Former president Cory Aquino: "Whatever the Lord wants, I'm prepared to accept it."

"Yung mom ko talaga kasi feeling namin sa family, lumalakas siyatalaga and nagre-respond well sa chemotherapy dahil sa lahat ng taong nagdadasalpara sa kanya. I think what my mom is going through is difficult, perodahil nararamdaman niya na ang daming people who love her, who care about her,nakakatulong naman talaga yun," says Kris Aquino (inset) about her mother, former president Cory Aquino.



Nagbigay ng kanyang mensahe si ex-president Cory Aquino na ipinalabas saThe Buzz kahapon, April 20, halos isang buwan pagkatapos i-announce ng kanyangmga anak na sina Kris Aquino at Senator Noynoy Aquino ang pagkakaroon niya ngcolon cancer.

Naganap ang paghahatid ng pasasalamat ni Cory Aquino salahat ng nanalangin para sa kanyang mabilis na paggaling sa coverage ng The Buzz sa firstbirthday celebration ng kanyang apo na si Baby James, ang anak nina Kris atJames Yap, last April 19.

"Well, I'd like to take this opportunity to thank everybodywho's been praying for me. I'm very, very overwhelmed," bungad niya sa The Buzzhost na si Boy Abunda.

"I never knew so many people cared. So, continue to pray forothers who are also in the similar situation. I really am fortunate. I have nopain. I just get tired easily. So, I guess whatever the Lord wants, I'mprepared to accept it."

Sabi naman ni Kris na katabi ni Cory, "Diba, Mom, nakaka-touch talaga? Everybody keeps praying. And I think that's whathas kept all of us strong. And all the cards from people I know and I don'tknow, it's really amazing. I really cannot ask for more."

Masaya naman ang pamilyang Aquino dahil, at least, Cory wasstrong enough to make it to Baby James's birthday. Nagpasalamat din si Kris sa lahat ngnagmamahal sa kanyang ina.

"I think, on behalf of everybody din, sa family, di ba, I'lltake the opportunity to say thank you! Touched na touched po everybody talagakasi sa pagmamahal na ipinapakita sa‘yo," sabi ni Kris sa kanyang ina.

Dagdag niya, "Yung mom ko talaga kasi feeling namin sa family, lumalakas siyatalaga and nagre-respond well sa chemotherapy dahil sa lahat ng taong nagdadasalpara sa kanya. I think what my mom is going through is difficult, perodahil nararamdaman niya na ang daming people who love her, who care about her,nakakatulong naman talaga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas lalo raw tumibay ang pagmamahalan sa kanilang pamilyadahil sa kalagayan ng kanilang ina.

"I think kaming mga anak niya, gusto lang namin talaga tomake her as comfortable as possible and to ease the suffering. Gusto lang naminsabihin sa mom namin na we love her very much. Super-prinay ko lang talaga nashe'll make it to this birthday," pahayag ni Kris.

Kasunod nito ang pagkanta ng birthday song ni Cory sa kanyang apo.

"To Baby James, I hope you will be a good, good boy and abetter basketball player than your dad," mensahe niya saapo.

Dasal naman ngayon ni Kris na sana ay mai-celebrate pa nilaang Mother's Day next month.

"After Mother's Day, birthday naman ni Josh [anak ni Kris saaktor na si Phillip Salvador]. Kasi ngayon, kung ano man ang extension naibigay ni God sa life niya, super-thankful kami," ani Kris.

Sa huli, muling nagpasalamat si Cory Aquino sa atingmga kababayan.

"Thank you very much, mga mahal kong kababayan," kasunod ang pagyakap sa kanya ni Baby James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN