Joyce Bernal talks about difficult underwater scenes in "Dyesebel"

"Actually, nangangapa. Hindi ko alamang flavor ng telefantasya. Hindi ko alam ang gusto ng tao for telefantasya. Asin zero! E, diyan sila [GMA-7] magaling, di ba?" says director Joyce Bernal about directing Dyesebel, which stars Dingdong Dantes and Marian Rivera (inset).



Inamin ni direktor Joyce Bernal sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na halosdalawang linggo pa lang ang naite-tape nila para sa pinakabagong fantaserye ngGMA-7, ang Dyesebel, gayung sa April 28 na ang premiere nito. Pero nilinaw niDirek Joyce na hindi nila minadali ang pag-eere ng naturang fantaserye napinagbibidahan muli nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Naka-sked na talaga siya. Actually, in-extend pa nga ‘yan[date of airing]. Ang ano ko nga lang noon, sana after ng Marimar, gusto komunang magpahinga. So, humingi ako ng dalawang linggo, pero siyempre hindinapagbigyan.

"Hindi siya naibigay kasi parang, tanga ko naman... Parangura-urada, papasok ang effects. E, hindi ako nagte-telefantasya, kaya totallyblangko ako. Kaya ako na ang nagsabi sa kanila [management], " paliwanag niDirek Joyce sa grand launch ng Dyesebel last night, April 21, sa poolside ng Sofitel Hotel.

Kung si Direk Joyce ang tatanungin, ayaw niyangmag-expect in terms of rating para sa Dyesebel. Pero hindi niyamaiiwasan na magkaroon ng mataas na expectation ang iba after ng success ngMarimar, na siya rin ang nagdirek.

"Ako, wala," sabi niya. "Pero siyempre, mataas angexpectation nila. Pero ano ba naman yung lumapit man lang. Kung pumantay,sobrang happy na! Ewan ko...I can never can tell," biro pa niya.

Sa first few weeks ng Dyesebel, definitely ay mapapanoodng mga manonood ang usual na napapanood nila sa Dyesebel movies. Katuwiran niDirek Joyce, binili ang rights nito kaya may mga situation na hindi puwedengbasta baguhin lang. Pero aniya, may mga changes na magaganap, na sa second weekpa lang ay mapapansin na.

DIRECTING FANTASY. Hindi naman itinanggi ni Direk Joyce na mas hirap siya sa fantaserye.

"Oo, actually, nangangapa," pag-amin niya. "Hindi ko alamang flavor ng telefantasya. Hindi ko alam ang gusto ng tao for telefantasya. Asin zero! E, diyan sila [GMA-7] magaling, di ba? Baka mamaya..."

Isa pang nagpahirap kay Direk Joyce ay ang underwater scenesng Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap, sobra! Kasi nature ang kalaban mo pala. Kalabanmo yung wind, kalaban mo yung undercurrent, kalaban mo yung temperature ngwater. ‘Tapos kalaban mo yung salt, kapag umangat ka, mauubusan ka ngpotassium, mawawala pa ‘yon. So pagdating ng after lunch, talagang pagod napagod na yung mga artista," lahad niya.

Dalawang linggong nag-taping si Direk Joyce kasama sinaMarian at Dingdong sa Coron, Palawan. Naikuwento ng direktor sa PEP ang mgahirap na dinanas ni Marian sa kanyang underwater scenes.

"Actually, sa sobrang hirap, first day ng underwater niMarian, sabi niya, ‘Direk, kailan ba ako magkaka-paa?' Sabi ko nga, ‘Dyesebelka nga, di ba?' Tapos after one week namin sa Coron, sabi ko, ‘Kailan ba siya [Marian] magkaka-paa?'" nakakatuwang kuwento ni Direk Joyce.

Patuloy niya, "Mahirap. E. For one sequence, like the opening, you havelive underwater. Ibig sabihin kailangan mo siyang kunan na may background ka ngcorals, talagang ilalim ng dagat. You have pool, para meron kang beautifulshots. And then 'yong pang-effects. So tatlo in one sequence. Hindi siya biro, asin."

Kuwento pa ni Direk Joyce, after ng shoot nila sa Palawan,na-realize niyang dapat ay tipong hot spring ang location ng taping nila.

"Kailangan pala talaga sa ganitong weather, mainit angtubig," ani Direk Joyce. "Kasi kapag gininaw na ang artista mo, kahit anonginstruction ang ibigay ko, wala na. Hindi na pumasok. Naka-ganito na lang silaMarian [sabay demonstrate na tipong nanginginig na sa ginaw]. Pakiramdam kotuloy ang sama-sama kong direktor, kapag tipong, ‘Ano ka ba?'"

"TARANTADA" DYESEBEL. Unang natunghayan ang team-up nina Dingdong at Marian sahighly-successful na Marimar. Pero ayon kay Direk Joyce, malaki raw angkaibahan ng Dyesebel ngayon sa ginampanang character ng dalawa sa Marimar.

"Well, situation-wise, love story-wise, romantic-comedy kasiito, e. Hindi siya kasing serious ng Marimar. Even yung situation nila, kapagnagka-paa na, yun ang bago," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa naman ang lady director nang ipa-describe sa kanyasi Marian as Dyesebel.

"Ah, tarantanda itong Dyesebel na ito. Ano siya, e...siya mismo, pareho! Si Marian at si Dyesebel, nag-swak. Mas pilya talaga.Actually, mas malapit talaga si Marian kay Dyesebel than Marimar. Playful,sobrang...tarantada is my term ha."

What about Dingdong as Fredo compared to his previous rolena Sergio?

"Darker side ni Sergio. Dark! Medyo suplado. Hindi masama,pero dark. Pero malayo ang character ni Fredo sa totoong Dingdong. Lalahatin kona ang lahat ng artista, pero sobrang bait ni Dingdong," sagot ni Direk Joyce.

As a director, ayaw ring magsalita pa ni Direk Joyce kungtulad sa Marimar, magiging pareho pa rin ba ang pagtanggap ng manonood sateam-up ng dalawang bida niya ngayon sa Dyesebel.

"Hindi ko alam, e," aniya. "Kasi siyempre, coming fromMarimar na wala kang expectation ‘tapos tumaas... Ngayon, may expectation ka, sohindi ko lang alam kung ano ba ‘to? Mapapantayan ba namin or male-let down ba kami? Hindi ko alam, e."

Pero aminado ang direktor na may pressure talaga namapantayan o higitan ang tagumpay ng Marimar.

MARINA VS. DYESEBEL. Naitanong din ng PEP kay Direk Joyce kung ano ang reactionniya sa pagre-replay ng ABS-CBN isa sa dating serye nito na may temangala-Dyesebel din, ang Marina ni Claudine Barretto.

"E, talagang ganyan yung network, di ba? Pero ano ba...para mo na rin itinanong saakin, kumusta naman ang Marinara [spoof ng Marina], di ba? Parang nakalimutan na natin ‘yun?Talagang ganyan ang buhay!" natatawa niyang sabi.

AT HOME IN KAPUSO. Sobrang enjoy raw siya sa pakikipagtrabaho sa Kapusonetwork.

"Sobrang enjoy ako...sobra! Hindi ako yung parang kung meronsilang io-offer agad sa akin, hindi ako yung mag-iisip ng ‘Puwede po bangpag-usapan muna natin ng matagal? Ano po bang project ‘yan?'"

Posible bang tuluy-tuloy na nga ang pagiging Kapuso niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana, pero per project pa rin ang contract ko," sagot niya.

Sa movies, naka-kontrata siya sa Star Cinema for twomore pictures and she will be doing one movie in June.

Bukod kay Direk Joyce, direktor din ng Dyesebel si DonMichael Perez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN