Brillante Mendoza's "Serbis" to compete for Palme d'Or award at Cannes International Film Festival

Acclaimed actresses Gina Pareño (left) and Jaclyn Jose (right) headline the cast of Brillante Mendoza's Serbis. The indie film was chosen as one of the 20 films around the world to compete for the Palme d'Or at Cannes International Film Festival.



Patuloy ang pag-arangkada ng Filipino filmmaker na si Brillante "Dante" Mendoza sa iba't ibang international film festivals, bagay na nagpapatunay at nagkukumpirma ng galing ng mga Pinoy pagdating sa paglikha ng makabuluhan at dekalibreng pelikula.

Just last month, isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa unang nagbalita na ginagawa na ni Direk Dante ang bagong indie film niyang Serbis (final title and final spelling), topbilled by multi-awarded veteran actress Ms. Gina Pareño.

Kinunan sa isang lumang sinehan sa Angeles City, Pampanga, kasama rin sa Serbis sina Ms. Jaclyn Jose, Julio Diaz, Kristopher King, at Coco Martin.

A few weeks later, dumating ang isang napakagandang balita hindi lamang para sa Philippine movie industry, kundi maging sa buong Pilipinas. Pasok ang Serbis sa "In Competition" category ng pinaka-prestihiyosong international filmfest sa buong mundo—ang 61st Cannes International Film Festival.

Gaganapin ang Cannes Filmfest sa May 14 to 25 sa France. Makakalaban ng Philippine entry na Serbis ang iba pang film entries mula sa iba't ibang panig ng daigdig, ‘tulad ng U.S., China, Germany, at Italy.

Walang pagsidlan ang katuwaan at kagalakan si Direk Dante, ang kanyang staff, at buong cast ng film headed by Gina, na maramdaming tinanggap ang napakalaking balita.

Ayon sa source ng PEP, teary-eyed at halos napaiyak ang veteran actress sa pagkakapili ng kanilang pelikula for Cannes.

Kahit sino sa showbiz ngayon ay proud sa magandang balitang ito dahil dalawang Filipino film pa lang ang nakasali sa "In Competition" category before, na pareho pang idinirek ng National Artist for Film na si Lino Brocka. Ang una ay noong 1980 para sa pelikula niyang Jaguar starring Phillip Salvador and Amy Austria. Ang pangawala ay Bayan Ko: Kapit sa Patalim, starring Phillip Salvador again and Gina Alajar.

Makalipas ang dalawampu't apat na taong paghihintay—from 1984 to 2008— heto ang Serbis na muling magpapatunay ng kalibre ng Pinoy sa paggawa ng pelikula at makipagsabayan sa iba't ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa script ni Armando "Bing" Lao at iprinodyus nina Ferdinand Lapuz at Didier Costet, ang Serbis ay tungkol sa isang pamilyang may-ari ng isang sinehang may sex for hire, at kung papaano hinaharap ng pamilya ang kahirapan ng buhay, mula sa "negosyo" nilang ito.

"Serbis chronicles the struggles of a rural family that decides to run a prostitute service based in a fake theater," ayon sa press release ng pelikula.

Ayon sa associate producer ng pelikula na si Mr. Arman Reyes (who's also a director, and in charge of marketing and publicity), ang Orapronobis ni Lino Brocka ay naitanghal din noong 1989 sa Cannes Filmfest, pero hindi sa competition category.

Kahapon, April 23, opisyal na ipinahayag ng organizers ng 61st Cannes International Film Festival ang listahan ng 19 films competing for the prestigious Palme d'Or award. Kabilang nga rito ang Serbis ng Pilipinas. Ang 20th film mula sa bansang France ay ibabalita in the next few days.

Makakatunggali ng Serbis ni Brillante Mendoza para sa Palme d'Or ang mga sumusunod:

1. Uc Maymun (The Three Monkeys) by Nuri Bilge Ceylan (Turkey)
2. Le Silence De Lorna (The Silence of Lorna) by Jean-Pierre and Luc Dardenne (Belgium)
3. Un Conte de Noel (A Christmas Tale) by Arnaud Desplechin (France)
4. Changeling by Clint Eastwood (United States)
5. Adoration by Atom Egoyan (Canada)
6. Waltz With Bashir by Ari Folman (Israel)
7. La Frontiere De l'Aube (The Frontier Of Dawn) by Philippe Garrel (France)
8. Gomorra by Matteo Garrone (Italy)
9. 24 City by Jia Zhangke (China)
10. Synecdoche, New York by Charlie Kaufman (United States)
11. My Magic by Eric Khoo (Singapore)
12. La Mujer Sin Cabeza (Woman Without A Head) by Lucrecia Martel (Argentina)
13. Delta by Kornel Mundruczo (Hungary)
14. Linha de Passe (Line of Passage) by Walter Salles, Daniela Thomas (Brazil)
15. Che by Steven Soderbergh (United States)
16. Il Divo by Paolo Sorrentino (Italy)
17. Leonera by Pablo Trapero (Argentina)
18. The Palermo Shooting by Wim Wenders (Germany)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga pelikula naman na kalahok sa "Out of Competition" ay ang mga sumusunod: Vicky Cristina Barcelona by Woody Allen (United States); The Good, The Bad, The Weird by Kim Jee-Woon (South Korea); Kung Fu Panda by Mark Osborne and John Stevenson (United States); at Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull by Steven Spielberg (United States).

Last April 13, ang isa pang film ni Direk Dante na Tirador ay nagwagi ng tatlong major prizes sa 21st Singapore International Film Festival, held at the National Museum Theatre Gallery.

Nanalo ang Tirador bilang Best Film (Asian Feature Film Category), Best Director, at NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema). Pero hindi nakarating sa awards night si Direk Dante dahil nagsu-shooting siya ng Serbis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN