Bianca King plays "biggest contravida role to date" in "Dyesebel"

"Ang focus ko is on mywork and school. Kailangan lang na yung priority ang focus habang bata. Atsaka, never pa naman po kaming nagsabi na yun na yun. So I think, yun muna angdapat na announcement," explains Bianca King when asked about her relationship with Hale vocalist Champ Lui-Pio.


Si Bianca King ang maituturing na pinaka-longestrelationship ng young actor na si Patrick Garcia. Noong sila pa ni Patrick, nagsimula rin ang actingcareer ni Bianca sa showbiz.

During their time together, very vocal and open si Bianca sarelationship nila ni Patrick. Pero kapansin-pansin na ngayong ang lead singerng Hale na si Champ Lui Pio ang nali-link sa kanya—bagama't may nagsasabi ringsila na talaga—tahimik ang young actress tuwing tinatanong siya tungkol sa kanila ni Champ.

Sa presscon ng Dyesebel last April 21 ay muli namingtinanong si Bianca sa totoong estado ng relasyon nila ni Champ.

"Basta kailangan po kasi sa ngayon, ang focus ko is on mywork and school. Kailangan lang na yung priority ang focus habang bata. Atsaka, never pa naman po kaming nagsabi na yun na yun. So I think, yun muna angdapat na announcement," pahayag ni Bianca sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Nang tanungin naman namin siya kung masaya siya sa kanyanglovelife, natawa ang dalaga, sabay sabing: "Talagang you're putting words in mymouth!"

Dagdag ni Bianca, "Basta po, I'm happy with everything in mylife. Basta po, mas gusto ko pa pong pag-usapan ang school at Dyesebel."

Incoming third year na raw si Bianca sa kursong Filmmakingsa La Salle College of St. Benilde and she's applying for scholarship. "Sanakapag nabasa ito ng Dean, matuwa siya," pahabol ng young actress.

BAD BETTY. Bianca is playing another contravida role in Dyesebel; siBetty na patay na patay kay Fredo (Dingdong Dantes). Matatandaang gumanap dinsiyang kontrabida sa Marimar, na pinagbidahan din nina Dingdong at Marian,bilang si Natalia

"I think this [Dyesebel] is my biggest kontrabida role todate," sabi ni Bianca. "Parang directly involved ako kay Dingdong. Parang saamin, ibang anggulo. We have our own story."

Ayon kay Bianca, isang Dyesebel movie pa lang daw angnapapanod niya, yung version ni Vilma Santos noong 1973. Sinuwerte raw siyang matiyempuhanniya ito nang ipalabas sa Pinoy Box Office (PBO) sa cable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "Yung kay Ms. Vilma lang ang napanood ko, asin supertagal na yata no'ng movie na ‘yun, pero pinanood ko pa rin. Hindinaman para gayahin ko yung role ng Betty ro'n, kasi malayung-malayo talaga.

"At saka, yung napanood ko, sobrang exaggerated talaga angpagka-kontrabida. Kasi noong araw, siyempre ganoon, sampal-sampal. E, hindinaman puwedeng ganoon ngayon.

"On my part, ibang atake naman ang gagawin ko as Betty.Siguro, similar ng konti sa character ko sa My Only Love. Mabait ang core niyaas tao pero dahil lang sa pag-ibig, nagiging kontrabida."

Sunod-sunod na kontrabida roles na rin ang ginagawa niya saKapuso Network. Enjoy naman daw siya sa pagiging kontrabida, pero inamin niyanghangga't maaari ay ayaw niyang ma-typecast sa mga ganitong klasengrole.

"I'm in this business as an actress talaga," sambit niya. "Siyempre,as an artist, gusto mo rin ma-experience yung iba't ibang klase ng role. Perodahil nga nag-aaral ako, ayoko munang masyadong maging choosy. Kung meron akongkita ng konti, basta maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Kapag natapos ako, sakaako magiging more aggressive or kahit paano, maging choosy na rin.

"Although, yun din ang na-discover ko, even from senioractresses, na kapag bida, wala ka nang mapupuntahang iba. Unlike kapag characteractor ka, not necessarily kontrabida, through generations ng career mo, sobrangdami mong magagawa. At hindi mo kailangang maghintay ng role na bida, kahitsaan puwede kang ilagay. And especially that times are so hard," paliwanag ni Bianca.

Isang only-child si Bianca. Malapit na rin siyangmag-solo dahil magma-migrate na ang parents niya sa Canada anytime this year.Mas gusto at mas happy raw ang young actress sa Pilipinas kaya wala siyangplanong sumama sa mga magulang sa Canada. Malamang lang daw na iwan na munaniya ang bahay nila sa Alabang at titira muna siya sa isang condominium unit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN