FIRST READ ON PEP: Ryan Agoncillo turned down "Pinoy Dream Academy" due to conflict of schedule

Ryan Agoncillo had to turn down the hosting job for Pinoy Dream Academy since his schedule did not match the start of taping of the said reality show. Instead, Ryan will do a soap opera titled Pieta in ABS-CBN.



Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kuninang reaksiyon ni Ryan Agoncillo sa kumpirmadong balita na hindi na siya anghost ng Season 2 ng Pinoy Dream Academy (PDA)kundi si Billy Crawford, kasama sina ToniGonzaga at Nikki Gil.

Sa halip, ang manager nitong si Noel Ferrer ang nakausapnamin at siyang nagbigay ng pahayag sa balitang ikinagulat ng marami.Ini-expect kasi ng marami na kay Ryan ibibigay ang Pinoy Dream Academy 2, peronapunta ito kay Billy, na identified sa Kapuso network.

Ayon kay Noel, "We waited for PDA till the firstquarter of the year, kaso naurong nang naurong. Hindi na rin ito kayang gawinni Ryan dahil tinanggap namin ang Pieta na December last year pa in-offer.Sa June na sisimulan ang taping, pagkagaling nina Ryan at Judy Ann [Santos,Ryan's girlfriend] sa kanilang European vacation."

Wala pang cast ang Pieta to be directed by TotoNatividad. Masasabing solo project ito ni Ryan dahil hindi niya kasama si JudyAnn dito. Hindi pa rin malinaw kung sa hapon o sa primetime slot ng ABS-CBN itoilalagay.

Kay Noel na rin itinanong ng PEP kung hindi ba naisip niRyan na bumalik sa GMA-7, na siyang unang home network niya bago ito lumipatsa ABS-CBN.

"May offer, pero ayaw naming maging ingrato si Ryan. Wewaited to give ABS the chance to offer something na puwedeng ilabas angpotential niya as an actor and TV host, "sagot ni Noel, na may mataas nakatungkulan sa GMA Films.

Hindi nasagot ni Noel ang tanong ng PEP kung nalungkot onanghinayang ba si Ryan na hindi sa kanya napunta ang hosting job para sa PDA.Ang natatandaan ng PEP, nagkaroon pa sila ng isyu ni Luis Manzano tungkoldito, pero pareho palang hindi sa kanila mapupunta ang paghu-host nito.

Kahit walang PDA, and after five months na walasiyang regular show, magiging busy pa rin ang calendar ni Ryan. Bukod sa Pieta,gagawin na rin nila ni Judy Ann ang second movie nila sa RegalEntertainment. Sa Linggo, April 27, ay naka-schedule silang pumirma ng panibagongkontrata, kahit hindi pa nila nagagawa ang kanilang first project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Joey Reyes ang tina-target ng Regal na magdirek ngstill-untitled project, pero hihintayin nilang matapos ng direktor ang Single:Civil Status ni Rufa Mae Quinto.

Looking forward ang PEP kung kay Ryan nga ibibigay ng ABS-CBNang hosting job sa Fear Factor. Maganda rin kung itatapat ito sa SurvivorPhilippines ng GMA-7 para sila ng kaibigan niyang si Paolo Bediones angmagkakatapat.

Kaugnay ng balitang si Billy na ang host ng Pinoy DreamAcademy, nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si ArnoldVegafria ang nakipag-usap at nakipag-negosasyon sa GMA-7 para rito. Hindi langmalinaw sa PEP kung siya na rin ang bagong manager ng international Fl-Am singer.

Nakarating na kay Billy ang pagkagulat at pagtatampo niGerman "Kuya Germs" Moreno sa pagtanggap niya ng hosting stint sa PDA, gayongmay offer naman ang GMA-7 sa kanya, ang Dance Match. Nangako raw siBilly na tatawagan si Kuya Germs, but at press time, hindi pa ito nangyayari.

Pag-uwi ni Billy para mag-host ng PDA, dalawa sakailangan niyang kausapin agad ay ang Tito Raul Laurente niya at si Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN