigan. Sa isip tuloy ng iba ay ito siguro ang dahilan kung bakitpinili na lang noon ni Nadia na manahimik kaysa idepensa ang sarili.

"Wala na siyang ilalabas," sabi ni Nadia. "Alam mo siGretchen that time, galit siya. Kung anuman ang bahong ilalabas niya, ilabas nanilang lahat kasi kulang na lang sabihin nila kriminal ako, kulang na langsabihin nilang drug lord ako. Hindi ako takot. Kung may isa mang bagay nanatutuhan ako, matatag ang pamilya ko. Anything na nangyari dun sakumprontasyon, ang katabi ko asawa ko, nakahawak sa akin, hindi ko hahayaan nawala siya sa tabi ko."

BARON'S CHILD? Isa rin sa isyung lumabas nung kasagsagan ngaway nina Nadia at Gretchen ay kung sino raw ang tunay na ama ng bunsong anakni Nadia. Lumitaw ang pangalan ni Baron Geisler na ama raw ng bata dahil bukodsa hindi raw kamukha ng bata si Boy Asistio ay iba raw ang kulay ng mga mata nito,na iisipin mong may dugong banyaga ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang dami-dami," sabi ni Nadia. "Hindi lang ‘yanang pangalang nabanggit. Alam mo sa totoo lang, nahihiya ako, di ako 36-24-36[vital statistics], nakakahiya.

"Si Baron, nung nasunugan sila ng dalawang beses, nungnamatay ang dadddy niya, they were shooting Recuerdo de Amor sa house namin.Naging close kami ni Baron, naging boyfriend siya ni Matet [de Leon], whohappens to be Lotlot's sister. Alamninyo naman sa atin, when you see a man and a woman drinking in a bar, iisipinkayo na, tapos ang isyu pa may anak kami.

"Alam ninyo, kunan ninyo lahat ng pictures ang anak ko,walang magkakamukha. So it also means din ba na walo ang tatay nila?" tanongniya.

Sa huli, sinabi ni Nadia na sa kabila ng mga isyung ito ayhindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Baron, lalo't alam naman niya nawala talaga siyang ginawang masama.

"Why would I end myfriendship with people who loves me, with people who makes difference in mylife? Sabi ko, ang pinakamasarap na gawin ay yung maglakad ka na nakataas angnoo mo. Kahit na tanungin ninyo ang asawa ko, we're happy, we are complete, andI am contented woman, mother, and friend," pagtatapos ni Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN