Dennis Trillo strips on the streets of Rome for "I.T.A.L.Y."

"May mga eksena kasing kailangang maghabol sa oras, iyong kailangan namin na may araw pa dahil day effect, kaya kahit saan na lamang doon, nagpapalit ako ng damit, para lamang matapos ang eksena. Saka hindi po naman nila ako kilala roon," relates Dennis Trillo about his stripping stint on the streets of Rome while shooting the movie I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).


Scruffy ang look ng Dennis Trillo na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial nito para sa bago niyang movie, ang I.T.A.L.Y (I Trust And Love You) ng GMA Films last Friday, April 25.

NEW LOOK. "Medyo naninibago rin po ako na may balbas na hindi pantay, ganoon din ang hairstyle ko," nangingiting wika ni Dennis nang batiin namin ang new look niya. "Sinimulan ko na po ito sa I.T.A.L.Y. bago natapos ang shooting namin sa Europe. At ito rin po ang look ko sa bago naming Sineserye ni Katrina Halili for GMA-7, ang Magdusa Ka, katatapos nga lamang namin ng first taping day namin kanina.

"Parang reunion din namin ito ni Katrina dahil nakasama ko na siya sa dalawang telefantasiya, ang Darna at Majica. First time naming magsasama sa isang regular TV drama at parehong bago ang role namin, mabait siyang palaban at first time na magbibida ang character niya, ako naman ay may pagkabida-kontrabida ang role."

Ano ang naging feeling niya nang siya ang huling nag-shooting sa Rome?

"Nalungkot din po, kasi nagsimula kami sa shooting sa Costa Magica [luxury liner] na around 30 yata kami, na ang saya-saya namin, nag-bonding kami nina Jolina [Magdangal], Rufa Mae [Quinto], Eugene [Domingo], Rhian [Ramos], Mark [Herras] at ang production staff, ‘tapos iyong last shooting day, apat na lamang kami sa Rome nina Direk Mark, iyong cameraman namin, at ang manager kong si Popoy [Caritativo]."

May time daw na kahit sa kalye ng Rome ay naghuhubad siya?

"Ah, opo. May mga eksena kasing kailangang maghabol sa oras, iyong kailangan namin na may araw pa dahil day effect, kaya kahit saan na lamang doon, nagpapalit ako ng damit, para lamang matapos ang eksena.

"May mga locations din po kasi na very limited ang oras ng permit namin, kaya mabilisan kami. Maganda naman iyong ibang location na basta binigyan kami ng permit, we can shoot anywhere and anytime na gusto namin. Saka hindi po naman nila ako kilala roon," natatawang wika ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND CHOICE. Hindi maiwasang matanong si Dennis kung ano ang naging feeling niya na second choice lamang siya sa movie?

"Hindi ko po iniisip iyon. Sa situwasyon ko nang tanggapin ang offer ng GMA Films, ang inisip ko ay napakasuwerte ko na nakatanggap ako ng ganito kalaking proyekto at sa kabuuan ng story, nakita kong markado ang role ko at hindi rin siguro ako magiging masaya kung sa akin lamang nakasentro ang story.

"Dito po, may kani-kanya kaming story. Saka thankful po talaga ako na ini-offer sa akin ang project kasi first time ko itong makapag-cruise at first time ko ring makarating ng iba-ibang lugar sa Asia, Europe, and Africa. Parang dream come true."

KISSING ANDREA. Alam ba niyang darating sa bansa ang Italian singer-rapper na si Andrea de Lugo na nakatambal niya sa movie, para mag-concert dito, just in time sa showing ng movie by August 2008, para tumulong mag-promote? Kumusta naman si Andrea?

"Opo, nakita ko na po ang billboard niya dito. Mabait po si Andrea, very beautiful and she reminds me of Hollywood actress Sandra Bullock. She's only 23 years old at nakakapag-communicate kami sa kanya dahil she knows basic English.

"Nag-shoot kami sa Genoa in Italy dahil siya iyong girlfriend ko sa flashback. Marami-rami po kaming kissing scenes at very cooperative siya, walang reklamo sa mga ipinagawa sa kanya," kuwento ni Dennis.

BARCELONA ART. Among the places na pinuntahan nila, nagustuhan ni Dennis ang Barcelona in Spain.

"Iyon po kasi ang main city of art. Napaka-impressive ng church ng Sagrada de Familia na ilang libong taon nang ginagawa. Nagsawa po ang mga mata ko sa mga sculptures at iba pang art subjects doon. Sige po ako ng kapi-pictorial.

"Suwerte po namin na nagpunta kami roon na ang ganda-ganda ng weather. Kaya kahit araw-araw kang magtrabaho, hindi ka mapapagod. Para tuloy ang bilis ng oras, pero para sa akin, iyon ang trabahong kasama na rin ang bakasyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin kung ano ang pasalubong niya sa anak na si Calix Andreas?

"Halos wala naman din akong nabili dahil wala kaming time na mag-shopping, kaya konti lang ang pasalubong ko sa kanya nang dalawin ko siya nang makabalik ako ng bansa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN