Rhian Ramos excited to be included in "Asero"

"Matutuwa ang Rhiannatics na magkasama uli kami ni Richard.Magkasama lang kami at wala siyang sinabing ganyan. Kaya pala, may hint-hintsiya sa akin, ang lakas mang-asar noon," relates Rhian Ramos. She will be oneof Richard Gutierrez's leading lady, along with new Kapuso Heart Evangelista,in Asero.



Pumalakpak nang sunud-sunod at may kasama pang sigaw niRhian Ramos, nang ibalita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kasamasiya sa Asero, ang next series ni Richard Gutierrez sa GMA-7.

Ang actor mismo ang nagbanggit ng pangalan ng young actressnang mag-renew siya ng two-year contract sa Kapuso Network.

"I am? Really? Wow! What's my role? Wala akong alam tungkolsa project na ‘yan. Astig! Sino'ng nag-announce?" sunud-sunod nitong tanong saPEP na hindi alam kung ano'ng uunahing sagutin.

Napangiti si Rhian nang ipaalaala ng PEP na just two weeksago, sa interview sa kanya sa press visit sa shooting ng My Monster Mom, nabanggitniyang isa siya sa GMA Artist talents na walang regular show ngayon at mabutina lang, may dalawa siyang pelikula. Ngayon, magkakaroon na uli siya ng regularshow at natupad pa ang wish niyang muling makasama si Richard.

Okey sa kanya na isa siya sa makakapareha ng actor and she'salso looking forward working with Heart Evangelista.

"Matutuwa ang Rhiannatics na magkasama uli kami ni Richard.Magkasama lang kami at wala siyang sinabing ganyan. Kaya pala, may hint-hintsiya sa akin, ang lakas mang-asar noon. Happy rin ako to be working with DirekMark [Reyes] again. Yehey!" parang batang reaction nito sa magandang balita.

PARTY WITH THE CREW.Of course, excited din si Rhian na mapanood na ang I.T.A.L.Y., at sapictorial ng movie sa studio ni Rene Mejia last Friday afternoon siya nakausapng PEP.

Bagay na bagay sa kanya ang role ng spoiled rich girl sakanyang ayos sa pictorial. Para siyang model,habang pabalik-balik na naglalakad.

"I'm very, very happy with this movie. I don't know why. Angsaya namin sa shooting at totoo ang sabi nina Ate Jolens [Jolina Magdangal] nawe had a great time at grabe ang bonding namin. Nalungkot nga kami when wefinished shooting, kaya sa last day namin, may party kami with the Pinoy crew."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ni-request namin sa captain of the ship na papuntahin silasa party. Marami sa kanila ang hindi magkakakilala and to think, eight monthssilang magkakasama sa ship. Kinuha namin ang contact numbers nila para pagbaliknila ng Pilipinas, kami naman ang mag-aalaga sa kanila, dahil sa ship,inalagaan nila kami," mahabang pahayag ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN