Director Joyce Bernal says Star Cinema did not inform her she was replaced in the Erap-Ai-Ai project

"Okey po naman sa akin kung si Wenn [Deramas] na angnapili nilang magdirek ng movie. Pero sana po ay sinabi naman nila [StarCinema] sa akin na hindi na ako ang magdidirek," confides Director Joyce Bernalabout Star Cinema's failure to inform her that she was already replaced in theJoseph Estrada-Ai-Ai delas Alas project she was supposed to direct.



Sa launch cum presscon ng Dyesebel na ginanap saSofitel Philippine Plaza last Monday, April 21, kasamang dumating ng direktorng latest telefantasya ng GMA-7 na si Joyce Bernal at ang anak na si Lian. Numberone fan daw kasi ang anak niya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, simula panoong Marimar.

Pinansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nanag-tan ang skin ni Direk Joyce.

"Hindi maiiwasan. Kasi halos maghapon kaming nakababadsa taping sa Coron, Palawan," nakatawang sagot ni Direk Joyce. "Perookey sa akin dahil kahit hindi ako nakapagbakasyon after ng Marimar,para na rin akong nagbakasyon kahit nagtatrabaho. Halos one week din kamingnag-taping doon."

Kinunan daw nila ang pilot week ng Dyesebel doon atsoon, pupunta rin sila sa ibang beach na puwede nilang gamiting location.

"Sa ngayon, sa studio sa Marilao, Bulacan, muna kaminagti-taping. Yung kaharian sa ilalim ng dagat na doon itinayo na unang ginamitng Zaido. Mondays, Tuesdays, Thursdays, and Saturdays ang taping namin,kasi magsisimula na kami sa April 28. Pero wala pa kaming nakapondongepisodes."

HOW'S JUDAY? Tinanong namin si Direk Joyce kung totooang nabalitaan namin na ayos na sila ni Judy Ann Santos. Matatandaang nagkaroonng alitan si Direk Joyce at si Juday kaugnay ng pelikula nilang Don't Give Up on Us.

Kinumpirma naman ito ng direktor pero hindi siya masyadongnag-elaborate. Basta ang mahalaga raw ay nagkausap na rin sila, nagsabihan ng"sorry," at paminsan-minsan kung hindi siya masyadong busy sa tapingay nakapagti-text na daw siya rito na sinasagot naman agad ni Juday.

"Happy na ako na kinuha nila akong consultant sa movieni Juday na Ploning at alam kong hindi bibiguin ng fans niya si Judaydahil maganda ang pelikula. Isang dream project na tamang-tama sa kanyangbirthday sa May 11."

PROBLEM WITH ABS-CBN. Tinanong ng PEP si Direk Joycekung wala ba siyang problema sa ABS-CBN ngayong may kasunod agad ang Marimarniya sa GMA-7. Nagpaalam kasi siya noonsa ABS-CBN na one year muna siyang magtatrabaho sa GMA-7 at pinayagan namansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala po naman akong contract sa ABS-CBN, sa StarCinema ako may contract. Sa ngayon naman, wala pa silang sinasabi sa akin namay gagawin akong movie sa kanila. After na hindi ako natuloy na magdirek ngmovie na pagsasamahan for the first time nina former president Joseph Estradaat Ai-Ai delas Alas."

Naalaala ng PEP na marami nang paghahanda si Direk Joyce sapagdidirek sana niya kay Erap. Madalas pa silang mag-usap ng senator-actor Jinggoy Estrada noon, dahil gusto muna niyang makilala nang husto angdating presidente sa pamamagitan ng mga taong malalapit dito, bago niya itokausapin nang personal.

"Okey po naman sa akin kung si Wenn [Deramas] na angnapili nilang magdirek ng movie. Pero sana po ay sinabi naman nila [StarCinema] sa akin na hindi na ako ang magdidirek. Ang manager lang po na si TitaEthel [Ramos] ang nagsabi sa akin na hindi na ako ang magdidirek ng movie atpinalitan na ako ni Wenn," tila naglalabas ng sama ng loob na pahayag niDirek Joyce.

Napangiti na lamang ang batikang direktor nangsabihin sa kanya, na baka tama lang 'yon para hindi siya masyadong mangaragkung magkakasabay ang shooting niya ng movie (na sabi'y sisimulan na) at taping naman ng Dyesebel with Direk Don Michael Perez.

Samantala, sinubukang kunin ng PEP ang panig ng Star Cinema ngunit wala pa silang pahayag at press time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN