Rhian Ramos studied Cebuano to play young Annabelle Rama in "Monster Mom"

"Aliw na aliw si Direk Joey sa akin dahil nag-aral talaga akong mag-Bisaya. I'm not Visayan talaga, but because the role requires for me to talk in the language, pinag-aralan ko talaga. Somehow, palagay ko, credible naman ako as the young Annabelle Rama," says Rhian Ramos about her role in Monster Mom.



Hindi agad namin namukhaan si Rhian Ramos dahil babaeng-babae ang dating niya nang masalubong namin siya sa hallway ng GMA-7 habang hinihintay ang cue niya para sa live guesting ng GMA Artist Center talents sa S.O.P. kung saan kabilang siya.

As usual, kapag si Rhian ang nakakausap namin ay parang nakikipagchikahan lang kami sa isang Inggliserang kapitbahay, lalo na ang excitement niya nang mag-shoot siya ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You) yung ibinahagi niya sa amin.

"Walang masyadong time for pasyal," sabi pa ni Rhian. "We were there for work. Most of the time kasi, nasa loob kami ng boat. Medyo bumaba lang kami ni Mark Herras sa Italy at France.

"Sandali lang talaga, pero grabe, ang gaganda ng places! I felt so blessed to be given this opportunity by GMA Films, to be in this project, and at the same time, makapag-travel na rin," pahayag pa ni Rhian.

PLAYING ANNABELLE. Pagkatapos ng My Only Love, mukhang pahinga muna for regular exposures sa TV si Rhian. Nagko-concentrate muna siya sa paggawa ng movies. Hayan at naka-cast siya as the young Annabelle Rama in Monster Mom.

"Medyo kinabahan ako when I was offered the role," sabi pa ni Rhian. "I told Direk Joey [Reyes], he really has to support me harder for this. Mahirap mag-create ng interpretation for a role na very unique yung character.

"I have observed Tita Annabelle in some taped interviews. 'Tapos, yung look niya when she was younger, sa photos at magazines. I really had fun discovering more about Tita Annabelle through this role."

Although nagre-reflect ang real-life character ni Annabelle Rama sa character na ginagampanan nito sa nabanggit na Regal production, iba pa rin daw ang interpretation ni Rhian.

"My character in the movie is much younger," sabi pa ni Rhian. "Doon pa lang, iba na. Pero, aliw na aliw si Direk Joey sa akin dahil nag-aral talaga akong mag-Bisaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not Visayan talaga, but because the role requires for me to talk in the language, pinag-aralan ko talaga. Somehow, palagay ko, credible naman ako as the young Annabelle Rama."

GRATEFUL TO THE GUTIERREZES. Sa totoo lang, tumatanaw ng utang na loob si Rhian sa mga Gutierrez. Kung hindi pumayag si Annabelle na itambal si Rhian kay Richard Gutierrez sa Captain Barbell at Lupin ay hindi rin agad makikilala ng publiko si Rhian.

"I even auditioned for Captain Barbell, and I was a total newcomer. Natutuwa naman ako kasi mabait sa akin si Tita Annabelle, and I have been keeping a nice friendly relationship with Richard, up to now.

"At saka isa talaga sa wish ko ay ang makasama sa movie si Ate Ruffa [Gutierrez], although wala kaming scenes together here, napapanood ko kasi siya sa TV at movies niya, and I think it will be a lot of fun working with her," sabi pa ni Rhian.

Although a lot of people find Rhian a good actress, mayroon pa ring unfavorable feedback tungkol sa kanya. Lalo na 'yong fans daw ng ibang young stars na nagiging kaagaw ni Rhian sa roles na ipinagkakaloob sa kanya in the end.

"I can never please everybody," says Rhian. "Hindi ako masyadong nagpapaapekto sa sinasabi ng iba, for as long as I'm just doing my job. I have to do my job well, and that's my primary concern.

"Kung may nasasabi pa rin silang negative, wala na akong magagawa roon.

"Hindi naman kasi totoong mas pinapaboran ako. I was given the chance na katulad din sa ibang young stars. Hindi rin lahat ng gusto ko, makukuha ko rin. I'm very much aware of it," nasabi na lang ni Rhian.

Kahit nga grabe ang panlalait ng iba kay Rhian at namemersonal na, she just keeps quiet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm still a newcomer, still just have to prove a lot of things," pahayag ng young actress.

"Maingat talaga ako sa sinasabi ko, kasi, ayokong maka-offend. Ayokong sumagut-sagot, kasi, ang feeling ko naman, opinion ng ibang tao yun, e. They have all the right to do that.

"May iba namang taong nagde-defend sa akin, and for as long as there are a lot of people who believe in me, happy na ako. Right now, I'm happy with my career, and there's no reason for me to feel down," nasabi na lang ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN