Luis Manzano torn between Angel Locsin and KC Concepcion?

"Never ko na-feel yung selos or insecurity on her part.Never! And I highly doubt na she would ever feel that way. She's very secure sakung anuman ang namamagitan sa amin," says Luis Manzano (middle) about Angel Locsin (left) in the aftermath of a report saying that he was caught dating KC Concepcion (right).



Obvious sa back-to-back birthday celebration nina AngelLocsin at Luis Manzano sa ASAP ‘08 last Sunday, April 20, na may relasyongnamamagitan sa kanila. Pero kamakailan ay may nakakita diumano kay Luis saisang restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN na kasama si KC Concepcion.

Ayon pa sa balita, sweet na sweet daw ang dalawa atmagka-akbay pa habang palabas ng restaurant. Nalito tuloy ang mga nakakita kinaLuis at KC dahil nali-link din si Luis kay Angel. Lumabastuloy na pinagsasabay daw ni Luis sina KC at Angel.

Paliwanag ni Luis sa The Buzz last Sunday, April 20, "She[KC] was having dinner with someone. Dumaan ako to say hi. 'Tapos hinatid ko siya salabas. Nung time na yun, medyo makitid yung daan, so I was making sure na okey yunglakad niya. Hindi naman ako nakasakal sa kanya. I walked her to her car. Ofcourse, being a man, ‘pag alam mong tatawid yung babae, you carry her stuff."

Kinunan din ng The Buzz ng reaksiyon si Angel sa nabalitang dinner at pag-aakbayan nina Luis at KC.

"Wala," sagot ni Angel. "Dapat ba akong mag-react doon, di ba?Ano ba ‘yon? Magkaibigan talaga sila. Kung anuman yung sa amin, personal yun. Balaton'yo na lang sa amin."

Dahil dito, parang inamin na rin ni Angel na may namamagitannga sa kanila ni Luis.

Hindi naman makunan ng pahayag si Luis dahil kasalukuyangnasa loob siya ng Pinoy Big Brother house kasama ang teen housemates. Pero sa huling VTR ng The Buzz kay Luis, ibinahagi niya ang damdaminni Angel sa isyu sa kanila ni KC.

"Never ko na-feel yung selos or insecurity on her part.Never! And I highly doubt na she would ever feel that way. She's very secure sakung anuman ang namamagitan sa amin," pahayag ni Luis.

Kasunod nito ay nagpadala ng text message si KC sa kaibiganniya at host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez giving her side of the story. Napanood kasi ni KC ang naturang segment kaya nagbigay agad siya ng kanyang reaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ni KC, they're friends and they're like brother andsister. They've known each other since they were babies," sabi ni Ruffa tungkol satext message sa kanya ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN