Carlene Aguilar confirms chance meeting with Dennis Trillo and Cristine Reyes

"Okey lang naman. At least, nakita ko na inuuna niDennis si Calix above everything or anything else. And okey na yun sa akin. Kasi mas importantesa akin na binibigyan niya ng importansiya yung baby namin," says Carlene Aguilar about seeing Dennis Trillo and Cristine Reyes (insets) together.



Nagsalita na angdating beauty queen na si Carlene Aguilar tungkol sa isyung balikan atpang-iisnab sa kanya nina Dennis Trillo at Cristine Reyes.

Noong April 13 saThe Buzz ay inamin ni Cristine ang panonood nila ng sine ni Dennis kasunodang hindi inaasahang pagtatagpo nila ni Carlene sa Shangri-La Edsa Mall. Earlier that day aynanggaling si Dennis sa bahay ni Carlene upang dalawin ang anak nila na siCalix Andreas. Pagkatapos ay pumunta sa isang mall ang dating beauty queenkasama ang kanyang ina. Dito niya nakita si Dennis kasama si Cristine nakatatapos lamang manood ng sine.

Para raw nakakita ng multo ang dalawa kayahindi nito nagawang pansinin si Carlene at ina nito.

"Kasi nabiglatalaga kami. Hindi namin talaga alam ang gagawin namin. Ayun, hindi ko talagaalam, as in na-stunned ako. Wow! Hindi ko alam. Nakakagulat pala yun," pahayagni Cristine sa The Buzz.

Last Sunday, April20, si Carlene naman ang nagbigay ng kanyang pahayag sa The Buzz.

"Actually, yung pagkatinginko, medyo magkalayo sila ng konti. ‘Tapos hindi ko na tiningnan kasi nakita kona sila together. So dedma," umpisang kuwento ni Carlene.

Pinatotohanan namanni Carlene ang balita na galing sa bahay nila si Dennis at dinalaw si Calix.

"So, sabi ko [kayDennis], ‘O, sa'n ka na punta?' Tapos parang sabi niya, parang may pupuntahansiyang sponsor or something. May meeting sila with Popoy [Caritativo, Dennis'smanager]."

Pero it turned out,hindi pala si Popoy ang kasama ni Dennis kundi si Cristine.

"Sa totoo lang, okaylang na nakita ko sila together," sabi ni Carlene.

Iginiit ng datingBb. Pilipinas-World na walang kaplastikan ‘yon.

"Hindi, promise,"diin niya. "Kasi wala, e. Okey lang naman. At least, nakita ko na inuuna niDennis si Calix above everything or anything else. And okey na yun sa akin. Kasi mas importantesa akin na binibigyan niya ng importansiya yung baby namin."

Okay na raw siCarlene na magkaroon ng karelasyon si Dennis whether it is Cristine or ibangbabae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sino pangbabae yun. Basta mag-ingat lang siya," ani Carlene.

Wala na raw siyangemosyon ngayon na nagsasabi sa kanya na magbalikan ulit sila ni Dennis.

"Hindi ko talagamaisip ngayon ‘yon at di ko ma-feel."

Naikuwento naman niKris Aquino habang ini-interview niya si Carlene sa The Buzz na nakausap niyaang manager ni Dennis na si Popoy. Ayon kay Popoy, dumiretso sabahay nila Carlene si Dennis pagdating nito mula sa Europe para ihatid angpasalubong sa kanyang mag-ina.

"Yeah, dumalaw siyatapos binigyan niya ako ng mga chocolates. Kasi alam niya mahilig ako sachocolates," kumpirma ni Carlene.

Itinanggi naman niCarlene na may boyfriend na siya kaya madali na niyang matanggap ang situwasyonnila ni Dennis.

"Happy ako kasi yungbaby ko, nasa akin, e. So, happy na ako that way."

Pero inamin niya namerong lalaking nagpaparamdam sa kanya ngayon.

"Oo naman,ine-entertain ko naman. Para mas masaya ang life, di ba?" paliwanag niya.

Ano ang wish niyafor Dennis?

"Basta ang wish kokay Dennis, maging good example lang siya to our son and be responsible enough,"mensahe ni Carlene.

Sumingit si Kris atsinabing, "He has been naman."

"Yes, continue to beresponsible," dagdag ni Carlene. "Tapos kay Cristine, just be true to yourself.Yun lang ang masasabi ko sa kanya.

"And kay Dennis and Cristine? Ingat,"makahulugang mensahe ni Carlene sa dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN