Alfred Vargas knew from way back that Marian Rivera would make it big

"Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, magaling talaga siyangumarte, professional. So, masasabi ko lang, kapag nabigyan ito ng break, grabe.Yun na nga, nangyari nga," relates Alfred Vargas on what he thought of MarianRivera back then, as his co-star in the GMA-7 afternoon show Muli.



Mas maganda ang katawan at mas iba na rin ang aura ng youngactor na si Alfred Vargas nang humarap sa press launch ng Dyesebel,na ginanap sa Hotel Sofitel, Manila, noong Lunes, April 21. Aniya, kinailangan talaga niyangmag-prepare for his role bilang Erebus, ang makisig na merman na palihim naiibig kay Dyesebel (Marian Rivera).

Kumpara sa nakasanayan nang mga merman or syokoy, hindi nalang nga mga sirena ang may buntot sa GMA-7 version ng Dyesebel.Dito, maging si Alfred at iba pang lalaking may role na merman ay may buntot narin.

Bilang merman nga at may lihim na pagtingin kay Dyesebel,almost all of his scenes ay si Marian Rivera ang makakasama niya. Pero ayon kayAlfred, hindi naman ito ang first time nila ni Marian na magkakasama.

In fact, minsan na raw silang nagtambal sa isang afternoonseries ng GMA-7.

"Matagal ko na siyang kakilala. Nagka-partner kami sa Muliat mabait siyang talaga. She's a very true person. What you see is what you getat bukod pa ito sa maganda siyang talaga.

"Ang sarap niyang kasama. Hindi siya nawawalan ng kuwento.At saka, magiging comfortable ka talaga. Kahit sabihin mo pa na ang status niyangayon ay talagang superstar na. Ang bait niya. I just feel verycomfortable working with her."

Hindi naman itinanggi ni Alfred na lalo pa nga't lovelessdaw siya ngayon after his breakup with LJ Reyes, ang katulad daw ni Marian ayhindi imposibleng magustuhan at mahalin.

"Yun lang ang masasabi ko, hindi mahirap mahalin ang katuladniya. Pero siyempre, sa ngayon, masaya ako na magkaibigan kami, magkasama satrabaho at bago pa man siya naging ganito kasikat, nagkaroon na ng pagkakataonna magkasama kami before at maging magka-partner."

Naitanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayAlfred, kung noon bang ginagawa pa nila ni Marian ang Muli,na-anticipate na niya na magiging isa sa importanteng artista ng Kapuso ngayonsi Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That time pa lang, bilib na ‘ko kay Marian. Ang galing naniyang umarte at saka maganda siya. So, siguro ano, deep inside alam ko na.Itong babaeng ito, mabigyan lang ito ng break, talagang sisikat ito.

Kaya naman daw hindi na siya nagugulat sa popularity ngdati niyang leading lady.

"Hindi talaga. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, magalingtalaga siyang umarte, professional. So, masasabi ko lang, kapag nabigyan ito ngbreak, grabe. Yun na nga, nangyari nga."

Sa huli, positibo raw ang outlook niya sa magiging outcomeng Dyesebel. On his part, wala raw siyang napi-feel na pressure kahit naang sinundang show ng team-up nina Marian at Dingdong Dantes ay angpinaka-highest rating show ng network.

"Wala. Walang pressure sa akin at all. Unang-una, dahilsilang dalawa ang kasama ko rito kaya alam ko, magiging maganda rin ang resultng Dyesebel. Dahil unang-una, talaga namang kakaiba siya atpinaghihirapan nang husto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN