Angel Locsin happy and proud with her work in "Lobo"

"Hindi ako magpapaka-humble kasi tina-try ko talagaang best ko. So masasabi ko, happy talaga ako sa mga nangyayari," says Angel Locsin about Lobo.



Ilang buwan pagkatapos lumipat ni Angel sa ABS-CBN, maramiang nagsasabi na hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon. Sa pamamagitan dawkasi ng teleserye niyang Lobo ay napansin ang lalim ng kanyang pag-arte

"Thank you. Hindi ako magpapaka-humble kasi tina-try ko talagaang best ko. So masasabi ko, happy talaga ako sa mga nangyayari. Hindi komagagawa yun kung wala sila Direk Eric [Reyes] and Direk Cathy [Garcia-Molina]kasi naniniwala ako na kahit na anong galing ng isang artista, ‘pag pinabayaansiya ng direktor, ‘pag di magaling yung direktor, walang mangyayari talaga.

"Siyempre, kasama dun yung mga kasama ko sa Lobo, lalo na siPiolo [Pascual]. Ang galing-galing niyang umarte, ang bait-bait sa set. Hindi kamaiilang, hindi mabubuwisit, lahat nagkakaintindihan," masayang pahayag niAngel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Para kay Angel, maipagmamalaki niya ang ganda ng istorya ngLobo na matalino at malinis daw ang pagkakagawa. Hindi nga aprubado para sayoung actress ang pag-i-stretch nito para lang mapahaba kung magsa-suffer namanang quality ng istorya.

"Masaya ako sa tinatakbo ng story kasi yung istorya ng Lobo,matalino ang pagkakagawa ng team namin. Alam ko hanggang June-July kami, perotingnan natin. Ayaw naman naming mag-extend nang mag-extend kung papangit namanang story. Ang goal kasi namin, 20 years na, may kanya-kanya na kaming buhay,pero ‘pag na-mention ang Lobo, mapapangiti ka. Kasi mahal namin yung show atgusto namin ang ginagawa namin," pahayag ng young actress.

Sa kabila ng hindi pagkakaroon ng romantic involvement sapagitan nina Angel at Piolo ay nabuo ang isang pagkakaibigan. Sa pag-amin ngaktor na may bago siyang inspirasyon na nakilala niya sa Victory Fellowship,agad naming hiningan ng reaksiyon dito si Angel.

"May alam ako, pero wala ako sa posisiyon para magsalita,"saad niya. "Si Piolo, sinuportahan niya ako sa part ng buhay ko na down na downtalaga ako. Kaya kahit na ano ang mangyari, susuporta ako sa kanya dahil mahalko si Piolo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ISSUE WITH DINA. Sa nakaraang interviews kay Ms. Dina Bonevie ay lumabas daw angsama ng loob nito kay Angel. Ayon sa aktres, mabilis daw napalitan ni Angel anganak niyang si Oyo at tinext pa raw siya para ipalaam ang relasyon nila ni LuisManzano. Hanggang sa ngayon ay tanong pa rin ng marami kung ano na ba talagaang estado ng relasyon nina Angel at Luis. May ginawa rin kayang hakbang siAngel para makapag-usap at maklaro niya ang pangalan kay Dina?

"Wala naman akong dapat sabihin pa," giit ni Angel. "I won'tdeny na masaya akong kasama si Luis kasi hindi ka naman siguro didikit atsasama sa isang tao kung hindi ka masaya sa kanya. Basta masasabi ko na maychemistry talaga kami, may bonding.

"Regarding kay Tita Dina, tinawagan ko si Danica [Sotto, Oyo'ssister]. Kasi bukod siya ang pinaka-close sa akin, magsasabi sa akin talaga yunkung may problema. Tinanong ko siya, ‘Danica, galit ba sa akin si Tita?' Kasi baka may nagawaako na ikinagagalit niya, ayoko naman nun.

"Mahal ko si Tita Dina, matagal ko nasiyang nakasama at nirerespeto ko siya. Kung anuman ang nagawa ko, kung mayroonman, at least sabihin sa akin para makahingi naman ako ng sorry.

"Si Oyo ang nakipag-break sa akin, saka ang tagal na nun. Nagkaroonpa nga ako ng issue kay Marvin bago yung kay Luis. Tingin ko, nalagyan lang ngissue saka na-misinterpret lang si Tita Dina. Saka ayokong magmukhang masama siTita Dina. Nakilala at nakasama ko siya at di siya ganun, hindi siya mataray,"pagtatapos ni Angel.

Ngayong araw, April 23, ang ang 23rd birthday ni Angel. Pero last Sunday, April 20, kasama ang kanyang ama aynagpakain siya at naki-celebrate sa mahigit isang daang bata nataga-Payatas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN