Gabby Concepcion hopes libel case against Lolit Solis ends well

"Sana maayos nga para hindina sila mag-away-away. Nandito tayo para ipagbati-bati ang lahat. Actually, hindi na ako anggagawa nun, pero I hope everybody will become friends," says Gabby Concepcion about the libel case slapped against his former manager Lolit Solis by Piolo Pascual and Sam Milby.



Sa pag-uwi ng bansa ng dating matinee idol na si GabbyConcepcion, inasahan ng karamihan na ito na rin ang pagtatapos ng ilang taongaway na namagitan sa kanila ng dati niyang manager na si Lolit Solis.

Natuldukan naman ang mahigit isang dekadang tampuhangnamagitan sa kanila. Kailan nga lang ay nagkita sina Gabby at Lolit sa Annabel'srestaurant, Quezon City.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayGabby ay hiningan siya ng reaksiyon sa kasong libelo na isinampa ninaPiolo Pascual at Sam Milby laban kay Lolit.

"Nabalitaan ko ang tungkol diyan, pero hindi ko alam kungano ang talagang nangyari dun. So kung anuman yun, sana maayos nga para hindina sila mag-away-away. Nandito tayo para ipagbati-bati ang lahat. Actually, hindi na ako anggagawa nun, pero I hope everybody will become friends," pahayag ni Gabby.

Ayon kay Gabby, ikinatutuwa niya na nauwi sa pag-aayos angmatagal na tampuhan nila ng dating manager.

"Ayos naman lahat," sabi niya. "At least, masaya. Walang masyadongintriga, nagkita lang kami, nag-usap, nagkumustahan. Of course, happy na ako. Naayosna ang lahat. Kumbaga, everything ends well."

GABBY'S FIRST TV PROJECT. Kumpirmado na ang teleseryeng sisimulang gawin ni Gabby underABS CBN, ang Iisa Pa Lamang, kung saan makakatambal niya si Claudine Barretto. Bukodkay Claudine, ikinatataba rin ng puso ni Gabby ang pagnanais ng marami sa atingmga young actresses na makasama siya sa isang proyekto.

"I'm really happy and excited because Claudine is one of ourfinest actresses," sambit ni Gabby. "Sa ibang mga artista natin na gusto akongmakatrabaho, ako, feeling is the same, I'm also excited. Hopefully, makasama ko silang lahat—si JudyAnn [Santos], si Bea [Alonzo], Anne [Curtis], Kristine [Hermosa], Sarah Geronimo...Maraming talents ang ABS na gusto kong makatrabaho na baka di ko mabanggit anglahat."

Balita rin ang kabi-kabilang mga produkto na gustong kunin siGabby as their image model at milyon-milyon daw ang offer sa comebacking actor.Isa na nga rito ang Belo Medical Group na bali-balitang handa raw magpakawala ng P3.5million para lang makuhang endorser ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda ang nangyayari sa akin. I'm very thankful, I'm verygrateful sa mga nagtitiwala, sa mga endorsers. May oras para dun, pag-uusapannamin ‘yang mabuti nila Mommy Rose [Flaminiano, his manager]," saad ni Gabby.

Kumpirmado rin na isang espesyal na episode ng MaaalalaMo Kaya ang kauna-unahang show na magpapamalas uli ng galing ni Gabby sapag-arte.

"Maganda ang role ko dun sa MMK, may mga lessons to belearned, so sana abangan nila," pagtatapos ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN