FIRST READ ON PEP: Heart Evangelista to sign up with Kapuso network

Young actress Heart Evangelista is scheduled to sign a contract with the Kapuso network today, April 23. She has agreed to be the leading lady of Richard Gutierrez in Asero.



Nakatakdang pumirmangayong hapon, April 23, ng kontrata ang young actress na si Heart Evangelista sa GMA-7. SiHeart ang isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa susunod naproyekto ng young actor sa Kapuso network, ang Asero; ang isa pa'y si EhraMadrigal.

Matagal nangusap-usapan na may makakasama si Richard sa Asero na taga-ABS-CBN, ngunit hindipa ito mapangalanan hangga't hindi pa napaplantsa ang lahat. Ngayong nagkasundona ang GMA-7 at ang kampo ni Heart, tuluy-tuloy na ang paggawa ng project ngyoung actress sa Kapuso network.

Matatandaang umalisna sa poder ng Genesis si Heart last week, bagama't wala naman talaga silangpinirmahang kontrata ng boyfriend niyang si Jericho Rosales pagkatapos nilang tumiwalag sa Star Magic ng ABS-CBN. Ang ina ni Heart na si Mrs. Cecilia "Baby" Payawal-Ongpauco ang siyang tumatayong manager ngayon ng young actress. Ang ina rin ni Heart ang balitang nakipag-usap sa GMA-7 para sa Asero.

Mamayang alas-tres ng hapon ang presscon at announcement ng pagiging Kapuso ni Heart. Siguradong masasagot na ang tanong kung tuluy-tuloy na ang pagiging Kapuso niya o one-shot deal lamang ito.

Maaari na rin sigurong sagutin ni Heart ang katotohanan sa balitang break na sila ni Jericho. Bagama't itinanggi na ito ng dating manager ni Heart na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), may nakapagsabi sa amin na nasa cool-off period sina Heart at Jericho ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN