Aga Muhlach says kissing and love scenes are not the selling point of "When Love Begins"

"Parang may nabasa ako na tipong ‘yung laplapan nila.' I mean, the movie is very beautiful, yun ang selling point and not the, you know, kissing scenes, love scene..." says Aga Muhlach about his movie with Anne Curtis, When Love Begins.



Halatang happily married ang bida ng When Love Begins na si Aga Muhlach. Kaya naman natawa na lang ang aktor when asked during the second press conference of the said Star Cinema movie yesterday, April 22, kung hindi niya pinagsisisihan na kung hindi pa sana siya kasal, he could have been with his leading lady Anne Curtis or mas bata pa siguro ang napangasawa niya.

Nagkaroon ng ganitong anggulo ng tanong dahil sa mga papuri na rin na ibinigay ni Aga sa kanyang sexy and pretty leading lady.

"Wala namang sisi yun!" tawa ni Aga. "Wala, wala, wala! Walang ganoon. Unang-una sa movie, we're not gonna play around with people like there's something between us. Anne and I, we became friends while doing this film. At yung sinasabi kong moments namin, it was nice, you know, ramdamin mo ‘yung eksena. I mean, we are girlfriend-boyfriend in the movie. We're lovers here. So, yun ang mga moments na masarap. Masarap gawin. Happy naman.

"But you know, we cannot say like gagawa kami ng gimmick. I did a movie with Angelica Panganiban, with Maricel Soriano, there's a love angle there, with Kristine Hermosa before. With Claudine Barretto and, you know, it all worked."

CHARLENE UNDERSTANDS. Naitanong din kay Aga kung bilang mag-asawa, napag-uusapan din ba nila ni Charlene Gonzalez ang mga kissing scenes or love scenes na ginagawa niya sa bawat movie niya, tulad ngayon with Anne sa When Love Begins.

"Alam n'yo, it doesn't matter sa kanya. Hindi kasi siya selosa. She watched all my premieres and she's always with me. At yung mga ginawa kong eksena before, mas grabe pa talaga," sagot ni Aga.

Even after they watched his movies, hindi rin daw nariringgan ni Aga ng kahit anong reaction ang asawa. "Wala...wala talaga. When it comes to my work, wala, hindi siya yung nakikialam talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KISSING & LOVE SCENES. Madalas mapag-usapan ang mga kissing scenes nila ni Anne sa movie. At hindi na rin itinanggi ni Aga na medyo nahirapan sila sa unang kissing scene nila ni Anne. Kasama na rin daw kasi rito ang medyo pagkailang pa sa part ng kanyang leading lady.

Mabuti nga raw na huling kinuhanan ang love scene nila just a few days ago. But when Aga was asked kung kumusta ang shooting ng kanilang love scene, naging maagap ito sa pagsagot. Aniya, "Alam n'yo, the kissing scene, the love scene, that's not the selling point of this movie."

Natatawa na lang nitong isinunod, "Parang may nabasa ako na tipong yung laplapan nila.' I mean, the movie is very beautiful, yun ang selling point and not the, you know, kissing scenes, love scene..."

Magkaganunman, itinanong pa rin ng PEP kay Aga kung ano ang kaibahan ng love scene nila ni Anne compared sa previous movies niya.

"It's very light lang. Sa buong movie, marami lang time na we we're kissing. I mean, it's a normal boyfriend-girlfriend, like you kiss all the time when we see each other. Like we kiss on the beach, we kiss here...the living room, bedroom," kuwento niya.

PLAYDATE ISSUE. Hiningi na rin ang reaction ni Aga tungkol sa isyu ng pagkakasabay ng playdate ng playdate ng pelikula nilang When Love Begins sa pelikula ni Judy Ann Santos na Ploning.

"Hindi ko talaga naiisip yun hanggang kanina lang na binanggit nga," sabi ni Aga. "As a matter of fact, I was able to talk to Ryan Agoncillo [Judy Ann's boyfriend]. Sabi ko nga, it is beyond our culture. ‘Tapos ang playdate, April 30, yun talaga ang playdate na ibinigay sa amin talaga noong December pa, I think, or November.

"And then, I found out nga recently na April 30 din sila [Ploning]. Sa akin, hindi ko iniisip na, ‘Uy, meron tayong competition, kalaban...' Ang sa akin lang, ‘Uy, magkasabay.' Ang sa akin, parang iniisip ko lang na sayang din siguro. Siyempre, magkasabay, so mababawasan talaga [ang box-office return]. It could have been better sana kung hindi rin nagkasabay ang pelikula namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But like what Direk Joey [Reyes] said, Judy Ann is a good friend of mine and she knows that. So, really, we'll even watch her movie," pahayag ni Aga.

Naniniwala rin si Aga na bagama't nagkakaroon ng isyu dahil sa pagkakasabay ng pelikula nila ni Judy Ann, wala raw siyang nakikitang rason para maupo at pag-usapan pa nila ito since mga artista lang sila sa pelikula at hindi sila ang producers.

Ano naman ang reaksiyon niya na dahil sa pangyayari ay nakakaramdam ng tampo si Juday?

"Hindi ako puwedeng mag-comment sa mga comment lang. I cannot comment on her. She's a good friend at kung may dapat man pag-usapan, I think, kami na lang yung mag-uusap dun," pahayag ni Aga.





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN