Michelle Madrigal enjoys her dream role as mermaid and princess in "Dyesebel"

"Wala. I wish I have. Nagbibiruan nga kami sa Dyesebel,mata-topless pala kami, sana nakapagpa-enhance kami ng boobs, ha-ha-ha! No, butseriously, wala naman akong retoke. Kung meron man gusto ko sana itong tiyanko. Ang laki kasi," says Michelle Madrigal when asked if she had any part ofher body "surgically enhanced."



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siMichelle Madrigal sa presscon ng Dyesebel ng GMA-7. Agad namingitinanong sa kanya kung ano na ba ang nangyari matapos ng pagbubuko niya sa"Don Lie To Me" portion ng Showbiz Central na nanligaw nga si Janno Gibbs sakanyang ate na si Ehra Madrigal.

"Wow! Can we talk about Dyesebel first?" magalang napakiusap ni Michelle na tila nagulantang sa biglaang pagtatanong sa kanya ngaftermath ng pagbubuko niyang iyon sa naturang showbiz talk show.

PLAYING MEANIE MERMAID. Pinaunlakan naman ng PEP angkanyang pakiusap at tinanong na muna ang kahalagahan ng role niya sa TVadaptation ng Mars Ravelo classic na Dyesebel.

"I play contravida to Marian [Rivera] sa tubig. Ako siBerbola, ang magpapahirap ng buhay niya sa tubig. Kasi ako ang prinsesa, akoang anak ni Dyangga. Kasi magkakaroon kami ng conflict ni Dyesebel kasi parehokaming magkakagusto kay Fredo. At gagawin ko ang lahat para makuha ko si Fredo.

Example ng klase ng pagpapahirap niya kay Dyesebel?

"Inaapi ko si Dyesebel, kasi prinsesa nga ako at ginagawa kosiyang utusan, tagasunod. Siya yung taga-kintab ng kaliskis ko. Naiinggit kasiako sa kanya, kasi mas makintab ang kaliskis niya. So siya yung taga-kintab ngkaliskis ko," simulang kuwento ni Michelle about her role.

Magkakaroon ba sila ng fight scene ni Dyesebel, likesabunutan sa ilalim ng dagat?

"Hindi ko pa alam. Pero kung magkakaroon, siguro paranghampasan kami ng buntot. ‘Di ba, kasi mga sirena kami?"

Ani Michelle, grabe raw ang ginawang preparation nila parasa Dyesebel. Kinailangan nilang mag-training ng paglangoy na suot angmga buntot nilang gawa sa silicon. Ayon sa co-star ni Michelle na si AlfredVargas, "dolphin kick" daw ang tipo ng paglangoy na itinuro sa kanila.

"Apat..? Limang beses kaming nag-train para sa swimming andacting workshop. Sobrang pagod, sobrang hirap. Sa umpisa masakit sa katawan.Pero katagalan..." Sobrang sarap nga raw ang matulog after ng training nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NIPPLE TAPE. Dahil sirena nga sila nina Marian at ibapang kasamang babae sa cast, like Mylene Dizon and Lotlot de Leon, kailangannilang mag-topless sa mga eksena.

"Lahat talaga kami naka-topless. May nipple tape siyempre.Siyempre hindi naman kami pababayaan ng mga directors namin. E, halos lahat ngkatrabaho namin doon, yung crew mga lalaki. Hindi kami pinababayaan ni DirekJoyce [Bernal]. May cover naman talaga at siyempre, mahaba ang hair extensionsnamin."

Pero pasaway raw ang mga hair extensions sa sandalinglumalangoy na sila underwater.

"Gumagalaw siyang talaga. Nakikita na. Pero may nipple tapenaman. Medyo masakit ‘pag inaalis na. Kailangan pang gamitan ng oil, ganyan,pero ‘di bale nang masaktan. Safe naman."

Gandang-ganda sa role niya si Michelle at panay nga angsabing nagpapasalamat siya't nakasama siya sa project na ito ng GMA.

"Ay, sobra-sobra. Sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko.Kasi hindi birong project ito. Dyesebel ito. I am so honored na nagingpart ako ng ganitong kalaking project. I am so thankful sa GMA at sa managerkong si Annabelle Rama."

PASAWAY FOREVER. Speaking of Annabelle Rama, naglatagba ng kanyang ground rules ang matapang na ina ni Ruffa Gutierrez as conditionsin handling Michelle who has been tagged as one "pasaway" star?

"Wala naman. Pero palagay ko, hindi naman ako kukunin ni AnnabelleRama, isang Annabelle Rama, kung wala siyang nakita sa akin. At saka, yungsinasabing pasaway ako, ano ba yun? Five years na ako sa showbiz, once or twicepa lang naman ako nale-late sa set, tinawag na ‘kong pasaway. At ‘pag tinawagkang pasaway, nakatatak na sa iyo yun, forever."

Grateful daw talaga siya na sa kabila ng gano'ng image nanaitatak na sa kanya, hindi siya pinapabayaan ni Annabelle bilang kanyangmanager.

"Ang daming raket. Like I have Kamandag and now, Ihave Dyesebel. I love na meron akong raket."

But how about ang kanyang love life?

"Sabi na nga, itatanong ‘yan, e. Alam nyo, mas okey pangganito ako, as in zero balance ang love life ko. Kasi tingnan n'yo nung maydyowa pa ako, wala akong project. So, buti na ‘tong ganito na walang dyowa,pero may projects naman. Saka dream ko talaga ‘tong role na ‘to, e. Actually,dalawang dreams ko ang natupad sa role ko sa Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ‘di ba nung mga bata tayo, gusto nating magingmermaid, maging prinsesa. E, ako yun ang dream ko maging mermaid o prinsesa.‘Eto na, natupad pareho, mermaid na ‘ko, prinsesa pa."

MICHELLE'S OWN OPINION. Matapos na pag-usapan naminnang husto ang role niya sa Dyesebel, balik kami sa unang topic namin: ang aftermath ng pambubuko niya sa panliligaw ni Janno Gibbs sa kanyangAte Ehra. Meron nga bang aftermath?

"Nothing. I mean, when they asked me dun sa ‘Don't Lie ToMe' if I think Janno was courting my sister, I said yes, I thought he wascourting my sister. He was calling my sister before, but this was before pa,long, long time ago. Lupin days pa. E kasama niya rin kasi dun. So,siguro nga naging close sila dun. E, ako minsan kasama ko si Ehra, ‘tapostumatawag [si Janno]. So, ako opinion ko ‘yun. Sariling opinion ko.

"But ipinaliwanag naman ni Ehra rin doon na she wasn'tassuming na Janno was courting her, kasi nga, magkasama naman sila sa show. Andfor me, kung nanliligaw ang lalaki, dapat sa lalaki manggaling na he's courtingher and not from the girl. So si Ehra was like that, she didn't want to assume.Actually, natawa pa nga ako sa explanation niya roon, pero, sinabi niya, hindinaman [nanliligaw]. So hindi."

"At saka sabi nila ganoon lang daw si Janno. Malambing, palatawag sa mga kasama sa show, sa mga babae. So, sige. Ganun lang siya, sabi nila."

Hindi lang daw kasi gusto rin ni Michelle, kung sakaling nanliligaw nga si Janno sa kapatid niya.

"Kasi si Ate Bing [Loyzaga, Janno's wife], friend namin yun, e. 'Tsaka si Alyssa barkada ko yung anak niya. It doesn't look nice na kaibigan ko yung anak mo, tapos friends kami with your wife, 'tapos liligawan mo ang kapatid ko...parang hindi maganda."

GETTING "WORK" DONE. Another question na ni-raise ngPEP ay paano kaya kung kay Michelle itinanong kung may pinaretoke siya sakatawan, ano ang isasagot niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala. I wish I have. Nagbibiruan nga kami sa Dyesebel,mata-topless pala kami sana nakapagpa-enhance kami ng boobs, ha-ha-ha! No, butseriously, wala naman akong retoke. Kung meron man gusto ko sana itong tiyanko. Ang laki kasi."

Hindi ba makukuha ng workout?

"I hardly work out at all. Noon, nagwo-workout ako, perongayon?" napailing na lang habang natatawa si Michelle. "Ang sarap kasingkumain."

Tila kasi lagi na lang standard question sa mga may sexyimage ang tanong kung may ipinaretoke sa katawan ang nagpapa-sexy. Kaya nga rawsiya, kung makulit pa rin ang nagtatanong, gagawin na lang niya yung madalassabihin ng ate niya.

"Sige na nga, may ipinaretoke na ako. Kahit wala. Sige,kahit hawakan nyo pa," at natawa pa pagkatapos si Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN