Luis Alandy explains why he begged off from gay role in "Manay Po 2"

"Kasi nagkataon na ang last movie ko sa Regal, saDesperadas, bakla ako. Before that nga, ang Manay Po, gay din ako. Sabi ko kayMother [Lily Monteverde], kung puwede serious role naman sana muna," explains Luis Alandy why he begged off from Manay Po 2: Overload.



Luis returns to GMA-7 primetime via Dyesebel afterhis last soap for the Kapuso Network, La Vendetta. He plays Gildo, the mainhuman villain to the love affair of Dyesebel and Fredo, played by Marian Riveraand Dingdong Dantes, respectively.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luisduring the grand launch of Dyesebel last night, April 21, sa Hotel Sofitel na kungsiya ang papipiliin, would he rather play a human or a mermaid.

"Sa akin naman, kahit ano, si ALV [Arnold Vegafria, hismanager] ang pumili nito for me. Dalawa rin kasi ang in-offer sa akin. Ito angnakuha ko at kay Marco [Alcaraz, his co-talent from ALV's group] ang nakakuhang mermaid role," sabi ni Luis.

Speaking of roles, naitanong namin sa kanya kung ano angdahilan kung bakit hindi na niya tinanggap ang papel na Adriane sa current hitmovie ng Regal Entertainment na Manay Po 2: Overload. Siya ang unang gumanap sanaturang character sa unang installment ng pelikula noong 2006. In thesequel, his character was retained but Luis was replaced by Sid Lucero.

"Kasi nagkataon na ang last movie ko sa Regal, saDesperadas, bakla ako. Before that nga, ang Manay Po, gay din ako. Sabi ko kayMother [Lily Monteverde], kung puwede serious role naman sana muna. Bakit namankita tatanggihan?" paliwanag niya sa amin personally dahil kami ang nagsulat ngscript ng dalawang Manay Po movies.

We told him iba ang narinig namin. Balita kasi noon natinanggihan niya ang Manay Po 2: Overload dahil may hindi sila pagkakaunawaanng Regal nang hindi siya nabigyan ng magandang billing sa Desperadas.

"Hindi naman," paglilinaw niya. "I'm a character actor.Kahit saan n'yo ako ilagay, okay lang sa akin. Sa Resiklo naman, hindi ringanoon kaganda ang billing ko pero hindi ako nagreklamo. Talagang ayoko lang ngmagkakasunod na gay roles."

Asked kung napanood na niya ang Manay Po 2: Overload, hindipa raw pero narinig niya that Sid did a good turn in portraying his originalcharacter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN