Lara Quigaman credits "That's My Doc" and "Wowowee" for her newfound aplomb on TV

"Naging sobrang kumportable na ako sa That's My Doc. Sobrang na-influence nila ako na hindi ka dapat mahiya. You are here to make people laugh. Go on. Huwag kang mag-iwan sa sarili mo. Ibigay mo na lahat," says Lara Quigaman on how she learned self-confidence in her TV shows.



Bukod kay Cristine Reyes, nali-link din ang dating Miss International na si Precious Lara Quigaman sa Wowowee host na si Willie Revillame. Aware naman si Lara na type siya ni Willie dahil madalas ding magparinig ang TV host sa kanya kapag magkasama sila sa Wowowee.

"Nagpaparinig siya like, ‘Suwerte ka kapag ako ang naging boyfriend mo kasi sigurado na ang future mo,' ganun," lahad ni Lara sa presscon ng That's My Doc na may bago nang timeslot tuwing Sabado, 6 pm, pagkatapos ng Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN.

Biro raw yun ni Willie sa kanya but at the same time, parinig na rin ng tunay na saloobin ng TV host sa kanya.

"Siguro, pero kasi our audience seems to enjoy it kapag tinutukso kaming dalawa, e. Parang nagiging paulit-ulit."

Hindi kaya para makalimutan lang ang isyu kay Willie tungkol sa kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes?

"I'm not sure. I don't know. Hindi ko po alam."

Kasabay ng pagkaka-link sa kanya kay Willie, may tsismis na isang DOM (Dirty Old Man) ang karelasyon ni Lara ngayon.

"No. hindi totoo ‘yon. He's [boyfriend niya] a Filipino-Chinese and 31 years old."

LOUIS VUITON BAG COURTESY OF... Ayon sa tsismis, ang DOM din daw ang nakitang kasama ni Lara na lumabas mula sa Louis Vuitton store sa Makati habang bitbit ang limang shopping bags.

"Oh, my gosh? May Louis Vuitton ba rito? Hindi ko alam. Wow! Sana totoo ‘yan para marami akong Louie Vuitton. Hindi po totoo yun."

Hindi ba niya type ang Louis Vuitton bags?

"Kasi I never grew up parang knowing those brand names kasi hindi naman kami mayaman. Hindi ako sanay na may mga ganung gamit. Wala nga ako'ng Louis Vuitton bag.

"Ay, hindi, binigyan pala kami ni Pappi [Willie's nickname in Wowowee] ng mga bag. Kaming lahat. Valerie [Concepcion], Ate Pokie [Pokwang] when he came from the States. For Christmas yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Willie nga raw siya unang nakatikim ng Loius Vuitton bag.

"My first ever, na hindi ko magamit. Ah, it's medium size. But I can't use it kasi parang nanghihinayang ako. Nakatago lang sa cabinet and it's waiting to be handed to my mom. Kasi siya ang mahilig sa mga signature bags."

Hindi niya gagamitin?

"I will," ngiti ni Lara.

Sinabi ni Willie sa isang interbyu namin na ang tulad ni Lara ang babaeng pinapakasalan kasi hindi pakalat-kalat.

"Syempre it's nice to hear that from someone who knows a lot of women to be branded as that."

Mabuti hindi pinagseselosan ng boyfriend niya si Willie?

"No, walang selos factor na ganun."

Pero sila pa rin ba ng boyfriend niya ngayon?

"Ah, my ex-boyfriend. Wala na kami but we're OK."

Bumabalik daw ngayon sa kanya ang Fil-Chinese boyfriend niya. Mahal pa rin ba niya?

"Oo naman. Alam ko naman talaga na mahal pa rin niya ako. Pero I just want to focus now on my work."

Since wala siyang boyfriend ngayon, may pag-asa ba si Willie kapag seryosohan na siyang niligawan nito?

"He's my Kuya, he's Kuya Willie to me and not for any reason but... he's just my Kuya."

GOING "ALL THE WAY." Marami naman ang nakapansin na nakatulong kay Lara ang pagiging Wowowee host niya at mainstay ng sitcom na That's My Doc. Nabawasan na ang sobrang pagkamahiyain at pagkamahinhin ni Lara.

"If you noticed nung first time akong nagho-host sa Wowowee sobrang hindi ganun kabigay na bigay. Pero since nag-That's My Doc talaga ako, nawala lahat yung mga walls na parang kailangan poised ako and everything. Wala na yun, wala na lahat.

"Naging sobrang kumportable na ako sa That's My Doc. Nakikita ko sina Kuya Dick [Roderick Paulate], Tita Novs [Nova Villa] na talagang bigay na bigay. Sobrang na-influence nila ako na hindi ka dapat mahiya. You are here to make people laugh. Go on. Huwag kang mag-iwan sa sarili mo. Ibigay mo na lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, siguro nakatulong talaga ‘yon when I was in Wowowee. Sobrang naging kumportable talaga na parang ang dali na ng lahat," pagtatapos ni Lara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN