Iwa Moto feels honored to be molded as next Katrina Halili

Iwa Moto says she feels honored if GMA-7 wants to mold herto be the next Katrina Halili, who is known for her sexy villain roles. As forher love life, Iwa is very happy and proud of her non-showbiz boyfriend Mickey Ablan.



Pinatay na ang character ni Iwa Motosa telefantasya na Joaquin Bordadopara makapag-concentrate ito sa kanyang bagong role sa GMA Sine Novela na Magdusa Ka.

Sa Magdusa Ka aygagampanan ng StarStruck 3 FirstPrincess ang papel na Millet na originally ay ginampanan ni Pinky Amador sa1986 movie version. Pinahaba nga ang naturang role para maging primenemesis si Iwa ng magbibidang si Katrina Halili, who will play the heroineChristine. Unang ginampanan ito ni Dina Bonnevie sa pelikula.

BYE-BYE JOAQUIN. Nalungkot nga raw si Iwa nang sabihan siyang kailangan nangpatayin ang character niyang si Dianne sa JoaquinBordado. Naging close na kasi siya sa buong cast ng naturang show, lalo nasa bida ng telefantasya na si Robin Padilla.

"Yung mga last scenes ko kasi ay si Binoe ang nakasama ko samga eksena. Kung kelan ngang nagkakabiruan na kami ni Binoe, doon pa sinabi saakin na magla-last taping day na pala ako.

"At siyempre pati si Mark [Herras] naging superclose kami,kasi marami kaming mga nasamahang eksena from the start of the show. Hindi kosila makakalimutan, lalo na si Binoe, na naging napakabait sa aming lahat."

Hindi nga nahiyang sabihin ni Iwa na naiyak siya nangmagpaalam siya sa Joaquin Bordado,pero may magandang kapalit naman ito para sa kanya.

IWA MALDITA. "Sa totoo lang, naiyak ako pero naisip ko naman na maykapalit kaagad. Mabait ang Diyos kasi hindi lang basta kontrabida role angbinigay sa akin sa Magdusa Ka, kundiisang matinding role na kailangang paghandaan ko.

"Maihahanay ko ito sa kontrabida role na ginawa ko sa Kung Mahawi Man ang Ulap pero mas mataasang level," tawa pa ni Iwa.

"Doon kasi sa Kung Mahawi Man ang Ulap, jologs nakontrabida ako roon. Squatterickumbaga. Dito sa Magdusa Ka, sosyalna kontrabida ako. Anak-mayaman na pagmamalditahan si Katrina at sobra akongsisipsip dito sa Lola Perla ko na ang gaganap ay si Tita Liza [Lorena]. Angequally maldita na mommy ko rito ay si Tita Jackie Lou [Blanco].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko ngang humingi ng tips kay Ms. Pinky [Amador] kasiang galing-galing niya sa role niya as Millet. Nakatrabaho ko kasi si Ms. Pinkybefore sa Zaido. Sana may chance na makita ko siya paramakahingi ng kontrabida tips."

NON-ISSUE WITH KATRINA. Nilinaw nga ni Iwa ang lumabas na balitang sinabi raw niyana hindi bagay kay Katrina ang maging bida sa isang soap drama. Malilang daw ang pagkaka-interpret ng reporter sa sinabi niya.

"What I mean is, para sa akin lang, mas gusto ko pa ringmapanood si Kat na kontrabida. Kasi tuwing nababanggit ang name niya, yung roleniya na Angelika sa Marimar ang pumapasoksa isipan ko. As in malakas kasi ang impact noong pagganap niya as Angelikakaya mahirap makalimutan agad.

"Wala kaming away ni Kat at okey kaming dalawa. Nakaratingnga sa kanya yung sinabi ko raw at nagtawanan lang kami. Alam naman niya nahindi ako magmamaldita sa kanya in real life. Dito lang sa Magdusa Ka ko siya pagmamalditahan."

Hindi kaya si Iwa na ang ginu-groom ng GMA-7 na pumalit nasa trono ni Katrina bilang sexy na kontrabida dahil nasa bida level na ito?

"Why not? It's a big honor for me na i-mold nila ako saimage ni Kat," ngiti pa ni Iwa. "Naku, Katrina Halili na ‘yan. Sobranghinahangaan ‘yan ng mga lalake. Bakit ko naman tatanggihan na itulad ako sakanya, ‘di ba?

"Nakakatuwa nga because maganda ang naging takbo ng careerni Kat. Matagal din siyang naging kontrabida pero may napatunayan siya. Gustoko gano'n din ako. Kahit na kontrabida, may patutunguhan. Kumbaga may magandangmangyayari sa career ko."

Sa lovelife naman ni Iwa, napangiti agad ito nang banggitinniya na masaya ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si MickeyAblan. Madalas na nga raw silang makitang magkasama nito at hindi na nilatinatago pa sa publiko.

"Masaya kami and there's nothing to hide naman," smile pa niIwa. "Alam ko na may mga nang-iintriga pa rin sa relasyon namin pero wala nakaming pakialam sa mga sasabihin nila. Basta kami ni Mickey, masaya kami withone another. Yun ang importante sa lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN