Annabelle Rama advises son Richard Gutierrez to always practice safe sex

"Hindi ako nahihiyang sabihan silang gumamit ng condom atiyong babae, sabihan nilang mag-pills," relates Annabelle Rama on how sheadvises her children, especially son Richard Gutierrez, to be careful when itcomes to relationships.



Tawa na lamang nang tawa si Richard Gutierrez nang makausapng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang mag-sign ng two-yearguaranteed contract sa GMA Network last Friday, April 25, sa Boardroom ng GMA NetworkCenter. Ang mga tanongkasi sa kanya ay maagap na sinasagot ng ina at manager niyang si AnnabelleRama, tungkol man sa career o love life niya.

NON-STOP WORK. Sa May 1ay paalis na si Richard at Direk Mark Reyes for Dubai,kaya may nagtanong kung hindi raw ba siya napapagod at hindi muna magpahingadahil katatapos lamang niya ng taping ng telefantasiya niyang Kamandag nang umagang iyon.

"Hindi ko na iniisip ang magpahinga dahil napakagandang next project ko at hindi rin ako mapapahinga kung iyon lagi ang iisipinko," nakangiting sagot ni Richard. "Kaya iyong trabaho ko na angpersonal life ko ngayon. Kahit paano naman sa pagtatrabaho ko nakapagpapahingana rin ako lalo na kung hindi naman ako ang nagti-tape [ng TV show].

"Wala talaga sa bokabularyo ni Richard angnapapagod," sagot naman ni Annabelle. "Kanyang concept ang bagoniyang sisimulang project kaya walang problema kung hindi man siya makapagpahinga. Sakasinabi ko kay Richard at sa iba ko pang anak na it's payback time ngayon kayadapat ay magtrabaho silang mabuti.

"Noong nasa States kami, ang nagdanas ng hirap ay sina Ruffaat Rocky, kaya nagsikap kaming mabuti ng daddy nila [Eddie Gutierrez] namagtinda ng mga kaldero [ang mamahaling Philcraft] doon, kaya nang dumatingsilang magkakapatid, maayos na ang buhay namin doon."

Biniro tuloy si Richard kung gift o commission ba niAnnabelle ang 2008 Mercedes Benz na ibinigay niya rito just recently?

"Gift ko iyon kay Mommy, sa lahat ng mga ginagawa niyasa akin, saka for me kasi ang Mercedes Benz ang pinaka-luxurious car na puwedekong ibigay sa kanya."

MOM'S THREE DON'TS.Napakabait na anak ni Richard, ano ba ang puwedeng ikagalit ni Annabelle ditokung sakali?

"Tatlong bagay lamang iyon: Iyong mag-drugs, kahit sinosa mga anak ko, hindi ko matatanggap na mag-drugs sila, ikamamatay ko iyon. Ayawko rin na lagi siyang nagmu-motor, sabi ko sa kanya, kung gusto niyang mamatayako agad, sige sumakay siya nang sumakay sa kanyang Ducati. Hindi talagaako mapalagay kapag nalaman kong nag-motor siya. Kaya kapag alam kongmagmu-motor siya, pinasasabayan ko siya sa sasakyan ko, para kung may mangyarisa kanya, masasaklolohan siya agad. Isa pa na hindi ko matatanggap, iyongmag-asawa siya nang maaga. Siguro, kapag 30 years old na siya, puwedena [Richard turned 24 last January 21].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi kong ipinaaalaala sa kanya at sa iba pa niyangkapatid na lalaki, na magsawa muna sila sa pagkabinata. Mahirap iyong mag-aasawasila nang maaga ‘tapos ay maghihiwalay din. Kaya sabi ko sa kanila,i-enjoy lamang nila ang pagiging binata nila. Dapat pumili sila nggirlfriend na hindi palamunin, kaya dapat ang kukunin nila iyong nagtatrabahorin para tulong sila sa buhay.

"Hindi ako nahihiyang sabihan silang gumamit ng condom atiyong babae, sabihan nilang mag-pills. At hindi pa naman kami nag-away niRichard tungkol sa babae. Hindi ko siya pinakikialaman pero kapag nalaman kokung sino ang nililigawan niya, sinasabihan ko siya na huwag siyang magseryosodahil wala siyang future sa girl.

"Kahit si Ruffa ngayon, sinasabihan ko siya na pumilisiya ng tamang lalaki na magpapakain sa kanila ng mga anak niya. Ayaw kongpumili siya ng milyonaryo pero paiiyakin lamang pala siya."

GOOD FEEDBACK FOR SIGNOS. Binati ng PEP siRichard dahil sa magandang feedback nang mag-host niya ang documentary tungkolsa global warming, ang Signos ngGMA News & Public Affairs. Marami tuloy ang humihiling nai-replay ito sa mas maagang oras.

"Thankful din ako sa lahat ng sumuporta, hindi ko alamna magugustuhan nila ang first time kong pagsama sa GMA News & PublicAffairs. Siguro dahil sa advocacy ko sa environmental project ng GreenPeace. Kasama nga pala sa contract ko ngayon sa GMA Network, bukod sateledrama at Koreanovela adaptation, na once a year gagawa ako ng isang environmentaldocumentary na tulad ng Signos.

"Ang sarap makapagtrabaho sa ganito na makikita mo ang unityng lahat, mula sa executives ng GMA News & Public Affairs at sa mga membersng Green Peace para makabuo ng isang makabuluhang project na maipakikita hindilamang dito sa bansa natin kundi sa ibang bansa din."

Sa pagli-link sa kanya ngayon sa magiging bagong leadinglady niya, si Heart Evangelista, hindikaya magtampo sa kanya ang nililigawang si KC Concepcion?

Ngiti lamang ang sagot ng binata ni Annabelle Rama sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN