Will Heart Evangelista be the new Darna?

Now that Heart Evangelista is with the Kapuso network, there is a big possibility that she would be offered the role of Darna in Captain Barbell Meets Darna. When asked about this, Heart replied, "Why not?"



"Why not?" ang sagot ni Heart Evangelista nang tanungin siyang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung posibleng siya na ang bagongDarna sa pagbabalik ng Filipino superheroine sa telebisyon via Captain BarbellMeets Darna.

Ganito rin ang sagot ng isang TV executive ng GMA Networknang usisain namin sa posibilidad na sa bagong contract artist ng Kapusonetwork nila ibigay ang role na Darna, na ginampanan ni Angel Locsin noong nasaGMA-7 pa ito.

Unang nabalitang si Marian Rivera ang susunod kay Angel nalululon ng bato at lilipad para sa CaptainBarbell Meets Darna. Pero malabo na itong mangyari dahil sa kanya nanapunta ang isang pang well-loved comics character, si Dyesebel.

Nasulat din noon na tinanggihan ni Marian ang Darna dahil ayaw niyang makumpara kayAngel at mas gusto niya ang Dyesebel. Saisang interview ng PEP kay Marian, nag-deny itong ni-reject niya ang Darna dahil wala raw siyangtinatanggihang trabaho.

May mga nagsasabi ring bagay kay Kylie Padilla ang maging Darna, dahil mahusay siya sa fightscenes at stunts. Kaya lang, bata pa ito at mukhang hindi papayag ang mgamagulang niyang sina Robin Padilla at Liezel Sicango-Padilla na magsuot ang kanilanganak ng sexy costume.

Isa pa, kung si Richard Gutierrez si Captain Barbell, anglayo ng agwat ng edad niya kay Kylie para gawin silang love team. Masbagay silang magkapatid sa Asero, kungtatanggapin ni Robin ang offer ng GMA-7 para sa anak.

Balik kay Heart at sa kanyang "Why not?" na sagot, maymatutuwa at may magre-react sakaling sa young actress nga ibigay ang Darna sa Captain Barbell Meets Darna. Gusto ng loyalKapuso viewers na sa homegrown talents ng GMA-7 sana ibigay ang project. Perokung walang babagayan at magdesisyon ang management na kay Heart ibigay ang role, wala nangmagagawa ang viewers.

Samantala, sa GMA Network lang muling pumirma ng long-termcontract si Heart. Mula kasi nang mag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN threeyears ago, per project na lang ang pinipirmahan niyang kontrata sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ina ni Heart na si Mrs. Cecilia "Baby" Ongapuco at sakapatid nito namin nalaman ang real story sa pagiging MIA (Missing In Action)ng young actress sa Sunsilk commercial. Marami kasi ang nagulat sa pagsulpot niNikki Gil na siyang nakasama nina Marian Rivera at Maja Salvador, gayong sabillboards ay wala si Nikki.

Paliwanag ni Mrs. Ongpauco, hindi nakasama sa TV commerical shootang anak dahil kinailangan nitong umalis agad for the U.S. para dalawin angkapatid na buntis. Last minute na raw sinabing may TVC shoot samantalangnaka-schedule nang lumipad ang anak.

Pero hindi nilinaw ng ina ni Heart na hindi pa out bilang isa sa mgaendorser ng naturang brand ng shampoo ang young actress. In fact, naka-schedule daw mag-shootng solo TV commercial si Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN