Marian Rivera keeps her promise to go topless in "Dyesebel"

"Let's just say well protected ako. Hindi naman siguro akomakikitaan dito kasi wholesome ang show namin na puwede ring panoorin ng bata," says Marian Rivera about going topless in her role as Dyesebel.



Truly the biggest female star of GMA-7 today, isangnapaka-pabulosang presscon ang ibinigay ng Kapuso network for Marian Rivera'sfollow-up project after the phenomenal Marimar. The Dyesebel presslaunching and conference took place at the poolside of SofitelPhilippines Hotel last night, April 21. Part of the grand event were mermaids and mermen swimming inthe hotel's big pool before the presscon started, and the Philippine synchronized swimming team doing their water acrobatics whileJulie Ann of Sugarpop sang the theme song.

Si Marian ang naging star of the night sa kanyang suot nared gown. Halos lahat ay tinanong sa kanya ng entertainment press, which sheanswered impressively.

"TOPLESS KUNG TOPLESS." Ang unang tanong, kapansin-pansin sa ilang eksena nalumalangoy siya bilang Dyesebel na dangerously risqué, kung saan palagingparang muntik-muntikan nang makita ang kanyang dibdib. Tinotoo niya kasi angpromise niyang "topless kung topless," playing the most famous Filipino mermaid.

"Let's just say well protected ako. Hindi naman siguro akomakikitaan dito kasi wholesome ang show namin na puwede ring panoorin ng bata,"paliwanag niya.

Asked kung ano ang suot niya underneath the mermaid costume,cycling shorts lang daw para mas magaaan dahil as is, napakabigat na ng costumeniya.

"Gumagaan lang ito kapag nasa tubig na. Pero kapag nasa lupaako, ang bigat nito. Naaawa nga ako sa mga nagbubuhat sa akin kasi alam ko angbigat ko dahil sa costume ko," aniya.

Sabi rin ni Direk Joyce Bernal, mas close ang characterniyang Dyesebel sa tunay na Marian Rivera kaysa kay Marimar. Sumang-ayon namandito ang young actress.

"Kasi ang character ni Dyesebel, kalog. Ganoon din ako,masayahin akong tao," paghahambing niya.

Wala ring expectation si Marian sa Dyesebel kungmalalampasan ba nito ang nagawang phenomenon ng kanyang first solo soap naMarimar.

"Ayokong mag-expect. Ang sa amin, basta mas mapaganda naminito, mas magustuhan ng tao, at mas maging masaya sila sa Dyesebel, okay naako."

INTRIGUING DYESEBEL. Inintriga rin namin si Marian. Sa presscon kasi ng Malignoni Claudine Barretto last week sa ABS-CBN, isa sa mga co-stars nitong si DJDurano ang nagsabing, "Yung mga lumalangoy-langoy sa dagat, e, makakalimutan n'yo," habangipinu-promote ang bagong horror series ng ABS-CBN, na incidentally aymagpi-premiere din sa April 28 gaya ng Dyesebel. Obviously, Dyesebel ngaang tinutukoy ni DJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi ko pa nga alam kung ano ang makakatapat namin,e," reaksiyon ni Marian. "Trabaho lang ang iniisip ko. Saka alam ko naman nahindi mo mapi-please ang lahat ng tao. Sadyang may mga maka-Kapuso at maymaka-kabila. Kung mas magiging masaya ang mga Kapuso dahil sa show namin, okayna yun."

Isa pang intriga, bali-balita noon na kay Anne Curtis unangin-offer ang Dyesebel ngunit hindi lang ito natuloy dahil hindi nakalipat siAnne sa GMA-7. Ano ang masasabi niya rito?

"Wala akong narinig," sabi ni Marian. "Alam n'yo, nangin-offer sa akin ang Dyesebel, may tinanungan din ako kung na offer na ba itosa ibang artista. Ang sagot sa akin, wala raw.

"Pero kung sakaling may una ngang na-offer-an ng Dyesebel attapos ibinigay sa akin, tatanggapin ko pa rin nang maluwag. Dyesebel ito, bakitko naman tatanggihan?"

Pinaalaala naming noong kalagitnaan pa lang ng Marimar, whenwe asked her kung ano ang gusto niyang maging next project, ang lumilipad(Darna) or ang lumalangoy (Dyesebel), noon pa lang, Dyesebel na ang piniliniya.

"Ah talaga? Kung gayon, pinagpala pa rin ako ni Lord,"sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN