Jean Garcia plays a good character in "Dyesebel" for a change

"Naku, effort itopara sa akin, yung gumanap na mabait! Kasi naman, ang last na drama show ko was LaVendetta, kung saan salbahe ako na nagmulto-multuhan pa, di ba? So maiiba namanako dito sa Dyesebel. Kumbaga, for a change naman, di ba?" says Jean Garcia about playing a non-contravida role.



Pagkatapos ng sunud-sunod na contravida roles, isang mabait na role naman ang gagampanan niJean Garcia sa pinakabagong fantaserye ng GMA-7, ang Dyesebel. Siya si Lucia,ang tunay na ina ni Dyesebel na gagampanan naman ni Marian Rivera.

Ayon sa aktres,maninibago ang marami sa kanya dahil hindi pangkaraniwang Jean Garcia angmapapanood nila sa Dyesebel.

"Naku, effort itopara sa akin, yung gumanap na mabait!" tawa ni Jean. "Kasi naman, ang last na drama show ko was LaVendetta, kung saan salbahe ako na nagmulto-multuhan pa, di ba? So maiiba namanako dito sa Dyesebel. Kumbaga, for a change naman, di ba? Para may varietysilang mapapanood sa akin.

"Pero who knows,baka biglang magkaroon ng twist ang character ko? Hindi natin alam ang mgapuwedeng mangyari sa isang show, di ba? Kaya abangan nila ang kuwento niDyesebel dahil sobra naming pinaghirapan ito."

Nagkasugat-sugat ngaraw si Jean sa mga unang tapings niya. May big scene daw siya na tumalonsiya sa gitna ng dagat dahil inatake ng higanteng pugita ang bangkangsinasakyan niya.

Kuwento ng aktres,"Nakakaloka ang eksenang ‘yon kasi pinatalon nila ako sa dagat without knowingkung gaano kalalim yung tatalunan ko. Mabuti na lang at marunong akong lumangoyat may mga stunt divers at lifeguards sila sa paligid, or else, di ko gagawinyung scene na ‘yon.

"Tapos may kinunandin kaming scenes sa mababang part naman ng beach. E, matatalim pala ang mgabato doon kaya nasugatan ang talampakan ko. As in, duguan ako kasi nagkaroon nghiwa. Kaya all throughout the shoot, hapding-hapdi ako sa sugat because maramikaming kinunan na eksena. Tapos ginagamot na lang ako kapag hindi ako kukunan.Pero it was all worth it kasi sobrangang ganda ng mga scenes namin sa Dyesebel. Para siyang pelikula na sa sobrangbongga ng mga scenes."

JENNICA & MART. Kinumusta rin naminkay Jean ang kanyang anak na si Jennica Garcia. Balita kasing open na angrelasyon nito sa ka-loveteam niyang si Mart Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, sila na ba?"tawa ni Jean. "Naku, ayokong mag-comment at baka magalit pa sa akin ang anakko. Ang alam ko lang ay magkasama silang dalawa sa Kim Sam Soon. Sa sobrangngarag ko rito sa Dyesebel, hindi na kami nakakapagkuwentuhan ng anak ko.

"Siguro kung gustoninyong malaman, si Jennica na lang ang tanungin n'yo. I don't want it to comefrom me at baka hindi pa tama ang maisagot ko sa inyo. Basta nakikita ko namanna happy sila with each other. Kung ano ang kasiyahan ng anak ko, kasiyahan kona rin," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN