Aga Muhlach raring to go back to wakeboarding after being sidelined for muscle injury

"Wakeboarding is a fun sport, but don't take it lightly becauseit's also a dangerous sport. Ako nga, ang dami kong injuries sa likod," revealsAga Muhlach about the latest watersport he is into.



Naging issue ang pagkaka-delay ng production ng When LoveBegins allegedly dahil kay Aga Muhlach.

Kinailangan daw kasing mag-workout nang husto muna ni Agapara makipagsabayan sa co-stars niyang naggagandahan ang mga katawan na bibiladsa Boracay beach. During the second presscon of When Love Begins noongApril 23, Wednesday, na ginanap sa 14th floor lounge ng ELJ Bldg, ABS-CBNCompound, humingi ng paumanhin si Aga sa kanyang co-stars for the delay but didnot specify kung ano nga ang dahilan ng pagkaka-delay niya ng pagsu-shoot.

Para naman sa co-stars at press people na naroon, hindi narin naman mahalaga kung ano nga ang dahilan ng pagde-delay ni Aga ng shooting.Ang mahalaga ay nag-sorry na siya, and hey, it's Aga Muhlach! Sabi nga ng isangshowbiz reporter na naroon, "You don't get to hear too many stars with astature like Aga saying sorry, and to a big group of people pa."

For Aga, ayaw niya rin kasing ma-disappoint ang mgamanonood, especially his fans, kung makikita nila ang isang out-of-shape na AgaMuhlach. May dahilan din naman kasi ang pag-lay low muna ni Aga sa mabibigat nagawain.

"I had a torn muscle on my back. That's why I have to restand lay-off muna sa wakeboarding for six months," rebelasyon ni Aga sa PEP(Philippine Entertainment Portal) during the interview.

Sa mga bago sa terminong wakeboarding, ito ay kinokosiderangisang extreme sport. Hinihila ng isang kableng nakakabit sa isang lantsao motorboat ang "rider" or wakeboarder habang nakasakay sa isang especiallydesigned board.

Kinakailangang ma-maintain ng rider ang kanyang balancehabang nag-e-execute ng stunts, lalo na ‘pag sumasampa sa mga rampangnagsisilbing obstacles.

May mga "wake parks" na ring matatagpuan na imbes namotorboats ay hanging cables na ang humihila sa riders. Mas matipid daw itodahil walang masyadong konsumong gasolina para sa lantsa at mas safe dahilwalang puwedeng magkabanggaang motorboats kung may higit pa sa isangwakeboarder ang nasa wake park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WAKEBOARDING FREAK. Sa Pinas, unti-unti na ringpumi-pickup ang extreme sport na ito, lalo na't isang Aga Muhlach pa ang tilatumatayong ambassador ng sport na ito. He loved this sport so much, that heheld his own Muhlach Cup Invitational Wakeboarding Championships na ginanap saBatangas, October last year.

"After my movie, I will go back to wakeboarding," paniniyakni Aga sa PEP. Miss na raw kasi ni Aga ang thrill at adrenaline rush na dulotng wakeboarding. Naka-line up na nga ang mga lugar na kung saan magwe-wakeboarding siAga.

"Iba-iba, Lago [de Oro, Batangas], Camsur [Camarines Sur],Tagaytay, Taal Lake. Kasi nagbe-behind the boat din ako. May lugar kami doon saTaal, doon ako nagwe-wakeboard."

Tinanong na rin ng PEP kung kailan ang next MuhlachInvitational.

"I think I might do it October again." Open daw sa lahat angkanyang wakeboarding competition, especially beginners and fellow celebritieswho are either curious o naging fans na rin ng sport na ito.

"I'll try to invite celebrities. Pero alam mo naman, mahirapkasing mag-invite ng celebrities kasi some of them are also busy. Basta whoeverwants to join is free to join. I mean, we also have international riders, fromall over Asia, some from Singapore. Marami. Both beginners and professionalriders are welcome."

But with all the stories Aga is hearing about certaincelebrities who have developed a love for extreme sports like wakeboarding, maywarning pa rin si Aga.

"Wakeboarding is a fun sport, but don't take it lightlybecause it's also a dangerous sport. Ako nga, ang dami kong injuries sa likod."At binanggit niya nga ang latest niyang injury na nakapag-sideline muna sakanya from wakeboarding for six months.

THE FAMILY MAN. Malayo naman sa topic na wakeboardingay itinanong din kay Aga kung bakit tila lumalabas na one movie per year lang angginagawa niya.

"Well, yeah. Parang you can also prepare, saka yungexcitement mo, ‘andun," sagot agad ng mahusay na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plus kino-consider niya rin kasi ang oras niya sa para sa kanyang pamilya.

"I want to spend time with my family also. I don't want tomiss out those months and years with my kids and my wife. I mean, mahal ko angtrabaho ko, pero mas mahal ko ang pamilya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN