Dingdong Dantes answers fans' protest against his past statements

"I am a person who answers genuinely to questions given tome. ‘Pag may tanong, may sagot. ‘Di ko katauhan ang magpaliguy-ligoy atmagsinungaling. Ayokong may nagtatampo sa akin, kailangan kong ayusin ‘yan," repliesDingdong Dantes to fans protesting the statements he made inhis earlier interviews. The fans did not like his past statements concerninghis working relationship with Marian Rivera and about his girlfriend Karylle.



Naiparating ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayDingdong Dantes ang tampo ng fans ni Marian Rivera at fans ng love team nila,sa mga naging pahayag ng actor tungkol sa tambalan nila ni Marian at sadiumano'y pagiging proud ng actor sa relasyon nila ni Karylle.

Hinintay ng PEP na matapos ang interview ng ibang press saactor sa presscon-launching ng Dyesebel, saka ito nilapitan. Binanggitng PEP kay Dingdong na nakakatanggap ito ng e-mail mula sa fans at inirereklamosiya.

May ibang grupo pa nga ng fans na sa sobrang pagtatampo,gumawa ng petition sa GMA-7 at nagre-request na last team-up na nina Marian atDingdong ang Dyesebel. Ipareha naman daw ang actress sa iba paramakitang hindi lang ang love team nila ng actor ang klik sa tao. Nag-suggestdin ang mga nagtatampong grupo ng fans na kay Karylle na lang ipareha siDingdong at titingnan daw nila kung ano ang mangyayari.

Ipinarating na nga ng PEP ang lahat ng e-mailed comments ngfans kay Dingdong. Kita agad ang pagkalungkot sa mukha ng actor. Matagal itongsumagot at inisip muna ang sasabihin para hindi siya ma-misinterpret.

"Wala naman silang rason para magtampo. Sumasagot lang akosa tanong at wala akong intensyong bale-walain ang love team namin ni Marian atang suporta ng fans. Management decision kung pagtatambalin pa kami after Dyesebel.Basta ako, always looking forward to working with her, enjoy akong katrabahosiya, dahil very professional," pahayag ni Dingdong.

Bago umalis, sinabi nito sa PEP na dadagdagan niya ang sagotniya at iti-text na lang niya. After two days, natanggap ng PEP ang mas mahabaat malinaw na sagot sa isyung ipinagtatampo ng fans. Sana maalis na ang tampo sa kanya ng ilang fans at subaybayan uli ang Dyesebelna magpa-pilot sa Monday, after Joaquin Bordado.

Sabi ni Dingdong: "I am a person who answers genuinely toquestions given to me. ‘Pag may tanong, may sagot. ‘Di ko katauhan ang magpaliguy-ligoyat magsinungaling. I value my relationship with people—family, friends, lovedones."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As per my relationship with Marian, I believe we both arehappy to work with each other again. Wala kami naging problema dati and walakaming nakikitang problemang parating. As partners, dito kami parati sa isa'tisa to help each other, personal man o hindi. I am thankful that GMA gave usanother opportunity to be together, which I value deeply. Thank you to all thosewho support us as individuals, much more as a tandem."

After a few minutes, pagkatapos i-text ang kanyangstatement, muling nag-text si Dingdong para lang itanong kung okey ang kanyangsagot.

"Ayokong may nagtatampo sa akin, kailangan kong ayusin‘yan."

Humirit kami ng isa pang tanong kay Dingdong, pero nag-beg-offito at hindi na sinagot. Mas mabuti na raw na wala siyang comment sa isyu parahindi na lumaki pa ang gulo.

Inulit nitong happy siya to be working with Marian again atwish nitong, suportahan pa rin sila at ang Dyesebel, gaya nang ginawang suporta sa Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN