Director Joey Reyes sides with Judy Ann Santos in "tapatan" issue

"Ang sa akin lang, magkaroon lang naman sana ng konting respeto kayJudy Ann. Hindi ko masasabing ako ang pinaka-best friend ni Juday paramag-react ng ganito. Pero ang point na yung tao, nagpasok din naman 'yan ng limpak-limpakna pera sa Star Cinema at ABS-CBN, di ba? She deserves a more decent treatmentthan that," says Direk Joey Reyes about the simulataneous showing of Star Cinema's When Love Begins and Judy Ann Santos's Plon



Dumalo si Jose Javier Reyes sa ikalawang press conference ng pelikulang idinirek niyapara sa Star Cinema, ang Where Love Begins, kahapon, April 22, sa 9501restaurant ng ASB-CBN.

Sa kasagsagan ngpromo ng naturang pelikula na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Anne Curtis,nagkaroon ng intriga sa pagitan ng Star Cinema Productions at ni Judy AnnSantos, na bida at isa sa mga nag-produce ng pelikulang Ploning. Magkasabay naipalalabas ang When Love Begins at Ploning sa April 30.

Hindi naitago niDirek Joey sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkadismaya niya nang malamanniyang makakatapat ng pelikula nila ang pelikula ni Judy Ann. Ipinagtanggol ngdirektor ang aktres, na naidirek na niya sa Kasal, Kasali, Kasalo at sa sequelnitong Sakal, Sakali, Saklolo.

"Gusto ko langkasing iklaro ang point na hindi kalaban dapat ang turing namin sa isang pelikulangnagkataong makasasabay lang naman namin sa playdate," panimula ni DirekJoey. "Ang sa akin lang, magkaroon lang naman sana ng konting respeto kayJudy Ann. Hindi ko masasabing ako ang pinaka-best friend ni Juday paramag-react ng ganito. Pero ang point na yung tao, nagpasok din naman 'yan ng limpak-limpakna pera sa Star Cinema at ABS-CBN, di ba? She deserves a more decent treatmentthan that.

"Kung wala talagang magagawa sa pagsasabay ng playdate,kahit personally, kung gugustuhin ng Star Cinema, magagawa nila 'yan na umiwas.Ganoon na lang talaga yun. Pero gagawin ba nilang umatras o baguhin ang playdate? Yun ang malaking tanongdiyan. Which, obviously, hindi nilagagawin," prangkang pahayag ng direktor.

DAVID VS. GOLIATH. Nagmamadali si DirekJoey na makaalis sa presscon ng When Love Begins dahil hinihintay na siya saset ng pelikulang My Monster Mom, a co-production of GMA Films and Regal Entertainment, starring Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama. Nag-decidekaming sundan na lang ang direktor doon para kunin ang buong side ng iba paniyang kuwento tungkol sa playdate issue.

"Mahirap angposisyon ko, and you should know where I'm coming from," sabi ni DirekJoey nang maabutan namin sa location para sa pagpapatuloy ng aming usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Angsa akin kasi, kahit hindi ko pelikula ang Ploning, ang naiisip ko riyan ay yungmga taong involved sa production niyan. I'm very much aware that Juday hasshelled out her own money for it. Ryan [Agoncillo, Juday's boyfriend] issupporting her, and these two are only a few people I really love dearly inthis business.

"Kumbaga,maliit na produksiyon lang yun, na walang ilalaban doon sa pelikula namin.Higante ang kalaban nila. Pero ang tingin ko sa buong scenario, it's all butbusiness. May mga negosyante talagang ganyan, na sariling interests lang nilaang pinangangalagaan nila. And I don't say it's wrong, karapatan nila yun.

"Yun nga lang,hindi ganyan ang pananaw ko dahil nag-exist ako sa industriyang ito nanamuhunan din ako ng pakikisama sa maraming tao. Kung para sa iba, pera-peralang 'yan, then go on with what they believe.

"At kahit ngahindi Ploning ang naitapat sa amin, kahit anong Filipino film, dapat hindi na natinisipin na kakumpitensiya 'yan. Dapat, magsuportahan na lang sana, hindi yungparang naglalaglagan pa tayo," pahayag ni Direk Joey.

NETWORK WAR. Dumating kami sa setna talagang tensiyonado si Direk Joey at namamahinga sa isang sulok. Naghihintaysiya ng cue para sa mga artista niya that time na sina Richard Gutierrez atRhian Ramos. Pero nang simulan namin ang pakikipag-usap sa kanya ay himalang nag-perkup si Direk para magkuwento rin.

"There's toomuch divisiveness already in this country. Isa pa 'yang network war, nawawalana nga ang objectivity," saad niya.

"Sa mismongABS-CBN na lang, nakakagulat dahil mayroon ding mga pumipintas sa trailer palang ng When Love Begins. Hindi mo naman mapi-please ang lahat, pero obviouskung bakit nila ginagawa yun.

"May mga tao samismong network na loyal sila, and they don't care about the production na hindisila directly involved. As simple as that. Wala talaga yung genuinesuportahan," tahasang sabi ni Direk Joey.

Sa pananalita ngdirektor, halatang may mga kinaaayawan siya sa ABS-CBN. Pero ang natitirang commitmentna lang niya sa Kapamilya Network ay bilang bahagi ng creative team ng show ni Sharon Cuneta,at ang natitirang exclusivity niya ay sa Pinoy Dream Academy, na hindi rin siguradosi Direk Joey kung magpapatuloy pa ba o hindi na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can't say pathat GMA-7 is much better," pauna niya. "Pero sabi ko nga, business lang talaga'yan. At susubukan ko munang magtrabaho sa kanila para maiba. Gusto ko langmuna yung may free hand sa lahat ng gagawin ko, and I have always been like thatnaman.

"Wala ring rasonpara isara ko ang pinto sa ABS-CBN. Kasi sabi rin nga nila, trabaho rin lang 'yan,hangga't kailangan pa nila ako," pahabol ng award-winning director.

Ang latest nabalitang nasagap namin ay inalok ng Star Cinema si Direk Joey para pamahalaanang team-up movie sana ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano. Pero tinanggihan niya ito para sa mga nakaplano panggagawin at uumpisahan niya sa GMA Films at Regal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN