Rufa Mae Quinto gives up on her long-distance love affair

"Hindi ko kakayanin ang long-distance love affair na 'yan, kaya walaring kapupuntahan, e. For me, nasabi ko na rin kay Bobby, better namaging friends na lang kami at huwag nang mag-expect ng kung anu-ano," says Rufa Mae Quinto about Mexican-American Bobby Lopez.



Certified box-office star na kung tutuusin si Rufa Mae Quinto dahil lahat halos ng pelikulang tinampukan niya lately ay tumabo nang husto sa takilya. Ang latest nga ay ang Manay Po 2 Overload na dinumog ng mga manonood. Tuwang-tuwa naman ang sexy comedienne sa reaction ng mga tao.



"Hindi ko rin nga alam what's really in the movie. Nang napanood ko kasi ito, ang dami talagang tao, at tawa sila nang tawa. Mas nakakatawa pala kapag inulit mong panoorin. Punumpuno kasi ng punchlines ang pelikula na hindi pa tapos yung isa, may kasunod na.

"Mare-realize mong sobrang fun pala talaga ang movie kapag pinanood mo uli. Kumbaga, nag-enjoy ka na sa first viewing, mas grabe pa pala 'pag inulit mo. Siguro yung iba, inuulit-ulit nila, kaya talagang nag-hit," masayang lahad ni Rufa Mae sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa hallway ng GMA Network Center.



Ang saya-saya nga raw ng ambiance sa Regal Entertainment these days. Hanggang tenga raw ang ngiti ni Mother Lily Monteverde.



"Nasanay na ako sa Regal!" natatawang sabi ni Rufa Mae. "Kapag medyo hindi sila masyadong masaya sa resulta ng movie, kung anu-ano na lang ang sinasabi ni Mother Lily.



"E, ako naman, hindi ko masyadong sineseryoso ang mga pa-moody-moody ni Mother. Naobserbahan ko na kasi sila na hindi nila sineseryoso ang mga ganyan. Ang gusto lang talaga nila, kumikita yung pelikula nila, and everybody happy.



"Para nga silang tumitira ng kung ano, like sina Manny Valera and Direk Joel [Lamangan], puro 'I love you' ang mga sinasabi nila. Pati si Mother. Halakhakan sila lately dahil kumita nga ang movie. 'Kalokah!" kuwento niya.

I.T.A.L.Y. Ang next movie ni Rufa Mae ay ang I.T.A.L.Y. (I Love and Trust You) ng GMA Films, na kinunan sa Europe at Africa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm so happy dahil sunud-sunod nga. Grabe!" bulalas ng sexy comedienne. "Kesehodang napag-iiwanan na ako ng flight. Sa airport, yung biyaheng papuntang Amsterdam, naiwan na ako ng eroplano. Kailangan kong humabol sa flight the next day, at nagbayad pa ako ng extra para lang doon.



"Nabaliw ako sa pagsu-shoot namin. Walang hintong connecting flights. Airport-to-airport. Sa cruise naman, nakaranas kami ng typhoon. Alog nang alog ang barko at nagsusukahan na ang mga kasama namin dahil sa seasickness. Hindi ko talaga makakalimutan ang experience na 'yan," lahad ni Rufa Mae.



BONDING WITH DENNIS. Sa shooting ng I.T.A.L.Y. ay nagkaroon din sila ng pagkakataong mag-bonding muli ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo, na siyang pumalit kay Gabby Concepcion sa nabanggit na proyekto ng GMA Films.



"Bonding lang naman, pero wala na yung mga tanong tungkol sa nakaraan. Kasi tapos na 'yon. At saka ayoko na ng complications. Ang alam ko kasi, sina Dennis at Cristine [Reyes] naman ngayon. E, hindi naman kami nagkaroon ng problem ni Carlene Aguilar noon, 'tapos ngayon, baka kami ang intrigahin ni Cristine. Huwag naman.



"Trabaho lang ang ginawa namin ni Dennis, at nagkaroon din kami ng time na mag-shopping noong nasa Africa kami. Yes, nagkaroon kami ng time na bumaba ng boat kaya nakapamasyal kami," kuwento niya.



LONG-DISTANCE AFFAIR.
Kinalimutan muna ni Rufa Mae ang boyfriend niyang Mexican-American na si Bobby Lopez, na inamin niyang twice niyang pinuntahan sa Hong Kong.



"Singit-singit lang sa schedule dahil ang dami-dami kong ginagawa," sabi ni Rufa Mae. "E, napakahirap sa akin ng ganoong set-up [long-distance affair]. Effort talaga yun for me.



"Hindi ko kakayanin ang long-distance love affair na 'yan, kaya wala ring kapupuntahan, e. For me, nasabi ko na rin kay Bobby, better na maging friends na lang kami at huwag nang mag-expect ng kung anu-ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman sa isinumpa ko nang magkaroon ng relasyon uli. Hindi kasi naipaplano 'yan. Dumarating na lang. Pero kapag nakatutok lang ako sa career, masaya, e. Hindi totally happy, pero maganda ang takbo ng career ko.



"Nakakabawas ng stress yung medyo okay ka sa lovelife, kahit sobra ka sa kayod. Kaya lang, kapag ganyan na hindi mo laging nakikita ang dyowa, consider it na wala, tapusin na ang relasyong wala rin naman," tuloy-tuloy na lahad ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN