Iza Calzado sees no jealousy issue between BF Gerry Garcia and leading man Robin Padilla

"He doesn't even ask. My BF is too busy for that. Atsaka si Binoe, ganoon lang talaga. Makulit, malambing. Very nice. Kaya hindi kodapat ma-misinterpret yun dahil magkapareha kasi kami," says Iza Calzadowhen asked about a rumored issue between her boyfriend Gerry Garcia and herJoaquin Bordado leading man Robin Padilla.


May lumabas na chika na parang gusto raw kausapin ni GerryGarcia, ang boyfriend ni Iza Calzado, si Robin Padilla pagkatapos ng mga lumabas nachikang tila pumoporma si Binoe sa aktres na kapareha nito sa JoaquinBordado.

Nagulat si Iza nang ungkatin ito ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) nang makorner namin siya sa dressing room for S.O.P.kahapon.

"Sa kung anong dahilan daw?" naibalik na tanong niIza. "Kung anuman ang dahilan, kung gusto lang sigurong makilala ngboyfriend ko si Binoe, sana, noon pa niya ginawa yung kinausap niya ang leadingman ko, 'di ba? Madali lang naman yun.

"At kung kakausapin man ni Gerry si Binoe, baka dahilhumahanga lang siya. Yun ngang mga cousin ni Gerry, kinukulit ako na ipakilalaraw sana sila kay Binoe dahil idol nila yung tao. Palagay ko, parang ganoonlang ang dating.

"Wala namang dapat maging isyu roon. I don't think namagseselos ang BF ko kay Binoe dahil walang dahilan para magkaganoon,"paliwanag ni Iza.

Never daw na naungkat man lang sa usapan nila ng BF niya angtungkol kay Binoe.

"Naiintindihan ng BF ko ang situwasyon ko. Kung may mgalumalabas man na kung anu-ano tungkol sa amin ni Binoe, hindi niya bastapaniniwalaan yun, unless ako na ang magsasabi sa kanya.

"He doesn't even ask. My BF is too busy for that. Atsaka si Binoe, ganoon lang talaga. Makulit, malambing. Very nice. Kaya hindi kodapat ma-misinterpret yun dahil magkapareha kasi kami," sabi na lang niIza.

FAMILY FIRST.Matino ang love life ni Iza, atvery supportive ang BF niya sa career niya. By June or July, kapag natapos dawang teleseryeng Joaquin Bordado, kung nasa bansa si Gerry, isasama niyaito sa balak niyang mahaba-habang bakasyon sa U.S. at Canada.

"Mahirap nga lang magplano, alam mo naman sashowbiz," sabi ni Iza. "Normally, pagkatapos ng isang teleserye,pinagpapahinga ako for a month or two. Hindi ko lang alam baka may movie offerna sumingit, o ibang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, gusto ko talagang um-attend ng kasal ng isa kongpinsan sa Canada. Both sa mother and father side, marami kaming kamag-anakan saCanada at matagal na nila akong ini-invite na magpunta roon.

"Before anything else, mahalaga ang family para saakin, e. Puro ako trabaho for the past years, it's about time na maglaan namankasi ako ng oras para sa kanila.

"If my boyfriend is here in Manila by that time, siyanaman ang isasama ko to travel. Baka nga manood pa kami ng laban ni MannyPacquiao sa Las Vegas, which by that time, baka nga naka-schedule na.

"'Yan ay mga balak pa lang naman," naibalita pa niIza sa amin.

COMING SOON IN JOAQUIN BORDADO. Habang nalalapitna rin ang ending ng Joaquin Bordado, nagiging kapana-panabik pa rin angmga puwedeng mangyari sa tele-fantasyang ito.

"Sa ngayon kasi, si Carol na ako, hindi na ako siSofia," nasabi ni Iza tungkol sa characters na ginagampanan niya sanabanggit na tele-fantasya.

"Nagka-amnesia kasi si Sofia, kaya ang magandang dapatabangan diyan, kung paano niya makikilala uli ang asawa niyang si Joaquin[Robin].

"Umiikot kasi ang istorya tungkol sa pag-ibig, e. Kahitmaraming aksyon at pantasya, it's still basically a love story, kaya marami ang sumusubaybaysa show."

Nasabi rin ni Iza na isa sa highlights na aabangansa Joaquin Bordado ay ang pagkakaroon ng powers ni Ian Veneracion. Sinusubaybayan dinng marami ang mga anggulo ng conflict sa mga gumaganap na kapatid ni Binoe nasina Ian at Mark Herras.

"Wala pang masyadong plano after this show, kasi, I amregularly being seen in ESP. Pero, sana nga, makalusot ako paramakapunta ng Los Angeles at Canada, and I want also to meet Yam [Laranas], mydirector sa The Echo, and to get updated with what's going to happen with the movie.

"Excited na akong mapanood kahit man lang yung trailerng first Hollywood movie ko," pagwawakas ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN