Assunta de Rossi and Rep. Jules Ledesma bent on having their baby this year

"Last year kasi was my year, Year of the Pig, gusto ko na ringmagbuntis kaya lang nawalang nangyari. Buti na lang, this year, Year of theRat, year ng husband at ng anak kong lalake [Jules's son by his first marriage]. So kailangan yung baby naminmaging Rat din," says Assunta de Rossi.



Pagkatapos ng masalimuot niyang pag-alis noon sa bakuran ngABS CBN, kapansin-pansin ang pananahimik at paglamlam ng career ni Assuntade Rossi.

Kung tutuusin ay hindi na naman kailangan ng aktres nakumayod na parang kalabaw para lamang kumita dahil maalawan ang buhay ngnapangsawang si Congressman Jules Ledesma. Para sa iba ay mas dapat nga raw na pagtuunan nalang ng pansin ni Assunta ang pagkakaroon ng sariling anak, lalo't mahigit limang taonna rin ang itinatakbo ng pagsasama nila ng asawa.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayAssunta ay inamin niya na nakakaramdam na nga raw sila ng inip ni Jules namagkaroon na talaga ng anak na matatawag na talagang sa kanila.

"Ako, naiinip," sabi ni Assunta. "Siya [Jules], kailan langniya na-feel na yung pressure. Sabi ko nga sarili ko, ‘Yes, finally pressuredna ang asawa ko!' Last year kasi was my year, Year of the Pig, gusto ko na ringmagbuntis kaya lang nawalang nangyari. Buti na lang, this year, Year of theRat, year ng husband at ng anak kong lalake [Jules's son by his first marriage]. So kailangan yung baby naminmaging Rat din."

Last February ay plinano na nina Assunta at Jules namabuntis na sana ang aktres, pero hindi sinuwerteng mabuo ito. Nagpalaam na rinsi Assunta sa manager na si Annabelle Rama na haharapin niya muna ngayon angpagkakaroon ng sariling anak.

"Three months ago, kinausap ko si Jun Lalin [publicist] na sabihin kayTita Annabelle na gagawa muna kami ng baby ng asawa ko. Actually, itongJanuary, gusto ko sana sa birthday ko last February buntis na ako. Kaya lang,hindi nga nabuo since nagpaalam na ako, hindi ko na palalampasin ito."

Siniguro sa amin ni Assunta na walang may diperensiya sakanilang mag-asawa kung ito ang iniisip ng iba. Si Jules pala mismo ang maygusto na huwag muna siyang magbuntis noong unang mga taon ng pagsasama nilangmag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Walang panahon at kulang sa timing. Ang thinkingkasi ng iba, ganun kadaling gumawa ng bata. It's not as easy as it seems, akalalang nila. Kahit na itanong pa ninyo sa iba.

"Walang may diperensiya sa amin," pagkaklaro ni Assunta."I'm healthy and my husband is healthy also. In [almost] six years na pagsasamanamin, for four years, walang baby talaga. Ayaw pa ni Jules kasi masyado pa rawakong bata nun. Nung 24 na ako, sinabi niya sa akin na okay na raw. Kumbaga,hinog ka na so dun pa lang kami talaga nag-start na mag-focus talaga to haveour own child. I just turned 25 last February, so kung susumahin mo, kailanlang talaga nag-try. Pero yun nga, on and off kasi last year naging busy siyasa election."

STILL GOING STRONG. Noon ay hinulaan ng iba na mauuwi rin sa hiwalayan angpagsasama nina Assunta at Jules, ngunit heto't going strong pa rin ang relasyonnila. Although inamin ng aktres na nasa period of adjustment pa rin sila.

"Hindi talaga matatapos yung adjustment, marami pa ringtrials, both individually and as a couple. Three years ago, after nungnangyari sa ABS, buhos yung blessings sa amin, so masasabi kong talagangsuwerte kami sa isa't isa," saad niya.

Speaking about blessings, nang inisa-isa sa amin ni Assuntaang mga pinagkakabaalahn ng asawa, kahit kami ay sumang-ayon na mukhang mas sinusuwertenga sila ngayon.

"Business is doing good. Yung kauna-unahang ethanol plant, nasaSan Carlos City [Negros Occidental]. So by January next year, gasolina na ang gagawin namin, hindina asukal. Nagpahinga siya for three years in poltics, pero nakabalik na siyasa Congress, ‘tapos okay na kami ng pamilya ko. Sila, they're okay. Kase-celebratelang ng 25th year anniversary ng parents ko and okey naman, we're very blessed,"lahad ni Assunta.

ASSUNTA'S EX-BF. Sa kabila na kani-kanilang buhay ay hindi maiwasangmatanong pa rin kay Assunta ang kanyang ex-boyfriend na si Rommel Adducul nakumpirmadong may nasopharyngeal cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung malaman ko ang tungkol diyan, of course, nalungkot akokasi ang bait-bait nung taong yun. Ipinagdasal ko siya, isinama ko siya sa mgaprayers ko na sana maging okay siya.

"Matagal na kaming walang communication kasi he's marriedna, may sari-sarili na kaming buhay. For me kasi, ‘pag ex na, in-ex ko na rinsiya sa buhay ko. Pero siyempre, nung nalaman ko yun, nalungkot talaga ako,"pagtatapos ni Assunta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN