Paolo Ballesteros bonds with his ailing father in New York

"Noong nandoon akosa New York, marami kaming pinag-usapan. Nag-catch up kami on so many things.Masasabi ko nga na naging close kami ulit ng daddy ko after such a long time.Masarap ang feeling," narrates Paolo Ballesteros about visiting his ailing father.



Nasa mabuting lagayna raw ang ama ni Paolo Ballesteros na nagkaroon ng malubhang sakit noong isangtaon. Last February ay lumipad si Paolo patungong New York City para mabisitaang kanyang ama na naka-confine sa isang hospital doon.

Sa press launch ngDyesebel kagabi, April 21, ikinuwento ni Paolo ang bonding moments nilang kanyang ama.

"Noong pagdating ko doon, dumiretso kaagad ako sa hospital at kinumusta ko kaagad siya. Doon palang, parang sumigla na siya at nagkuwentuhan na kami kaagad. Ilang days pa ayinalis na siya sa ICU [Intensive Care Unit] at nasa regular na kuwarto na siya.Noong maayos na lahat sa kanya at wala na masyadong problema with his breathingand his blood pressure, inuwi na namin siya sa bahay at doon na siyanagpagaling."

Sabi ni Paolo, angpagpunta niya ng New York para makita ang ama ay isa sa pinakamasayangmoments ng buhay niya. Matagal na raw niyang hindi nakikita ang kanyang amasince nahiwalay ito sa kanyang ina. Sa U.S. na raw ito nanirahan with anotherfamily, pero may communication naman daw sila parati.

"Before, hanggang satelepono lang kami nagkakausap ni Daddy. Hindi ko siya nakikita talaga. Peronoong magkasakit nga siya, kailangan ko na siyang makita. Naging daan nga ‘yonpara mawala na rin ang mga naging sama ng loob ko sa kanya.

"Noong nandoon akosa New York, marami kaming pinag-usapan. Nag-catch up kami on so many things.Masasabi ko nga na naging close kami ulit ng daddy ko after such a long time.Masarap ang feeling," ngiti ni Paolo.

Noong kailangan nanga raw umuwi ni Paolo sa Pilipinas dahil magsisimula na siyang mag-taping forDyesebel, ayaw pa raw siyang pauwiin ng kanyang ama. Umiyak pa nga raw itonoong sinabing babalik na siya sa Pilipinas.

"Noong magpaalamako, kasi nga kailangan ko nang bumalik dito para magtrabaho, parang ayaw paakong pauwiin ni Daddy. Parang naiiyak pa siya noong magpaalam ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko naman namay commitment ako dito sa atin at nag-promise naman ako na babalik ako kapagnakaipon na ulit ako. Nandoon naman ang kapatid ko to take care of him. Sinabiko na lang na magpagaling pa siya para siya naman ang bumisita sa akin dito saPilipinas," lahad ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN