Pauleen Luna denies breakup with BF, confirms villain role in "Kim Sam Soon"

"I'm very happy with my boyfriend. Kasi, Sherwin takes careof me. He never takes me for granted, kaya masaya at kuntento ako sakanya," says Pauleen Luna about her boyfriend, Valenzuela Mayor SherwinGatchalian.



Naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si PauleenLuna sa dressing room ng GMA-7, habang ongoing ang live telecast ng SOP,kaya tinanong na namin siya tungkol sa isyung nag-split na raw sila ngboyfriend niyang si Sherwin Gatchalian, Mayor ng Valenzuela.

Natawa na lang si Pauleen dito at diretsahang idinenay.

"Magkasama lang kami noong night ng birthdayniya," sabi pa ni Pauleen. "Nagkaroon ng small party lang naman, samay Piedra, sa The Fort. Nag-invite lang siya ng friends at nag-happenings langkami roon.

"There's no truth to that. Even our friends, ang lagingitinatanong sa amin ay kung kailan kami magpapakasal. Actually, mas napi-pressureako kapag pinag-uusapan na ang kasal," natatawang pahayag pa ng magandangaktres.

May rason para makaramdam ng ganoon si Pauleen. Sherwin justturned 34 years old, very ripe for marriage, 'ika nga.

"Ganoon na nga, pero knowing him, marami pa raw siyanggustong gawin before he will get married," sabi ni Pauleen sa amin.

"Gusto niyang tapusin na muna ang term niya as mayor.He has another term, so mahaba-haba ring panahon yun."

Pero, after that, ang gusto nga ni Sherwin ay tumakbo nabilang congressman. So, by that time, kailangan na nito ang congressional wife,na most likely, si Pauleen na nga yun.

"Hay, naku, parang ayoko pang isipin!" at natawana lang si Pauleen. "Marami pang puwedeng mangyari. Natutuwa na lang akona naririyan pa rin siya, and he's really very supportive sa pag-aartista ko.

"Napapanatag lang ang loob ko kapag sinasabi niyanghindi raw siya tumatanda, bumabata raw ang feeling niya. Parang ang ibigsabihin, no need to rush for marriage."

READY FOR BIG BREAK. Sa career ni Pauleen, marami ang nagsasabing dapat ayhumataw na ito. Pero, panatag ang loob ni Pauleen na umaapir lang regularly sa Eat...Bulaga!at sa iba pang shows ng GMA-7.

"Kuntento ako sa ganoong exposures. Isa rin ako samapapanood sa Kim San Soon starring Regine Velasquez. I will appear asone of those contravidas. Hindi naman heavy ang pagka-villainess ko rito, kayamay tuwa factor pa rin ang fans kapag pinanood nila," naipahayag ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, fresh na fresh ang chikang ito ni Pauleen, angkumpirmasyong kasama siya sa soap ni Regine sa GMA-7 dahil after SOP,nakasalubong pa namin si Pauleen sa lobby ng GMA-7 at sinabi nga niyangnanggaling siya sa story conference ng Kim Sam Soon, ang hit Koreanovelana magkakaroon na ng local version, na finally ay magtatampok sa Asia'sSongbird.

"Ang pag-aartista pa rin kasi ang gusto kong gawin.Basta ako, kung bibigyan ako ng malaking break ng GMA-7, naririto lang namanako. I'm always prepared.

"Alam ko na pagdating sa kilig factor, mahirap na rinyung ganoon dahil alam ng mga tao na may boyfriend na ako. Pero, hindi namandapat maging problema yun dahil puwede pa rin akong ipareha sa ibang showbizguys.

"Trabaho lang naman itong sa akin, at puwede pa ringlumabas na convincing. Although, sorry, hindi ko naman nami-miss ang ibangshowbiz guys, 'no? I'm very happy with my boyfriend. Kasi, Sherwin takes careof me.

"He never takes me for granted, kaya masaya at kuntentoako sa kanya," pahayag na lang ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN