Marian Rivera cried after her tough underwater scene in "Dyesebel"

"Kasi lumulubog ako,humahampas yung tubig sa akin. Magkasalubong kami ng alon, naglalaban, ‘taposhumahampas pa sa akin... Nagawa ko yung eksena, pero after nun, napaiyak talagaako..." narrates Marian Rivera.



"Tarantada" ang description ni Direk Joyce Bernal sacharacter ni Marian Rivera sa Dyesebel. Ayon pa sa director, mas malapitsa tunay na ugali ni Marian ang character ni Dyesebel kumpara sa unangginampanan ng young actress sa Marimar.

Sumang-ayon naman si Marian dito nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dyesebel noong Lunes,April 21, sa poolside ng Hotel Sofitel sa may Roxas Blvd., Pasay City.

"Kasi walang effort, e. Kasi tarantada talaga si Dyesebel.Parang sa madaling salita, pasaway siya. ‘Pag sasabihin ng nanay niya,‘Anak, huwag kang aalis ng bahay.' ‘Opo, ina.' Pag natulog si Ina, lalabas akong bahay. Pag puwede pang tumakas, tatakas uli ako kay Ina... So ganun siyakapilya," paglalarawan ni Marian sa bago niyang role.

Ganun din ba siya sa tunay na buhay?

"Hindi naman. Kaya siguro nasabing malapit sa akin, kalogkasi ako, e, masayahin akong tao," sagot niya.

ADJUSTMENTS. Dahil ilang linggo lamang ang pagitan sa pagtatapos ngMarimar at pagsisimula ng taping nila ng Dyesebel, nagkaroon ng workshop sinaMarian at Dingdong Dantes upang matanggal sa sistema nila ang karakter nila bilangMarimar/Bella at Sergio.

Paliwanag ni Marian, "Kasi talagang hindi biro na sabihin nahindi kami nahirapan ni Dingdong sa paglayo ng character dun sa natapos namin.Dun sa Marimar, lahat na yata ng attitude, nagawa ko na dun. Lahat ng tono ngboses, nagawa ko na dun. This time [sa Dyesebel], talagang nag-a-adjust kamikaya nag-workshop kami para maiba naman siya.

Ano naman ang mga pagbabagong ginawa niya para rito saDyesebel?

"Siguro yung intonation ng boses ko, yung paggalaw ko, yungkapilyahan ko, ‘tsaka yung mga salitang kalog ako. Kasi sa Marimar, hindipuwedeng kalog, e," sabi ni Marian.

CRYING DYESEBEL. Inamin din ni Marian na iniyakan niya ang underwater scenesniya sa first week ng taping nila sa Coron, Palawan.

"Oo, inayakan ko talaga," sambit niya. "Kasi lumulubog ako,humahampas yung tubig sa akin. Magkasalubong kami ng alon, naglalaban, ‘taposhumahampas pa sa akin... Nagawa ko yung eksena, pero after nun, napaiyak talagaako... Mga ilang minuto lang, ‘Okay na ako, kakain na po ako.' Nai-release kona."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay nagkasugat-sugat din ang ilang bahagi ngkatawan ni Marian dahil sa matatalim na corals at mga bato sa dagat.

"Kasi malabo ang mata ko, 250 [visual acuity]. Sobrang labo niya!" sabi niMarian. "Kapag wala akong contacts, wala akong nakikita. Kaya yung mga divers,‘Peram po ako ng mask.' Tinitingnan ko muna sa ilalim ng dagat. Ime-memorize kokung ano yung nasa ilalim. Pagtanggal ko [ng mask at contacts], nagpapanggap na langakong may nakikita, pero wala talaga. Naa-appreciate ko yung ganda ng dagatkapag may mask, pero kapag wala na, nagpapanggap na lang ako!" nakakatawaniyang kuwento.

Dahil sa hirap na dinanas niya sa underwater scenes aynaitanong niya tuloy kay Direk Joyce kung kailan siya magkaka-paa sa bagoniyang telefantasya.

"Oo, tinanong ko talaga!" tawa ni Marian. "Actually, mahiraptalaga, sobrang hirap ng Dyesebel. Pero once na in-enjoy mo na siya at napanoodmo na siya, yung playback sa TV, ‘Ay, ang cute pala.' Ang ganda pala sa ilalimng dagat na lumalangoy ka ‘tapos nagpapa-cute-cute ka diyan, ang ganda!

"Natsa-challenge ako, mas ginaganahan ako. E, yung mgahuling eksena ko sa Palawan, talagang pinursige ko. Nakita n'yo yungpaglangoy-langoy, ngumingiti-ngiti na may ganyan pa [kumpas ng kamay], ine-enjoyko na ‘yon," lahad niya.

Dahil sa training niya at actual shooting niya for Dyesebelay masasabi raw ni Marian na magaling na siyang lumangoy.

SUNSILK COMMERCIAL. Isa si Marian sa pinaka-in demand na product endorser.Magmula nang maging hit ang Marimar ay naging sunud-sunod na rin ang TVcommercials niya; nariyan ang Maxi Peel, PLDT, Fit ‘n Right, Sunsilk, at maylalabas na isa pa ngayong Linggo (April 27) na isang brand ng oatmeal.

Naitanong namin kay Marian kung bakit biglang nawala siHeart Evangelista sa TV commercial ng Sunsilk, samantalang silang tatlo niMaja ang original image models nito. Sa TVC ay si Nikki Gil ang pumalit kay Heart,na incidentally ay pumirma na ng two-year exclusive contract sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, wala akong idea," saad ni Marian. "Pero ang sabisa akin, pumunta yata siya sa States."

(Ayon sa kampo ni Heart ay nagkataong magbabakasyon ang young actress sa States nang tawagan siya for the TVC shoot. Bagama't hindi siya nakasama rito ay hindi pa rin naman tinatanggal si Heart bilang endorser.)

Kuwento pa ni Marian, hindi sila magkakasabay nina Maja atNikki sa shooting ng TVC. Hindi raw kasi magkatugma ang schedules nila, pero nagkita-kita raw sila nina Heart at Maja sa launch ngSunsilk.

May nakakatuwa ring kuwento si Marian tungkol sa naturang event ng Sunsilk.

"Kasi nakita ko yung mga staff, parang puro taga-Dos. Sabiko, ‘Ano ba naman ‘to, puro taga-Dos yung mga nandito?' Sabi ko sa PA, ‘Akin na‘yang pin kong ‘Proud to be Kapuso.' ‘Hubadin mo ‘yan.' ‘Wala akong pakialam,proud ako!' Naloka sila nang bonggang-bongga dun!" pilyang kuwento ng youngactress.

DINGDONG & RICHARD. Nagbigay rin ng komento si Marian sa friction na namamagitandiumano kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez dahil sa mahigpit nakumpitensiya sa kanila ngayon. Si Dingdong ang kapareha ni Marian sa Marimar atDysebel at si Richard naman ang katambal ng dalaga sa pelikulang My BestFriend's Girlfriend.

"Actually, mapapatunayan kong walang anuman sa kanila," saadni Marian. "Dahil nag-Showbiz Central kami kahapon [April 20], nag-usap kami ni‘Chard, ‘tapos dumating si Dingdong. Kaming tatlo, magkausap kami.

"Iba si Richard, iba si Dingdong. Iba sila ng personalities.At dahil sa mga katangian nilang ‘yon, nakikilala sila. Magkaiba sila."

Speaking of Dingdong, inulit ni Marian na wala silangproblema ng girlfriend ng leading man niya na si Karylle. May mga kumakalat kasingintriga na lumalabo ang relasyon nina Dingdong at Karylle dahil sa pagigingmalapit nina Dingdong at Marian. Idagdag pa rito ang mga romantic scenes nilasa kanilang mga programa.

"Okay kami ni K [palayaw ni Karylle]," giit ni Marian. "Tobe honest, siya pa ang lumalapit sa akin ‘pag hindi ko siya nakikita. O kayaako, lalapit ako sa kanya. Malaki ang respeto ko sa relationship nilang dalawakaya okay ako kay K. ‘Tsaka alam ni K kung gaano kami ka-close ni Dingdongbilang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN'S LOVELIFE. Nang tanungin si Marian tungkol sa kanyang sarilinglovelife, tumanggi na naman siyang magbigay ng detalye tungkol dito.

"Ibalato mo na sa akin ‘yon," pakiusap niya. "Huwag na langnatin siyang pag-usapan. Nakakahiya rin sa kanya kasi hindi naman siyashowbiz, ‘tapos nasusulat sa diyaryo. Parang ako yung nahihiya.

"Wala naman sigurong masama na nakikita kaming lumalabas,kung magkasama kami. Dalaga naman ako at meron akong personal na buhay na akinna lang. Kasi buong buhay ko, nakalantad na sa publiko at kahit anumang gawinko na nakikita nila, pintas dito o namumuna sa akin, naiintindihan ko. Sige,bilang artista, parte talaga ng buhay ‘yan. Pero yung personal kong buhay,palagi kong sinasabi, ibalato n'yo na lang sa akin ‘yan. Akin na lang. Yun nalang ang hinihiling ko," pagwawakas ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN