Desiree del Valle opens up about relationship with Vhong Navarro

"Basta ako, mahal ko siya, I love everything about him. Ibelieve ganoon din siya sa akin. So Idon't want to put a time frame. I don't want tell him na 'O, kailangan in twoyears or in three years, kailangang pakasalan mo ako.' Hindi ganoon, e, di ba?It can never be like that. Basta I respect him, he respects me," says Desiree del Valle about being in love with boyfriend Vhong Navarro (inset).



Hindi na idinidenay ng aktres na si Desiree del Valle angrelasyon nila ng dancer-comedian na si Vhong Navarro.

"It's really been good. We're both very happy. Werespect each other's work. His family is very close to me already," saad niDesiree sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 22,sa second presscon ng When Love Begins ng Star Cinema. Ang naturang pelikula aypinagbibidahan nina Aga Muhlach at Anne Curtis.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may dalawa nanganak si Vhong; ang isa ay sa estranged wife niyang si Bianca Lapus at ang isanaman ay mula sa isang non-show ex-girlfriend niya. Close ba si Desiree sadalawang anak ni Vhong?

"Yes, both of them," sagot ng aktres. "Everyweekend, they're with him. When I have the time, I get to spend time withthem as well."

"Tita Des" daw ang tawag kay Desiree ng dalawang anak niVhong.

Okey lang kay Desiree kahit matatagalan pa ang resulta ngannulment case ni Vhong at ni Bianca.

"First of all, I went into this relationship with himna alam ko, di ba?" paglilinaw niya. "I know what I'm getting myself into. I don't want to think of it as hopefully we get married, you know. Idon't want have that kind of concept.

"Basta ako, mahal ko siya, I love everything about him. Ibelieve ganoon din siya sa akin. So Idon't want to put a time frame. I don't want tell him na 'O, kailangan in twoyears or in three years, kailangang pakasalan mo ako.' Hindi ganoon, e, di ba?It can never be like that. Basta I respect him, he respects me."

Anong traits ni Vhong ang nakita niya kaya minahal niya angdancer-comedian?

"He makes me laugh," sambit niya. "Saka mabait potalaga siya, you know. I think everybody can attest to that. He's really agreat guy. He's a good father. He's a good son. He's a great persontalaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang nagli-live in na sila ni Vhong?

"Hindi po" mabilis niyang sagot. "We liveseparately. But of course, di ba, when there's time to see each other... I mean,di ba, he's very busy? So that's when we see each other, we give time for that.Kaya every time na nagkikita kami, alam ninyo yun, excited lagi. And we updateeach other what's happening."

Kung napapatawa ni Vhong si Desiree, may mga times kaya nanapapaiyak din siya ni Vhong?

"Meron. Nung napanood ko yung MMK [Maalaala Mo Kaya]niya. Saka yung mga crying scenes niya sa Lastikman. Yung may eksena rin saSupahpapalicious, yung mga ganyan," banggit niya.

So never pa talaga siyang pinaiyak ni Vhong sa totoongbuhay?

"Walapa talaga," sabi niya. "I don't know, people may find it weird that we don't fight. Kasikami, we talk about it all the time. If there's something that, you know, alittle bit of parang konting inis lang, we talk about it, e. We don't hide itand keep it. Laging 'Oy, alam mo kanina?' Yung ganun. And it comes naturally saaming dalawa, which I like, I really like. Kasi I hate fight in a relationship.I mean, di ba, who doesn't? Nakakainis kasi yung ganun, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN