Birthday girl Angel Locsin gets surprise party from "Lobo" cast and crew

"Masayang-masaya ako. Sobra talaga! Akala ko ako yung magsu-surprise sa kanila, e," says Angel Locson about the surprise birthday party thrown for her by the cast and crew of Lobo.



Sinorpresa ng buong staff ng Lobo ang birthday girl na siAngel Locsin sa taping nila last Tuesday, April 22, ilang oras bago ang 23rdbirthday ni Angel kahapon, April 23. Hindi napigilan ni Angel ang maluha pagpasok niya ng function room sa36th floor ng World Trade Exchange sa Juan Luna St., Binondo, Manila, dahil doonnaghihintay ang bonggang asalto para sa kanya.

Sa asalto ni Angel ay nandun ang kanyang leading man na siPiolo Pascual; ang bagong kasama sa cast ng Lobo nasi Geoff Eigenmann; ang co-stars niyang sinaPilar Pilapil, Dimples Romana, at Gio Alvarez; Direk Eric Reyes andRicky Rivero; Star Cinema's AdProm head Roxy Liquigan with Mico delRosario; angEntertainment Live! na nag-cover ng event; at ang manager ni Angel na si BeckyAguila, kasama ang nagbabalik na alaga nitong si Dyan Delfin.

"Masayang-masaya ako. Sobra talaga! Akala ko ako yung magsu-surprise sa kanila, e," mangiyak-ngiyak na sabi niAngel sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano sana ang plano niya na sorpresa?

"Hanapin nila ako ng alas-dose sa set? ‘Tapos gugulatin ko sila,‘Taran! Happy birthday to me!" sabay tawa ni Angel.

Hindi ba siya nakaramdam na may binubuong sorpresa sa kanyaang staff ng Lobo?

"Ang alam ko, nire-ready kasi ako ni Direk Eric [Reyes] paradoon sa susunod na eksena namin. E, medyo heavy yun. So, naka-prepare na ako,di ba? Pag-akyat namin dito, ‘Ah, okay, ano'ng nangyayari? Bakit nakapatay angilaw?' Tapos may mga sapatos akong nakikita, maraming sapatos. Tapos kulay pinkyung table. Ayun, medyo umatras na ako. Kinabahan na ako kasi ang alam ko, etona nga ‘yon.

"Natuwa talaga ako lalo na yung boys ko, yung sa technicalgroup. Na-touch talaga ako kasi nag-chip in pala sila dun sa cake. Tapos aygumawa sila na kanta na ‘Happy birthday Angel. We love you...' Ganun. Ang lakingbagay nun sa akin kasi hindi natutulog yung mga ‘yon, e. Adik yung mga ‘yon [sa trabaho], tapos naisip pa nila...Ibang ano, parang masaya lang ako kasiyung mga boys ko... Ang dami kong boys, di ba?" masayang kuwento ngyoung actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba na first time niyang magkaroon ng ganitong asaltoon her birthday?

"Hindi," sagot ni Angel. "Alam mo naman ako, work, workkiti-work, di ba? Meron naman, pero hindi yung ganito sa taping, ganito kabongga.Nandito pa lahat, pati yung friend ko from London... Yeah, pumunta siya rito.Nakakatuwa."

Anong gift ang gustong matanggap ni Angel sa kanyang kaarawan?

"Cheeseburger? Joke! Hindi ko alam, e. Peace of mind. Okeyna ako, e," kasunod ang makaluhugang tawa muli ni Angel.

Sa birthday celebration ni Angel sa ASAP'08 last Sunday, April20, marami ang humanga at pumuri sa dance number niya. Pero maramiraw siyang nakalimutang pasalamatan.

"Marami sila kasi sobrang taranta ko kasi," banggit ng young actress. "Kung napansinninyo, ang una kong hinanap tubig. Yung Lobo family ko hindi ko sila talaga nabanggit. Si Direk Eric, siDirek Cathy [Garcia-Molina], Direk Jerry Sineneng...ang dami! Pati si Georcel nanagturo sa akin ng sayaw, hindi ko talaga napasalamatan sa tensiyon ko."

Nakalimutan din niyang banggitin ang kanyang manager na siBecky Aguila.

"Yes, si Tita Becky din hindi ko napasalamatan. Pagbaba ko ng stage, ‘Sorry, Tita ha. Babawi na lang ako sa ‘yo ‘pag nag-The Buzzako o anuman.' Kaya niyakap ko siya. Pero hindi mangyayari ito [asalto], yungsa Payatas ko, kung hindi dahil kay Tita Becky. Siya kasi ang pumilit-pilit dintalaga sa akin na gawin," lahad ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN